Miyerkules ng umaaga. Puno nang kasiyahan ang buong paaralan, sino bang hindi masisiyahan kung shorten-time lang ang klase ngayong araw?
Ang mga kaklase ko ay hiyaw ng hiyaw dahil sa inanunsiyong iyon ng Principal. Ganito pala sa public, malayong-malayo mula sa pinanggalingan kong private school.
Mas masaya dito at hindi sila masyadong mahigpit. Hindi nakakasakal at mas marami akong natutunan dito.
"Hannah."
"Ops?"
"Nagawa mo na yung assignment sa General Math?"
Kumunot ang noo ko dahil sa tinanong niya. May takdang-aralin kami sa Gen. Math? Di nga? Nauntog ba ang ulo ko dahil hindi ko alam yun?
"May assignment tayo dun?"
"Uhm. Oo." Lumaki ang mga mata ko at kinalkal ang bag ko. Pero hindi ko naituloy dahil nahagip ng mga mata ko ang nakatayo sa taas ng mesa.
Si Rosaline. Ini-angat ko ang tingin ko at nakita ko siyang umiiyak. Tumayo ako at akmang lalapit sa kaniya ng may inilabas siyang baril.
Lahat ng nasa harapan na kaklase namin ay nagsi-atrasan.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Darwin. Naka-taas ang mga kamay niya at para bang kinaka-usap ang isang bata dahil sa pagkakatanong niya.
"I'm sorry guys. I'm sorry." Humikbi ito ng malakas. "I'm really sorry."
"Rosaline. Bumaba ka jan," Saad ko naman, kaming dalawa lang ni Darwin ang naglakas loob para lumapit sa kaibigan namin. Hindi naman nakatutok sa amin ang baril, hawak niya lang ito habang nakatingin sa kawalan.
"I'm sorry. I'm sorry." Pa-ulit-ulit nitong saad. "I'm sorry. I'm sorry."
"It's okay, Rosaline. It's okay." Sabay naming saad. Naririnig ko na mula dito ang tawa ng aming guro kasabay ang ibang estudyante na patungo dito.
"Mark, huwag mong hahayaang makalapit ang kahit na sino sa room natin. Please, lumabas na muna kayo at huwag na huwag magpapasok ng kahit na sino. Guard the doors okay?"
"Okay." We heard shuffling of chairs at ang nagmamadaling mga lakad.
Kung ang mga guro ang aasikaso nito ay baka mas lumala pa. Even though maganda at napakahusay nilang magturo ay wala silang paki-alam about sa mental health ng mga estudyante. Except na lang sa guro namin sa Philosopy na naka-leave naman ngayon.
"Guys. Why am I like this? I feel empty." Saad nito. "I'm sorry dahil kailangan niyo pang makita ang gagawin ko. I can't bear it any longer." Mas lalong lumakas ang hagulgol niya. "I'm sorry."
Itinapat nito ang baril sa kaniyang ulo. Nakarinig ako ng mga pagsinghap kaya napatingin ako sa bintana. Ang mga kaklase namin ay nakamasid doon, takot at pangamba ang bumabalot sa buong mukha nila, hindi para sa kanilang sarili kundi para sa kaklase naming gustong mawalan ng buhay ngayon.
Nag-aalala ang mga ito, kita naman sa kanilang mga mata na ngayon ay nababahiran na ng luha.
Alam kong mangyayari ito balang-araw. Alam kong gagawin niya ito balang-araw. Pero hindi ko inaasahang gagawin niya ito sa harap naming lahat.
But I'm glad she did. Pagkapasok na pag-kapasok ko pa lamang sa paaralang ito dati ay siya na ang nakita ko.
Iba ang aura niya sa aura ng mga estudyante. Meron siya nitong hindi maintindihan ang ugali. Sometimes she's good, sometimes she's bad.
Alam ko na nang nakadaupang palad ko siya na may problema siya.
She's a bipolar. Has anxiety. And depression. Pero hindi mo aakalain iyon dahil napakarami niyang kaibigan, she's an outgoing girl for Christ sake.
YOU ARE READING
Saving Rosaline (One-Shot)
RandomThis is a story of how they saved her. *** "Tignan mo 'ko sa mga mata ko Rosaline. Sa tingin mo ba natatakot ako sayo?" Unti-unti siyang umiling habang nakatingin pa din sa mga mata ako. "Sa tingin mo ba sasaktan kita?" Umiling muli ito, pinunasan n...
