B1- Sensing Zilch (aliyahdorelle)

44 6 3
                                    

📕Author: aliyahdorelle
📕Story Title: Sensing Zilch
📕Critic Mentor: Khalessi (MessDan)

📌Palala ang iyong mababasa ay sariling opinyon at pananaw ng napiling kritiko sa iyong pinasang akda.

📌Panatilihing bukas anh pag-unawa habang nagbabasa ng kabanatang ito. Maari mong ipahayag ang iyong reaksyin sa pamamagitan ng pagkomento.

📌Prologue- Chapter 5 po ang pinagbasihan ko sa critique na ito.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book Cover:

Wala na akong masasabi pa sa book cover. I think it was on point and very catchy and if I'm not mistaken ikaw din ang nag-edit ng sarili mong cover kaya naman WOW.

💥Title: Sensing Zilch

Your title was very eye-catching and very memorable. May napukaw din na curiosity sa'kin. Medyo nagtaka pa ako kung bakit ito ang napili mong pamagat pero ng mabasa ko na ang laman ng iyong akda ay doon na nagaing malinaw. I like the wordplay that you used about Zilch. Wala feeling ko kasi magandang detail lang siya.

💥Opening:

Para sa story description mo I would be honest. Nabigyan mo naman siya ng hustisya. It was average for me. It was enough to set-up the story and make your readers tap read but I think it was a bit too average for them to save it to their library instantly. Pero nang nabasa ko na rin naman ang laman ng story mo dun ko na napagtanto na, "Ah!  May something."

Para naman sa prologue mo,  nagustuhan ko siya! You started out strong and dramatic. Maganda din ang pakakasulat ng sequences mo at dama ko ang emosyon. Medyo naguluhan lang ako ng kaunti sa totong kalagayan ng lead girl mo sa prologue pero para sa'kin magandang bagay 'yon. Na-curious kasi talaga ako at kung ordinary reader mo ako talagang mahihikayat ako na basahin ang susunod na kabanata. Kaya naman nagustuhan ko ang prologue mo dahil nagawa niya ng mabuti ang layunin niya.

💥Conflict/Plot:

I liked your overall plot. Napaka-complex niya at detalyado. Maganda din dahil may hint talaga ng reyalidad ang conflict mo. Iyong tipo na alam mo na nangyayari sa totoong mundo at hindi pang wattpad lang.

Maganda ang concept na napili mo para sa'kin iilan lang kayo dito sa wattpad although hindi na rin naman bago sa'kin ang mga materials na medical drama. Naliwanagan na ako sa totoong karamdaman ni Euphy nang makita ko ang pangalang "Helen Keller". I've read about her at minsan na rin siyang naging topic ng discussion namin sa creative writing noong HS. Anyway bilib ako sayo dahil sa lawak ng scope mo as a reader at writer din. Mahirap magsulat ng ganitong kwento lalo na't bingi at bulag ang leading character mo. So far maganda ang pagkakakwento mo kaya naman hindi ako nagkaproblema na intindihin 'to.

Medyo may isa lang akong opinyon sa conflict na lumitaw sa mga latest chapter. Napabilib kasi ako sa pagka-realistic ng events sa story mo pero medyo napataas lang ang kilay ko dahil sa isang issue sa mga Sal at ang pagpapatalsik sa kanila sa pwesto.
In the corporate world kasi hindi na bago ang competition for power. Pero kung iisipin nating mabuti parang superficial lang sa'kin na ma overthrow ang mga Sal dahil lang sa kalagayan ni Euphy. Kasi in the first place sila ang may-ari ng hospital. Kahit sabihin natin na may mga investors sila at marami ding shareholders, being the people who built the whole organization,  hindi ba malamang na sila pa rin ang may pinakamalaking shares of stocks?

Hindi naman talaga ako maalam sa business pero base kasi sa sarili ko lamang pagunawa, most likely shareholders will flock to support the biggest contender to keep themselves in position. Iba din kasi ang appointment ng chief executive officer at ng president para sa mga private institution like hospitals and schools. Presidency can be attained through election of worthy candidates from the board of directors. Dahil pami-pamilya ang negosyo nila, halata naman kasi na halos lahat sa kanila doctor or businessman, malamang ang mga Sal pa rin ang may pinakamalaking populasyon sa board of directors at dahil din sa malaking shares nila malamang ay doon din sa kanila aanib ang ibang directors.

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 1 - CLOSED]Where stories live. Discover now