B1-Finding Moon Prince (CrazyInCupcake)

Start from the beginning
                                    

✖Kasama ang apat na Dragon at ang apat na kamahalan mula sa apat na kaharian na Centro ng Lumenia na hanapin ang nawawalang moon prince na si ELIJA.

🌚 Tulad nga po ng mga sinabi ko, iwasan natin ang mag- drop kaagad ng name para mas maging kaabang-abang ang kwento. -Pwera nalang siguro kung iyong naiisip kong isa pang posibilidad ay ang mismong purpose mo.

🌚Ang ginawa mo kasi rito ay gumawa ka na ng summary for the story, kulang nalang talaga ang ending para mabuo siya. Ang diskripsyon ay mga pangungusap na pahapyaw lang. -Pwede ito 'yong mga kasabihan na konektado sa kwento, -at pwede rin itong katangian at ugali ng bida.

🌚Nawawala rin ang mga bantas sa diskripsyon mo. Iyon po ang huwag na huwag nating kakalimutan.

✖at makikilala niya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso ang misteryosong lalaking si Adrian.

🌚Uulitin ko po, huwag po tayong maging straight forward, kahit atat na atat tayong ipakilala ang magiging kapareha niya ay mag-relax muna tayo dahil darating din tayo diyan. Kasi paano magiging thrill ang love story niya kung sinabi mo na kaagad na si Adrian ang ititibok nito. Syempre para maging healthy ang lovelife sa kwento ay may mga aasahan kaming karibal. Huwag mong ishare kaagad sa amin na siya ang itinitibok ng puso niya dahil mawawala na naman iyong expectations namin. Always remember na hindi lahat ng readers ay gustong-gusto ang ipa-partner mo sa bida, mayroon at marami rin ang nagmamahal sa mga second male. Doon ka bumase, paikutin mo ang mga mambabasa, na tipong ikaw lang talaga ang nakakaalam kung sino ba talaga ang magiging partner niya.

🌚Siguro imbis na 'magpapatibok' ay bakit hindi mo gawing mas makahulugan pa. 'At darating ang isang misteryosong lalaki na magpapa-roller coaster sa feelings niya. Paano niya malalagpasan ang mga darating na panganib kasama ito? -Pwede kang maglagay ng questions sa diskripsyon to add some more thrill and excitements.

💥PLOT:
-You only have three chapters kaya nahirapan akong malaman kung saan ba ito patungo, lalo na't ang iikli lang naman ng mga nilalaman ng chapters mo.

-Kaya kumuha ako sa diskripsyon. Sabi ko nga ay nagmukha itong summary. 'Apat na dragon at apat na kamahalan mula sa apat na kaharian'. Hmmn. Sa ngayon, wala pa naman akong nababasang ganito. Kaya ang masasabi ko ay fresh from your imagination pa ito. 'na Centro ng Lumenia.' Paano mo nasabing sentro ang apat na kahariang iyon? Ang mga kaharian kasi ay magkakahiwalay at ang tanging alam ko ay iisa lang ang magiging sentro nito kung magkakakampi man sila. At maybe ang Lumenia ay isang bansa na tinutukoy mo. At may apat na sentro? Hindi iyon pwede. Kung saan galing si PRINCE ay iyon ang masasabing sentro dahil nga sa sinabi mong magtutulungan sila lahat sa napaka-halagang taong iyon.

💥SETTING/ SHOW VERSUS TELL:
-Sinasabi mo sa amin kung ano iyong ginagawa at kung anong nangyayari sa kanya. Pero hindi mo ito mismo ipinapakita.

-More on telling ka kaysa sa showing kaya nawawala iyong impact ng kwento. Basta mo lang sinabi at hindi ka na nag-explain, hindi mo na diniscribe. Nakarating si Julius sa eskwelahan pero hindi namin siya ramdam. Para bang siya lang iyong tao, at para bang blangko lang 'yong kapaligiran niya.

-Napaka-halaga ng mga lugar. Ng settings. Hindi kukulay ang isang kwento kung hindi mo ipinapakita. Think of it, bago tayo magsulat ay isipin muna na'tin kung anong klaseng lugar ang gusto niyang marating. Pumikit ka at imaginin mo 'yon. Sa paaralan, anong mayroon d'on? Maingay. Mainit. Malamig. Kasi pati iyong paglalakad niya ay nakakalimutan mo na rin, ano bang ginagawa sa paglalakad? Ano bang nakikita sa paglalakad mo sa labas? Sa hallway? Sa labas ng mga classrooms.

-May tatlong paraan ang pagbuo ng settings.

🌒First is our five senses. Simula sa mga nakikita mo, sa naaamoy mo, sa mga bagay na nahahawakan mo, sa nalalasahan mo at sa mga naririnig mo.

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 1 - CLOSED]Where stories live. Discover now