8 - Wasted.

801 31 15
                                    

Elaine's POV

"I guess you guys know kung bakit ko kayo pinatawag."

Grabe yung kaba sa dibdib ko. Gosh, I just hope gumana ang plano ni Andrei!!

"Panoorin niyong mabuti ito."

Hinarap ni coach Aldin yung monitor sa amin. A clip of me and Ricci inside the gym awhile ago was rolling. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nung nakita ko yung footage nung nangyari kanina. Expected ko na to pero bakit parang nagulat pa rin ako na alam na ni coach. Nagkatinginan kami lahat. Natapos ang video sa pagdating ni Brent. Binalik ni coach Aldin yung pagkakaayos ng monitor ng computer niya at tumayo mula sa pagkakaupo niya.

"Pinakita sa akin yan ng guard kanina pagdating ko. Ricci, since ikaw ang lalaki, ikaw ang una kong tatanungin."

Napatingin kaming lahat kay Ricci. Blangko at wala akong makitang kahit anong emotions sa mukha niya. Nakatingin lang siya ng diretso kay coach Aldin.

"Ano ang ibig sabihin nito? Alam na alam niyong bawal ang kahit anong romantic relationship between the manager and the student athlete! Nasa pinirmahan niyo yang dalawa. At kayong apat naman, matagal niyo na bang alam ang tungkol dito?"

Biglang tumawa si Andrei. Sinundan naman ni Kib, Aljun, Jollo, Brent at Ricci. That's the sign na start na ng magaling na plano ni Andrei.

"What's so funny? Hindi ito ang tamang oras para tumawa! Kayong dalawa, pasalamat kayo at ako pa lang ang nakakakita nito! Anong page-explain na lang ang gagawin ko sa coaching staff kung kasama ko sila nung pinakita ito sakin? Sigurado matatanggal si Elaine at Ricci sa team."

Nagsalita si Andrei.

"Kasi naman po coach, naga-assume na kayo agad na may something yang dalawang yan without asking us! Hahaha!"

Sinundan naman ni Brent si Andrei.

"Kaya nga coach! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, walang araw ang lumipas na hindi sila nag-away."

"So anong ibig niyong sabihin? Nagsisinungaling ang nakita ko sa CCTV?! Manahimik kayong lima diyan! Ricci, explain this to me!"

Tumingin ako kay Ricci at bumuntong-hininga. Fuck, I really hope this works! Promise ililibre ko si Andrei pag gumana tong plano niya.

"Coach, we were practicing our lines for our upcoming play sa isang subject namin ni Elaine. EnglComm to be exact. Our prof asked us to perform a scene from one of our discussions about the lit Romeo and Juliet. Para po yun sa midterm namin."

"Oo nga coach. Ka-grupo nga po nila ako eh. As you can see po sa video, galing po ako ng locker room para kunin yung camera na hawak ko po diyan. Ayan po oh. Magpapractice slash draft video na po sana kami kanina. Kaso sakto namang dumating sila Aljun."

"Opo coach. Akala nga rin po namin may tinatagong something tong dalawang to eh. Kasi dumating kami dun nasa part na sila nung script nila na magkikiss. Kaso yun pala mali kami. Nagpapractice lang pala para sa midterm project nila."

Napalunok ako. Damn, ang gagaling magsinungaling ng mga hayop na to hahahaha!

"You can watch the CCTV po sa locker room coach para makita niyo po na galing talaga ako dun para kunin yung dslr."

Tinignan kami isa-isa ni coach at bumuntong-hininga.

"No need Brent. Sige na, kayong lima lumabas na kayo dun. Ricci at Elaine, maiwan kayo."

"Sige po coach, bye!!"

Isa-isa ng tumayo sila Andrei. Nung nakatalikod na siya kay coach Aldin at nakaharap samin ni Ricci, kumindat siya. Fuck yes, Andrei's plan worked!

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Aug 27, 2020 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Home is Where The Heart is.  (ON-HOLD)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin