7 - Secret's Out

596 27 7
                                    

Elaine's POV

"I'm home."

Nakaupo si Ricci sa couch at nanonood ng TV. He turned to me and stood up tapos naglakad palapit sakin at kiniss ako sa lips.

"Finally. I'm hungry na."

"Same. Hindi talaga ako nag-dinner para sabay tayo."

Nginitian niya ko at hinila papunta sa dining table.

"Sit. Pinagluto tayo ni kuya ng steak and mashed potatoes."

"Really?"

"Yup."

Inayos ni Ricci ang pagkain namin. He even cooked rice. Pagkatapos niyang ayusin, umupo na siya sa harap ko tapos nagdasal na kami at nagsimulang kumain.

"How's your meeting?"

"Okay naman. Mabait naman pala yung si Jordan."

"Oo nga daw. I asked Jeron about him. Nagkasama sila one time sa isang tournament. Super chill lang daw kasama si Jordan."

"Oo, chill lang. We gave him a ride home."

"You did?"

Tumango ako.

"Hindi naman out of the way yung condo niya so sinabay ko na siya."

I looked at Ricci and saw him swallow.

"Huh."

I smiled.

"Uuyyy, selos."

"Hindi ah! Tsss ba't naman ako magseselos dun sa lalaking yun?"

"Kunyari pa to. Hay nako Ricci, kilalang-kilala na kita. Wag kang ano diyan. We just talked. Tsaka isa pa, magiging alaga ko na rin naman ang isang yun so makakasama niyo na rin siya soon. There's nothing you should be jealous of."

"Hindi naman kasi talaga."

"Okay sabi mo eh. He asked me nga pala to go have lunch with him."

"What?! No way! Hindi pwede! Ano siya, sinuswerte?! Hindi pwede! Ayoko!"

Bigla akong natawa.

"Bakit ka tumatawa diyan?!"

"Yan ang hindi nagseselos."

"Ewan ko sayo! Edi makipag-lunch ka sa Jordan na yun! Uuwi na ko!"

Bigla siyang tumayo.

"You can't stand up, we're still eating."

Umupo ulit siya.

"E-edi pagka-ubos ko nito! Uuwi na ko!"

"Baby, stop being so childish and finish your food. Walang uuwi. Tsaka tigilan mo na nga yang pagseselos. Binibiro lang kita eh!"

"Kainis to."

I smiled and reached for his cheek.

"Cute mo magselos."

"Hmp. Finish your food na nga."

Pareho kaming napangiti and went back to eating.

-

"Oo nga pala, what did your dad say pala? Kamusta siya?"

Nakahiga na kami at nagpapaantok na lang.

"Apparently, aalis sila ni tito Paolo papuntang SG."

"Tito Paolo? You mean my dad?"

"Oo. Hindi ba nabanggit ni tito sa inyo?"

Home is Where The Heart is.  (ON-HOLD)Where stories live. Discover now