4 - Forbidden

1K 52 33
                                    

Elaine's POV

"As you all know, we would be having new recruits next year. At gusto ko, as early as now maiinform kayo about that. There would be a lot of new players, transferees from other UAAP schools and yung galing ng Juniors. Each of the student managers will be handling 2 new players. Hindi pa sigurado yung mga ibang players kaya tentative pa rin ang lahat. I just want to give you guys a heads up. Okay?"

"Yes, coach."

"Ito yung list ng mga sure players na magiging part ng Green Archers. Kapag nakita niyo yung name niyo beside the player's name, kayo ang magiging student manager nila once they sign the contract. Okay?"

Isa-isa kaming binigyan ng papel at agad kong hinanap kung nandun ang pangalan ko. And I did.

Jordan Bartlett - Elaine Del Rosario

Napakunot ang noo ko. I think I know him.

"Swerte naman ni Elaine, gwapo nanaman ang alaga niya."

I turned to Jenny.

"Parang familiar sakin yung name eh. Kilala mo ba?"

"Gaga, si Jordan ng NU Bulldogs yan. Lilipat na siya satin next year. Siya yung Fil-Am na vlogger."

"Talaga?"

"Oo. Alam mo pag nakikita ko siya, he reminds me of Zayn Malik. Hahaha!"

Biglang nagsalita si coach Aldin kaya nakinig na ulit kami.

"Listen, may mga contact numbers sila diyan. You should save their numbers para once na kinailangan niyong ma-meet sila, you can give them a call. Ngayon, kung andiyan ang name niyo at iisamg player pa lang, ibig sabihin yung isang ima-manage niyo ay nasa batch 2 pa. Yun lang naman. You may go."

Isa-isa na kaming tumayo at lumabas ng office at bumaba. It's been days since I kissed Ricci and he's been... busy. Simula kasi nun, hindi na siya madalas na sumasama samin ni Brent. Ang kwento nung isa, meron daw pinagkakaabalahan na dancer.

Pinabayaan ko lang siya dahil kilala ko na yan. Makikipag-fling lang tapos hindi rin naman tatagal. Nakakainis lang kasi hindi pa rin niya itigil yung gawain niyang yun.

Who am I kidding? Nagseselos lang talaga ako ng konti.

Madalas ko pa rin naiisip yung kiss na yun. Dun ko kasi na-prove na may gusto nga ako sa kanya. Kaso hindi ko naman maamin kasi alam niyo na. He doesn't see me that way.

Habang naglalakad ako pabalik sa condo, nakasalubong ko sila Kib at sinabing hinahanap daw ako ni Ricci kanina.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at tinawagan siya.

"Hello, Lei-lei!"

"Oh? Hinahanap mo daw ako. Nasan ka ba?!"

"Nandito ako sa condo mo. Bilisan mo, umuwi ka na dito!!"

"Bakit ba?!"

"Basta! Sige na!"

Binaba niya bigla. Bwiset talaga to eh. Binilisan ko ang paglalakad ko. Pagdating ko sa condo, nasa loob siya ng kwarto at may nakapatong na maleta sa kama ko. He was packing my clothes.

"Hoy ano ba?!"

"Oh, andiyan ka na pala. Tama ba na tong mga damit mo para sa tatlong araw?"

"Ano bang ginagawa mo?! Tsaka bakit mo pinapakeelaman ang gamit ko?"

"Hindi ba obvious?! Aalis tayo!"

Nginitian niya ko.

"At saan naman tayo pupunta?"

Home is Where The Heart is.  (ON-HOLD)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें