6 - Jordan

613 36 4
                                    

Elaine's POV

"Hanggang 5 pa klase ko ngayon, Cci. Kaya sa gym na tayo magkita."

"Sure ka? Hindi ka na namin susunduin ni Brent?"

"Wag na. Ang lapit lapit lang naman eh."

"Okay sige."

He held my cheeks but I immediately slapped his hand away.

"Ricci, nasa school tayo. Baka may makakita."

Bumuntomg hininga siya at ginulo ang buhok ko.

"I forgot, sorry. Ingat ka ah. I'll see you later."

Tumango ako at pumasok na sa loob ng room namin para sa Englcomm class ko. Dumiretso ako sa upuan kung saan lagi akong umuupo at naghintay na dumating yung prof ko. Maya-maya pa, dumating na rin siya and before I knew it, she was giving her last reminders. Ang bilis ng oras. Palibhasa kasi ang dami naming ginawa ngayon kaya parang 10 minutes lang yung isang oras. Nung dinismiss na niya kami, dumiretso naman ako sa Andrew building para sa next class ko, business math. Hindi ko alam kung bakit parang tamad na tamad akong gumalaw. It's only been a couple of hours since I arrived here in school pero gusto ko na agad mag 5 pm. And thinking about sitting for 3 hours, solving equations made me want to skip class. Pero hindi pwede dahil I need to maintain my scholarship.

Tatlong linggo na yung nakalipas mula nung nagka-something kami ni Ricci. Wala namang nagbago sa kung pano yung pakikitungo namin sa isa't isa. Siguro medyo mas naging clingy lang kami ngayon kesa noon. Pero only when we're with Brent and the others who know at kapag kaming dalawa lang. Sobrang thankful ako kasi damn, hanggang ngayon wala ni-isa ang nakakaalam tungkol sa amin.

-

"Elaine, may itatanong ako sayo."

Andito kami ni Jenny pati na rin ang ibang student managers sa Razon, pinapanood ang training ngg mga alaga namin. I turned to her and nodded.

"Ano ba yun?"

"Tignan mo yung alaga mo."

Kumunot ang noo ko.

"Sino sa kanila?"

"Si Ricci."

"Oh anong meron?"

"Wag kang magagalit sakin friend ah. Pero kasi ang gwapo talaga niya 'no? Tapos ang yummy pa."

Bigla siyang ngumiti sakin. I rolled my eyes.

"Akala ko naman kung ano na."

"Pero friend, aminin mo nga sakin. Hindi ka man lang ba nagkakagusto or nagkaka-crush man lang? Grabe, ang swerte mo nga eh. Biruin mo, walang araw na ginawa ang Diyos na hindi mo nasilayan ang ka-gwapuhan niya?"

"Ano ka ba? H-hindi 'no! Ako? Magkaka-crush diyan? Tsaka isa pa, bawal kaya yun!"

"Defensive much? Hahahaha. Chill girl! Basta ako, crush ko yang alaga mo mamsh. Ayun, tignan mo tignan mo! Nakatingin siya dito, friend!!"

Tinignan ko si Ricci at nakitang nakatingin siya samin at nakangiti. Tama naman si Jenny eh.

Ang gwapo nga niya talaga.

Nung matapos ang training, isa-isa ng nag-shower ang mga players. Kami namang student managers, pinatawag sa office ni coach Ayo.

Inabutan kami ng isang envelope na may pangalan ng school at pangalan ng bagong player na mapupunta samin.

"Managers, listen. Napagkasunduan namin na kayo na ang humawak at magbigay niyan sa ihahandle niyong bago. Nakalagay sa loob niyan ang lahat ng kailangan nilang malaman tungkol sa school policy, sa offer sa kanila, at lahat ng dapat na malaman nila about sa varsity team. They need to read and study that as soon as possible kaya makipag-coordinate kayo sa kanila para maibigay niyo yan. Their contact numbers are there so you can call them and make arrangements for a meet-up. It's also a nice way para kahit papano ay mameet niyo na rin sila."

Home is Where The Heart is.  (ON-HOLD)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora