Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Oh well, aside dun sa kanyang makapanindig-balahibong pagkalalaki pero I was never a girl who judged a man by his length...or girth. Gusto ko good time lang, landi-landi, kembot-kembot ng kaunti at ayoko ng mga seryosong commitments. And I know na yun ang hanap ni Dustin.

"Teka nga." Napabalikwas ako sa kama. "Bakit ko ba yun pinuproblema eh hindi naman kami so dapat klaro sa kanya na naglalaro lang ako." I said and remembered how I woke up in his arms after our hot shower. "Jusko, jusko naman!" I grumbled and heard my phone ring. "Sister!"

"What's wrong, Ate? Are you okay?" Alexa's very worried voice made me laugh. Minsan, nakakaloka din ang pagma-mother figure sa akin nitong kapatid kong ito.

"Keri lang, marami lang iniisip. Bakit ka pala napatawag?"

"I was expecting your email--"

"Ay, shit oo nga. Sorry. Sige, i-email ko in thirty minutes. Ilalagay ko lang yung suggestions mo para mapirmahan mo na agad."

"Kahit bukas na." She said. "Ay may chismax ako..."

"Ano ito?" I excitedly asked. Si Alexa mahilig din sa chismis pero hindi halata. Hindi tulad ko na naturingang tsismosa mula nung elementary.

"Si Dustin, may girlfriend na!" She divulged and my jaw literally dropped. I snapped my mouth close.

"Talaga?" I questioned. Pinamalita na kaya nyang kami? I thought surprised na medyo kinilig daw pempem ko. Buti ka pa, pempem may lovelife, You na talaga.

"Oo! Ang sabi ni Alex parati daw wala si Dustin and he even missed their golf date last time."

"Ganun?" I asked. "Sino?" Hay naku, Dustin isa ka na naman sa mga lalaking nabiktima ng aking nakakabaliw na alindog. Kung sabagay, okay lang naman sya maging boyfriend -- gwapo, matalino, stable ang trabaho, mahaba ... ang pasensya, malaki... ang puso. I was laughing like crazy in my head at my thoughts.

"Suzette daw ang name." Alexa said and I felt my world tilt.

"Ha?!"

"Ano ba, Ate wag ka namang sumigaw." I heard Alexa complain and I mumbled an apology. Suzette?! Sino si Suzette?! At ang bilis naman nyang magka-girlfriend! O baka may nililigawan sya habang ini-exercise nya ang pempem ko! Tangnang yun, tarantado! Two-timer! Manloloko! Gago! Hayop! Hayok sa laman. Wait lang, bakit ba ako nagagalit? I asked myself. "Ate, nandyan ka pa?"

"Oo, andito. Nagulat lang ako. Sino ba namang mag-aakalang magkaka-girlfriend si Dustin eh parang tuod yun na naka-kurbata."

"Grabe ka naman, Ate!" Alexa burst out laughing.

"Parang tuod na binabad sa ref ng ilang siglo at dinamitan ng designer clothing." I added at di na magkamayaw si buntis sa kakatawa. "Hoy dahan-dahan baka mapa-ire ka dyan."

"Ano ka ba, Ate ilang buwan pa lang to."

"Baka mag-spotting ka na naman at akalain mo na namang may period ka yun pala kumapit na lang ang binhi ng asawa mo sayo kaya ka dinudugo."

"That's supposed to sound scientific, Ate pero pag galing sayo parang porn."

"Naku, pareho naman na tayong hindi na virgin, wag na tayong magkaila. Yung baby nating si Lee Ann ay bantayan mong mabuti at mukhang--"

"Wag na wag magkakamali yan si Nickolai at makakatikim sya ng unlimited roundhouse kicks sa akin."

"Sabihin mo nga kay Lee Ann na tawagan ako, bakit ba mukhang napaka-busy ng batang yan? Kumukuha ba yan ng masteral at ganun na lang kadami load nyan?"

Bedroom Negotiations ClassicWhere stories live. Discover now