One

292 4 0
                                    

Dannie

"Aaaaaahhhhhhhh!!!! Damn this life!!!!"

Ang sigaw ng lalaking sumigaw ng attention ko sabay bato ng hawak niyang bote ng alak habang nakatunghay sa madilim at payapang dagat na tila nakikisama sa kalungkutan na nararamdaman niya. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing tanglaw.

"Wala na bang ibibigat pa itong mga problema na ito?"

"Baka naman may idadagdag ka pa?!!!"

Sabay tingin niya sa madilim na kalangitan.

Then, I saw his face. Puno ng kalungkutan. At ng tumamaangliwanag ng buwan sa mukhanyaaymababakasangagos ng luhasakanyangmga mata.

Sasobrangkalungkutanniyaaydinyanamalayannanasapaligidlangako. Dumatingsiyakaninalang at mukhangnakainomna at patuloy pa rin ang pagtungga sa dala niyang alak. Imbesnaakoang nag-i-emote ditoaypinanood ko nalamangsiya.

Suddenly, I feel the feeling na gusto kong i-comfort siya. Alamin kung anoangproblemaniya. Then bigla, napahiganalangsiyasabuhanginan at malamangnakatulognasasobrangkaiiyak at kalasingannarin.

That's the time nana-curious ako at biglaaytumayoakosakinauupuankongbatuhan at nagsimulanglapitansiya.

"Ahmm, excuse me mister..."

Kinalabit ko siya. But no movement or response.

I get my cellphone and called someone.

------

"Sige manong diyan mo na lang siya ihiga."

Sabay punta ko sa may cabinet at nanguha ng malinis na t-shirt at jogging pants.

"Ma'am, ok na po. Iiwan ko na po ba kayo?"

Tanong sa akin ni Manong Tannie, ang driver ko na tinawagan ko kanina para tulungan akong dalhin ang estanghero na ito dito sa loob ng beach house ko.

"Uhm... wag muna manong. Pakipalitan mo muna siya ng damit. Eto o, basa malamang yang damit niya dahil nahiga sya sun sa may pampang."

Sabay abot ko nung damit na kinuha ko kanina.

"I'll be outside po muna ha, kukuha muna ako ng towel at maligamgam na tubig pampunas sa kanya."

Lumabas na ako. Medyo awkward kasi kung panoorin ko pa si manong habang binibihisan niya yung estranghero na yun diba.

Pero parang sayang, base sa tingin ko sa kanya yummy siya.

Hay naku Danniece namamanyak ka na naman, saway ko sa sarili ko at dumiretso na ako sa kusina.

"Ma'am ok na po. Napalitan ko na siya ng damit. May iuutos pa ba po kayo?"

Ang biglang tanong ni Manong Tannie habang papasok sa kusina. Di ko na namalayan ang pagbaba niya.

"Wala na po manong. Magpahinga na po kayo. Maraming salamat po at pasensya na po kayo sa abala."

Alas-diyes na kasi ng gabi at alam kong nagpapahinga na rin sya ng tinawagan ko at hiniling ang tulong niya.

"Naku ma'am wala po yun. Tungkulin ko po yun. Sige po. Magandang gabi. Tawagin na lang po ninyo ako kahit anon oras 'pag may kelangan pa po kayo."

Paalam ni manong bago nag-aalanganing umalis. Parang may gusto pa siyang sabihin sa akin ngunit mas pinili na lang niyang manahimik at umalis na lang.

Iyan ang nagustuhan ko kay manong Tannie e, alam niya kung kelan dapat magsalita at kung kelangan dapat hindi. Maliban sa bestfriend ko, si Manong ang isa pa sa pinagkakatiwalaan ko. Para ng anak ang turing niya sa akin. Mag-isa na lang kasi din lasi siya sa buhay.... katulad ko.

I am Danniece Fria Sandrellian, 28 years old. Sabi ng karamihan napakaswerte ko raw. Bukod sa beauty and brain na ako, mayaman pa. I wish I could say the same. If only they knew... would they still say the same?

I just sigh and went up the stair na lang para balikan at punasan ang lalaking nasa guest room.

Be The One (Sadder Than Sad)Where stories live. Discover now