Eh hindi ka niya ito kilala eh!

Nanatiling nakatingin sa isa’t isa si ares at ang babae. Hindi niya mapigilang pagmasdan ang mukha nito. Damn, bakit parang kilala niya ito? Yung mata, yung labi, parang kilala niya ito.

Chocolate eyes, pointed nose, pink and kissable lips, soft skin, nice boobs, long blond hair and a pair of perfect legs. Damn, nagawa naniyang kilatisin ito sa ilang segundong nakadikit ang katawan niya sa katawan nito.

Mabilis na tumayo si Ares ng mapagtanto niyang ilang segundo na silang nagtitinginnan ng babae at binitawan ito na hindi niya alam kung sino pero tila may kakaibag epekto na sa kaniya. Sa pananatili niya dito sa loob ng Nyctophilia ng dalawang taon, alam at kilala na niya ang bawat players dito. Isa pa, kung may bagong dating man, malalaman niya dapat iyon dahil isa siyang commander. Commander ng sniper team, actually. Kaya labis na lamang ang pagtataka niya, Sino siya? Bakit ngayun ko lang siya nakita?

Isa pa sa pinagtataka niya, Why he didn’t felt her presence earlier? Dapat malayo pa lang ito sa kaniya ay naririnig at nararamdaman na niya ito. Pero ganoon na ito kalapit sa likod niya at hindi pa niya ito mararamdaman kung hindi pa nito naapakan ang dahon na siyang gumawa ng ingay kanina.

“A-are you a bad guy or a g-good guy?” She softly mumbled. Napataas ng isang kilay si Ares sa naging tanong sa kaniya ng babae. Hindi niya alam kung alin sa dalawang iyon ang sasabihin niya, tho he belongs to the bad guy. Everyone inside Nyctophilia is a bad guy afterall. At dahil nandito din siya sa loob, malamang kasama din ang babae sa “Bad guy”

Yes, maybe she looks so innocent, fragile, and wek. Pero napaka impossible naman na magpapapasok ang Nyctophilia ng normal na tao dito. They only invite Black souls. At sigurado siyang parte ng Underground ang babaeng nasa harapan niya dahil nga sa galing nitong magtago ng presensiya. She’s 10 inches away from him that time and yet he didn’t felt her!

“Anong kalseng tanong yan?” Sagot niya sa babae atsaka siya muling lumuhod para makapantayan niya ng mukha ang babae. Maybe she’s a spy from another Org? Siguro nagpapanggap lang ito at ginagawang pain ng ibang organisasyon. Well, marunong silang pumili. Bumaba ang tingin ni Ares sa dibdib ng babae at napakunto noo ng mapagtanto niyang suot-suot nito ang T-shirt niya. Bakat ang nipples ng babae kaya alam niyang wala itong suot na underwear sa ilalim.

Does she really have to do this para mapaniwala siya?

“Stop looking at my boobs, sir. W-wala akong damit kaya k-kinuha ko muna saglit ito sa duffel bag mo. Okay lang naman siguro? I mean , you could walk around topless, pero hindi ako.” The girl wearing his shirt said. Napatingin sa buong paligid si Ares at pinilit tignan kung saan maaari iniwan ng babae ang damit nito. Impossible namang pumunta iyon sa kaniya ng nakahubad na? Tssk, impossible.

“Cut the act. Anong pangalan mo?” Seryosong tanong na ni Ares. Hindi na mabilang na beses siyang sinubukang isahan ng ibang Org. At ni isang beses ay hindi din sila nagtagumpay kaya ano ang pinagkaiba nito? Akala ba nila maiisahan na nila siya ngayun dahil lang sa magpapain sila ng maganda, sexy at... parang anghel na babae sa kaniya?

“H-ha? A-anong A-act?” Takang tanong sa kaniya ng babae. Hmm, Magaling kang umarte. Napa-iling iling tuloy si Ares atsaka hinila muli ang babae para mapatayo. Nanatiling nakatayo lamang ang babae habang hawak hawak niya ito sa braso. Pinulot niya ang duffel bag niya at tuwalya atsaka ito isinampay sa balikat niya.

Hila-hila niya ang babae papalabas ng Hawk’s forest ng bigla siyang pigilan ng babae at hinila ang braso mula dito.

Napatigil sa paglalakad si Ares at napatingin sa babae na puno nanaman ng takot ang mukha nito.

“S-saan mo ko dadalhin? I-ibabalik mo ba ako s-sa mga s-scientist?” Takot na takot nitong tanong sa kaniya kaya mas lalo siyang napakunot-noo. Scientist? Anong scientist? Wala namang scientist dito sa loob ng Nyctophilia.

NYCTOPHILIA BLACK: NORTH [The Truth Untold 1]Where stories live. Discover now