[one]

5.5K 163 43
                                    


Would you let your lips be harassed by a girl with a twisted mind?



(ELI'S POV)

Nakangiti akong bumaba mula sa bus na naghatid sa amin habang mahigpit na yakap-yakap ang sertipikong nagpapatunay na isa akong iskolar ni Mr. Colton Carson, isa sa mga kilalang business tycoon dito sa bansa. Bibihira lamang ang nakakapasa sa pa-exam ni lolo mo Colton para maging certified iskolar ka niya. Kaya naman ng malaman kong nakapasa ako, aba grinab ko na agad ang pagkakataon mga ati! Kasi pak na pak ang papasukan mong school. Walang iba kundi ang bonggang-bongga at peymus na Maverick University. O diba? Pak! Awra!

Ngayong taon, 31 kaming mapalad na nakapasa sa Carson Scholarship at ngayon ay nakatayo kami sa labas ng Carson Hotel. Well, isa sa mga pribelehiyo ng mga iskolar ni Mr. Colton ay ang tumira sa hotel na pagmamay-ari niya na malapit lang din naman sa Maverick.

"I'll be giving you the keys for your assigned rooms as well as your allowance for this month." Deklara ni Mr. Brayden, ang julalay ni Mr. Colton, I mean, assistant niya. Siya ang nag-aasikaso sa aming mga scholars.

Nang maibigay na sa akin ang sobreng naglalaman ng cheke, agad ko itong binuksan at tumataginting lang naman na 50,000 ang bumungad sa akin. Omo! Omo! Datung is laaaayp! May pang-rampa na aketchi at pambili ng makeups!

"Madadagdagan pa yang allowance niyo base sa performance niyo sa school."

Kailangan ko talagang galingan sa school mga atii para mas dumami pa andalucia ko para more rampas to come. Ayieee.

Pagkatapos maibigay sa amin ang mga susi at allowance namin, naghanapan na kung sino ang magkakasama sa unit. Dalawang tao ang magsasama sa isang unit. Dahil maganda ako, hinintay ko na lang na lumapit sa akin ang magiging kapartner ko. Ayokong mapagod sa kakahanap. Baka pagpawisan ako at masira pa ang makeup ko.

Pero nakahanap na ng partner ang lahat at tanging ako na lang ang wala at nagkanya-kanya na sila ng alis. Bakit waley akong partneeeer?

Lumapit ako kay Mr. Brayden na ngayon ay abala sa pagseselpon.

"Ah Sir Brayden excuse me po?"

"Yes?" sabi niya at itinago ang selpon niya sa bulsa niya.

"Bakit wala po akong kapartner sa Room 241?"

Ngumiti si Sir Brayden dahil sa sinabi ko pero nakakabokot yung ngiti niya huhu.

"Follow me."

At dahil nga nakakabokot ang ngiti niya, nag-alangan pa akong sumunod sa kanya.

"Susunod ka ba o tatanggalan kita ng scholarship?" masungit nitong tanong sa akin.

"Ay ito na nga po e. Chill lang po tayo." Sabi ko at pakendeng-kendeng na hinatak ang maleta ko bago sumunod sa kanya.

At alam niyo ba kung saan ako dinala ng lolo niyo Brayden? Sa 24th floor lang naman. Ito na ang kahulihang floor dito sa Carson Hotel at nag-iisa lamang ang Room 241 ditey.

"Since you're the one who got the highest score, you'll be sharing room with Mr. Colton's daughter, Rylee."

Tila nagningning ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mr. Brayden. Kakaunti pa lamang ang nakakita kay Rylee dahil bibihira lamang itong magpakita sa publiko pero maraming nagsasabi na sobrang ganda daw nito. Tila isang dyosa daw itong bumaba dito sa kalupaan. Omo! Magsasama ang dalawang dyosa sa iisang kwarto? Perfect!

HER TWISTED MINDWhere stories live. Discover now