Flashback...

Pagkaalis nila bigla nagtext saaken si Irene , miss na naman siguro ako nito.

From : Love

Love, si Ivan

Ano naman kayang meron sa ugok na yun? Magrereply na sana ako bigla siyang tumawag.

[ Love may kailangan kang malaman ] nagaalalang boses ni Irene habang nasa kabilang linya.

" Oh ano yun? "

[ Kilala mo yung Andrea Lee? ]

Andrea ? Lee ? Si Ahmm..

[ Sophia Andrea Fortaleza Lee ]

FORTALEZA?!

" WHAT?! Ano na namang meron sa mga fortaleza na yan ?!" Galit kong sinabi.

[ Hey Old Man! Lower your voice! Patapusin mo muna ako ] ay nagalit rin hehe.

" Sorry Love .."

[ Narinig ko sakanila na pupunta si Ivan sa opening ng bakeshop ng kapatid no Andrea which is si Sofia Andree Lee half sister ni Jeremy Lee yung kababata niyo , nung una wala akong pakeelam pero nakita ko sa my day ni Patpat na andun siya bigla nalang akong kinabahan. Love iba ang pakiramdam ko mangyayari sa kanila . Kaya please sundan mo si Patpat ]

Sinasabi ko na nga ba . Kailangan ko nang sundan ang kapatid ko. Wait asan na ba siya..hanap hanap hanap.

GOTHCA! Tracking Device .

Buti nalang nilagyan ko yung necklace niya ng tracking device. Mabait akong Kuya eh.

" Patrick " napalingon ako sa nagsalita.

Si mommy lang pala.

" Yes mom? " lumapit si mommy saken pero bakas sa muhka Niya na nagaalala.

" Patrick Dear , kailangan nating ilayo si Patricia nanganganib ang buhay niya please kuya do everything for your sister " ngumiti si mommy pero alam kong nagaalala parin siya.

" Mom why? What happen? "

" Your daddy will tell you later okay? Muhkang may lakad ka , and wait asan pala ang kapatid mo? " nagwoworry na naman toh si mom.

Maleleyt nako nito eh.

" Mom I need to go, I need to protect that baby " pagkatapos ko sabihin yun niyakap ako ni mom, ugh! Mom not now please.

" Okay take care , and take care of your sister "

Umalis nako at sinimulan nang iandar ang kotse.

Habang nagmamaneho ako di parin maalis sa utak ko yung mga sinasabi Nila saken. Malapit narin ako sa bakeshop nung Andree. Kailangan kong magtago para di niya ko makita.

Habang pinagmamasdan ko ang kapatid ko , nakikita ko sa muhka niya na aasar siya at may iniisip. Panget Niya talaga, syempre joke lang kahawig ko yan eh , female version ko.

Bestfriend Where stories live. Discover now