Chapter 41: The Truth

66 4 0
                                    

-PATRICIA POV-

Andito ako sa party kung saan matutunghayan ko ang pagpapakasal ni Ivan sa isang babae sino kaya to?

Pero bakit parang lahat ng pamilya at kaibigan namin andito?

Nagulat ako nang biglang may lumapit saakin

Si Lola Xanah??

" Ready kana ba apo ? "  bangit ni lola na may kasamang matamis na ngiti

Ako ba ang ikakasal kay Ivan?

Paano? Bakit?

" hindi na tuloy.."

* tapik *

" Patpat gising na andito na tayo "  gising ni JC saakin

hooo panaginip lang pala akala ko totoo na

Nagayos ako ng sarili at pumasok na sa club house

Nang pumasok ako biglang nagslow motion ang lahat nang makita ko si Ivan

-IVAN POV-

Nagpasya akong umuwi sa bahay at nalaman kong may paparty si Patrick ano na naman kaya naisip nun, ang hanep pa at may patheme pa sila ni Ate floral shirt keme basta yun. Siguro eto na un para makapagenjoy naman ako

Nang makarating ako agad naman akong lumapit sa tropa

" Yow pare, kala ko di kana pupunta eh " sabay apir ni carlos

" paano di pupunta yan, kung alam niyang pupunta si patpat " lasing na sabi ni donny

" oy oy nakakarami kana donny tama na yan "  awat ni donna

Wala naman na kaseng aawat dyan dahil wala na yung mag ina niya, oo magina , naganak sila ni carla kaso hindi siya pinagutan ni donny kaya naghiwalay na sila , pero sana magkaayos sila

Kukuha na sana ako ng maiinom ng may nakita akong kakapasok,

biglang nag slow motion ang paligid ko pati nadin siya bakit ako nakaramdam ng ganito

bakit ganito ang nangyayare hindi ko mapigilan ang sarili ko na mayakap siya

Ang ganda parin talaga niya sana hindi nalang nangyare ang nakaraan

Kaso muhkang malabo nang maging kami

" Ganda no ? "

bigla akong natauhan ng magsalita si JC

" Ha , sinong maganda?"  Sabi ko habang kumukuha na ng maiinom

Tinapik niya ako at binigyan ng makahulugan na ngiti

Hay nako JC

Nagkakasiyahan na kami nang biglang pumunta sa gitna si Sabrina

" Guys tara truth or dare tayo "

Nagsipuntahan naman kami sa gitna katapat ko si Patricia at muhkang iniiwasan ako

Nagsimula nang paikotin ni Sky ang bote

Nang tumapat ang bote saakin at si patricia ang magtatanong

Nakaramdam ako ng awkward feeling pero siya parang wala

" So truth or dare ? "

" Truth "

" Okay so uhm bat hindi mo kasama asawa mo? "

Ha sinong asawa tinutukoy nito??

Magsasalita na sana ako nang magsalita si Donny

" Si ivan may asawa kelan pa? * huk * eh di naman natuloy kasal niyan "
Nakita ko ang reaksyon ni patricia halatang gulat

Pero pinatahan na nila sky , patrick , kyle at carlos si donny dahil ayaw nila na ungkatin ang nakaraan

Pero hindi padin nagpapigil si Donny

" Mahal na mahal ka niyan ni Iban baby pat * huk * hahaha dahil sainyo muntik nang mawala ang anak ko "  maiyak na sabi ni donny

Dahil nga hindi namin alam na buntis pala si Carla noon , nang magkagulo muntikan na siyang makunan at iwan siya nito

Tumayo ako para pigilan na si donny dahil muhkang nasasaktan na si patricia

" pare tama na yan , iuuwi kana namin "  mahinahon kong sabi

" Bakit hindi mo pa aminin ivan? na   dahil sainyo muntikan na ako mawalan ng pamilya"

Tumayo na si Donna para pigilan ang kuya niya na baka ano pa ang masabi

" Kuya! Tama na uuwi na tayo" matigas na sabi ni Donna

Tinulungan namam siya nila Kyle at Sky para makauwi nang tignan ko si Patricia may mga luhang namumuo sa mata niya

Shet bakit naman ganon

Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya

" im sorry patricia.."

Bestfriend Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum