Chapter 20: Harana

156 7 0
                                    

Habang pinapanood namin ang paglubog ng araw, di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat Niya. Kaya di ko narin namalayan ang oras. Nagising nalang ako nasa isang magandang kwarto ako na maririnig ko ang alon at mararamdaman ko ang simoy ng hangin. Ang saya ko talaga ngyon, kahit dumaan ang pagsubok sa buhay ko may magandang biyayang binigay saken ang panginoon. Akala ko hindi na ako makakabalik dito pero sa totoo lang ang payapa kasama siya.

Flashback

" Hello po? May tao po ba dito? " tanong ko sa sarili ko habang nililibot ang isang tahimik na lugar. Wala naman ganito sa hospital ah?

" mommy , daddy , Kuya? Asaan po kayo? " ulit ko habang naglakakad at hinahanap sila.

" Patricia " boses ng isang pamilyar na Tao. Teka si ..

" Kuya Miko? " nagtataka kong sinasabi. Alam ko kase matagal ko nang hindi naririnig ang boses na yun dahil patay na siya , pero nagkakamali ako hindi pwede to.

" Welcome Baby PY " napatingin ako sa nagsalita at ikinagulat ko. Siya nga siya lang yung tumatawag saken ng Baby PY .

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit

" Kuya Mikoooo! Asaan ako ? Patay na ba ako Kuya? Susunduin mo na ba ako Kuya? " tanong ko saknya habang siya nakangiti saken

" It's up to you baby PY :) kung gusto mong sumama kay Kuya , pero baby hindi pa pwede kailangan kapa Nila Tita Prey at Tito Nathe , at baby mamimiss ka ni Patrick . Kailangan mo pa silang ipagayos ng manliligaw mo baby , at higit sa lahat may misyon kapa baby, kailangan mo pang tapusin lahat ng Iyon. Laging nakabantay sayo si Kuya ah? " sabi nito habang naglalakad Kami sa napakagandang lugar na kung saan wala kang maiisip na problema.

Pero Bakit nga ba ako andito? Sila mommy baka nagaalala na yun, si Ivan? siguro sila na ni Leann. Pero mas gusto ko kasama si Kuya Miko. Siya yung tagapagtanggol ko nung nabubuhay pa siya, tinuring niya akong kapatid kahit magpinsan lang Kami. Nakakalungkot lang kase namatay siya dahil niligtas niya kami ni Kuya sa trahedya na pinagplanuhan para sa kanila mommy at daddy. Pero bat ganun mas gusto nalang dito at kasama si Kuya Miko. Habang naglalakad lakad kami tumigil kami sa isang malaking pinto.

" Baby kailangan mong bumalik sa lupa, deserve mo pang mabuhay at kailangan bago ka ulit pumunta dito masaya ka at may pamangkin na ako sayo hahaha, binabantayan kita baby habang nasasaktan ka sa bestfriend mo at kay Paul, pero baby desisyon mo kung gusto mo pang bumalik o Hindi na " sabi ni Kuya Miko habang nakatingin sa ibang dereksyon. Buo na ang desisyon ko na sumama sakanya,

" Yes Kuya sasama ako sayo " nakangiti kong sinabi.

" Pero sa tingin ko Hindi pa baby " nakatingin niyang sinabi.

" Ha? Baki Kuya ? "

Tumingin ako kung saan nakatingin si Kuya Miko at puti lang naman Ito ulap ang makikita mo dito.

" pat pat "boses ng isang lalaki.

Teka sino yun? Bat parang pamilyar ang boses. Magsasalita sana ako nang pigilan ako ni Kuya Miko.

" Shh baby py pakinggan mo :) "

" Men.. Sorry ganun yung nakita mo, sana Bigyan mo ako ng chance para makapagexplain, pasensya kana ah tinago ko sayo ang nararamdaman ko. Oo aminin ko nagplano kami ni Leann na pagselosin para malaman ko kung mahal mo rin ba ako, Chubby Patty gising kana please, promise pag gumising ka hindi na kita sasaktan pa Muli. Naalala mo ba yung concert ng ZEALAND? Yung sinabi ko na Ang kanta na ginawa ko eh para Kay Leann , pero Ang totoo para sayo talaga yun natuwa ako kase namula nung kumanta ako kahit nung hinawakan ko ang kamay mo, may kuryente akong naramdaman. Patpat bestfriend sana pagnagising ka mahalin mo rin ako , kase hinding hindi ako tumigil na mahalin ka, kaya Patricia gumising kana papakasalan pa kaya kita. Pag nagising ka may sasabihin ako sayo, Sige ganto para gumising ka talaga kakanta nalang ako ah? Sorry Patpat sa kasalanan ko please * huk * gumising kana oi! Hindi ka si sleeping beauty tandaan mo ah? Sige kakanta ako ng theme song natin "

Bestfriend Where stories live. Discover now