Chapter 9: True Blue

3.1K 81 2
                                    

Kapwa basa na silang dalawa ng makarating sa bahay ni Genesis. Hindi alam ni Shannon kung pano haharapin si Genesis matapos niyang maalala ang pag-iyak dito kanina pero mukhang hindi naman apektado ang lalaki dahil kagaya ng dati ay inabutan siya nito ng mga kaylangan at hinayaan lang siya na magkulong sa guest room.

Kumatok lang si Genesis ng ayain na siya nitong maghapunan,  hindi naman siya makatingin sa tuwid sa lalaki habang kumakain sila.

"May dumi ba ko sa mukha at hindi mo magawa na tignan ako? " Doon lang napaangat ng paningin si Shannon at naramdaman niya ang pagsikbol ng puso ng makita ang mga ngiti ni Genesis.

"Ha? " Sandaling nawala si Shannon sa sarili dahil doon.

"Wala,  akala ko may dumi ako sa mukha kaya ayaw mo kong tignan e. "   Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nito sa mga labi kaya naman napangiti na lang din si Shannon. "Ayan,  ngumiti ka din. Akala ko naman mahihirapan pa kong mapangiti ka. Alam mo mas maganda ka kung nakangiti ka, mas bumabata kang tignan. "

Hindi na napigilan ni Shannon ang pamumula ng mukha dahil sa sinabi ni Genesis.

"Bolero. " Hindi niya tuloy napigilan sambitin ang mga salitang iyon at nakita niya kung pano nanlaki ang mga mata ni Genesis saka malakas na tumawa ito.

Pakiramdam ni Shannon ay tumalon ang puso niya palabas ng kanyang dibdib matapos marinig ang lalaking-lalaking pagtawa nito.

Be still heart!

Pilit niyang pinakakalma iyon habang kaharap ang ngayon ay nagpapahupa ng pagtawa na si Genesis.

"You got me that Shannon. Alam mo bang madami na ang nagsasabi sakin niyan pero sayo lang ata ako natawa ng ganto. " He smiling said.

"Bakit?  Hindi ba sila nakakatawa pagsinasabi nila na bolero ka? "

"Nope,  because they make me feel hot when they said it. " Nakangising saad nito,  hindi naman na siya nakapagsalita matapos marinig iyon at kung kanina ay nalaglag ang puso niya dahil sa tawa ng lalaki ngayon ay parang narinig niyang nahulog iyon at nabasag dahil sa sinabi nito.

Stop assume Shannon! Baka nakakalimutan mo, he was a playboy.

Paninita niya sa sarili pero kahit ganun ay hindi maintindihan ni Shannon kung bakit may kaunti pa ring pag-asa na sumisibol sa puso niya na magbabago ang lalaki.

Isa pa ay nakakatawa at nakakangiti siya kapag si Genesis ang kasama niya, and she even forget Zandro when she was with Genesis.

Ano bang nangyayari sakin?

"Mauuna na ko. " Tatayo na sana siya nang muling magsalita si Genesis.

"But you know what,  malaki ang pinagkaiba mo sa kanila dahil ikaw lang ang babaeng nagpagulo sa utak ko at ikaw lang din ang babaeng kaya akong pasayahin ng hindi kinakailangan ng kahit anong physical contact,  ibang-iba ka sa kanila Shannon, because I'm already happy even your just in front of me. " Halos kulang ang salitang gulat dahil sa narinig niya mula kay Genesis at kagaya ng madalas na nangyayari sa tuwing kaharap niya si Genesis ay parang nagkaroon ng rayot sa puso niya at pati utak niya ay nagulo.

"G-Genesis.. " Napatitig lang siya dito,  nawala naman ang ngiti nito at saka siya matamang tinitigan. Naramdaman na naman niya ang pagkislot ng puso dahil sa pagkakatitig ni Genesis sa kanya.

"Hindi ko alam kung tama ba na ngayon ko sabihin sayo,  but I think I like you Shannon. I really do.. "

Oh no! My heart is in a trap!

---
Napapailing na lang si Genesis habang iniisip ang nangyari kanina,  hindi niya inaasahan na makikita si Shannon sa kalagitnaan ng ulan.  Nagtungo siya sa kanyang condo para ipalinis iyon,hindi niya rin alam kung bakit niya ginawa iyon, but after he thought about his stains and his unperfect habits ay biglang sumagi sa utak niya ang mukha ni Shannon na para bang pinandidirihan siya nito.

Oh damn!  Woman,  she is the only one who can make me insane..

Kaya nga hindi niya talaga inexpect na ito ang bumunggo sa kanya kundi lang ito nagsalita dahil nakayuko ito. Nakaramdam naman siya ng kirot sa dibdib matapos maalala ang pag-iyak nito kanina, aminado si Genesis na nasasaktan siya dahil may mahal na iba si Shannon pero hindi niya masisi ang babae dahil iyon naman talaga ang lalaking dapat papakasalan nito bago pa siya makilala.

Napabuga na lang siya ng hangin para mailabas ang bigat na nararamdaman, saka siya lumabas sa beranda ng kuwarto niya nasasakop pa naman iyon ng bubong kaya hindi nababasa ang beranda. Umuulan pa rin at nasa kabilang silid lang si Shannon hindi muna ito umalis dahil malakas din ang buhos ng ulan.

"What should I do to make you forget him? " Itinaas niya ang isang kamay saka sinalo ang ulan na patuloy ang pagpatak .

Hindi niya inakala na tatamaan siya ng ganong kagrabe kay Shannon at hindi niya inaakala na dahil lang sa pagsakay nito sa kotse niya ay mababago ang lahat.

"Hindi ko alam kung kaya ko lahat ng pagbabagong to,  pero isa lang ang masasabi ko . I starting to like this changing.. "

Hindi na niya napansin na napangiti na siya habang sinasabi iyon sa sarili at nakatanaw sa kalangitan na puno ng dilim.

But I hope. I could share this changes to you Shannon..

Love at its Beginning Where stories live. Discover now