"Nay..."

"Oh, Claude." Nag-angat ng tingin ang ina mula sa tinatahi.

"Baka magpuyat ka na naman diyan, Nay. Matulog ka agad, may susi naman ako." Hinalikan niya ang noo ng ina.

"Eh saan ka ba galing kagabi? Pinag-aalala mo ako, Claude. Ang dami pa namang natotokhang dito sa atin. Baka mapasama ka."

"Imposible, Nay. Hindi naman ako gumagamit. Alam mo naman iyon." Mahigpit niyang niyakap ang nanay niya.

"Kaya nga, baka mapagkamalan."

"Ang mukhang 'to?" Mayabang na inilagay niya ang daliri sa kanyang baba.

"Basta mag-iingat ka," naiiling na sabi ng kanyang nanay.

Papadilim pa lang ay naglalakad na siya patungo sa Sin City, kipkip ang pera niya at ang malapad na ngiti sa labi. Agad niyang tinanguan ang bouncer, sumunod ay kinapkapan siya nito bago pinapasok.

Madilim ang club at agad na bumungad ang mga nagsasayaw roon sa stage. Nakita niya ang ibang babae na napatingin sa kanya. May isang lumapit sa kanya na mayroong nginunguyang chewing gum, hinawakan agad ang kuwelyo niya, at mapang-akit siyang tiningnan.

"Kailangan mo ng ka-table? Sasamahan kita."

Ngumiti siya at magalang na inalis ang kamay ng babae. "Hinahanap ko si Tori."

Napangiwi ang babae at napahalukipkip.

¸¸.•*¨*•¸¸.•*¨*•

Harujusko, ang hapdi...

Hinahaplos ni Tori ang kanyang puson habang nakatingin sa salamin. Nakaayos na siya. Tinulungan siya nina Lhen at Rebecca, pinainom din siya ng mga ito ng pain reliever pero bahagya lang na nakagaan iyon.

"Naku, girl, alam mo ba ang gamot diyan? Kailangan 'yang masundan para lumuwag-luwag. Pero kailangan kasinglaki rin ng kagabi kasi kapag hindi, walang effect. Malaki ba talaga?" kyuryosong tanong ng mga ito.

Tumango siya.

"Baka naman kasi birgen pa siya kaya lahat sa kanya malaki. Gaano ba kalaki?" tanong ni Rebecca.

"Virgin pa nga si Tori!" giit ni Lhen. "Ano, malaki ba?"

Inangat niya ang braso niya at itinuro iyon. Naghagikgikan ang kanyang mga kaibigan.

"Tori, Table 6." Sumilip sa pinto ng dressing room si Dyra. Nagmamadali siyang tumayo at nagpaalam sa mga kasamahan.

Mabagal ang lakad niya, agad niyang pinalibot ang tingin at nahagip n'on ang pamilyar na lalaki. Matangkad at malaki ang pangangatawan. Malamlam ang mga mata at manipis na labi. Agad na nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti ito sa kanya. Alanganin din siyang napangiti.

"May pambayad na ako." Agad na inilabas ng lalaki ang pera nito nang umupo siya sa lamesa. Limang daang piso iyon. Nag-compute siya sa isip. Dalawang daan sa kuwarto, singkwenta pesos sa condom at 250 pesos naman sa kanya. Maliit. Isang libo hanggang tatlong libo raw ang natatanggap ng kanyang mga kasamahan kada gabi sa extra service pero at least nabayaran siya.

"Kulang pa rin, pero puwede na nga ito, at least hindi ako lugi."

"Alam kong kulang 'yan. Daragdagan ko 'yan sa Sabado. Pangako. Mayroon akong shoot."

Tumango siya pero hindi muli siya umaasa. Tiningnan niya ang lamesa na walang laman. Ang trabaho nila bilang entertainer sa club ay piliting mapa-order ang customer.

Temptation Island 4: Rekindled Fire (PUBLISHED under RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon