Chapter 8: Raindrops

Start from the beginning
                                    

"Bakit hijo? Nasaan na ba ang sinasabi mong babae na sasakay sa kotse mo at papakasalan mo agad?  Natraffic ba siya hijo o baka naistack na sa Edsa? " Natatawang biro ng ama niya na tinawanan din ng mama niya, siya naman ay natigilan pero maya-maya ay napangiti.

"Hindi pa,  sumakay na siya kaso umalis din agad. Mukha kasing hindi pa nakakamove on,  kaya hindi ko na muna inayang magpakasal ." Nakangiting saad niya at ang tawa ng mga magulang ay nabitin saka sabay napabaling sa kanya at halos manlaki ang mga mata sa sinabi niya.

"What?! " Siya na ang natawa sa mga magulang ng magduet pa ang mga ito.

That's why I love them..
---
Hindi alam ni Shannon kung ano ba ang dapat ireact habang kaharap si Zandro. Nagulat pa siya ng tawagan siya nito at nakiusap na mag-usap sila kahit mabigat sa loob ni Shannon ay pumayag siya. Kaya naman nagkita sila sa isang pribadong Coffee shop.

"I'm sorry.." Ramdam na ramdam ni Shannon ang talim ng dalawang salitang iyon. Napatitig siya kay Zandro,  sa lalaking alam niyang minahal niya.

"Z-zandro,  hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Alam ko na dapat sa sinabing mong yan gumaan ang pakiramdam ko pero ang totoo..." Tumigil siya sandali dahil ramdam niya ang paninikip ng dibdib na para bang sasabog iyon kapagnagpatuloy siya.  Kaya naman huminga muna siya ng malalim saka tumingin pataas para pigilan ang pagpatak ng mga luha niya at saka niya muling binalingan si Zandro.  "Ang sakit,  sobrang sakit na para bang hindi ko na alam kung pano pa ko aahon sa ginawa mo.  "

Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito,  pero sandali lang iyon na para bang itinago iyon ng lalaki.

"I'm really sorry Shannon. " Gusto niyang sigawan ang kaharap pero pinigil ni Shannon ang sarili.

"I deserve an explanation Zandro,  kaya wag mo sanang sayangin ang oras ko sa paulit-ulit na pagsosorry mo. " Matigas na saad niya,  hindi na rin alam ni Shannon kung saan niya nakukuha ang ganong tatag ng loob habang kaharap ang lalaking halos nagpawasak sa puso niya. Inabot nito ang isang kamay niya at saka iyon sinakop ng dalawang kamay ni Zandro,  hindi alam ni Shannon kung ano ba ang dapat maramdaman ng mga oras na iyon lalo na ng makita niya ang tindi ng lungkot sa mga mata ni Zandro.

"Shannon, buntis si Veron at ako ang ama. " Daig pa ni Shannon ang sumapo ng isang bomba dahil sa sinabi ng lalaki.

"W-what? " Buhat sa narinig ay bigla na lamang pumatak ang mga luha niya dahilan para mas higpitan ni Zandro ang paghawak sa kamay niya.

"I'm really sorry, Shannon. " Sawang-sawa na si Shannon na marinig ang paulit-ulit na sinasabi ni Zandro kaya naman hinatak na niya ang kamay saka mabilis na tumayo.

"H-hindi ko pa pala kayang makinig sayo. Sorry Zandro,pero sa ibang araw na tayo mag-usap. " Mabilis siyang naglakad papalabas sa lugar na iyon.

"Shannon!  Wait! " Naabutan na siya nito sa labas at saka lang napansin ni Shannon na pumapatak ang ulan.  Napigilan na naman agad siya ni Zandro bago pa siya tuluyan na makalayo sa lugar.

"Hayaan mo na ko Zandro. I-I can't talk to you right now,  hindi ko pa pala kayang pakinggan ang paliwanag mo. " Tatalikod na naman sana siya pero hindi niya na nagawa dahil sa gulat ni Shannon ay lumuhod ito sa harapan niya.  "Zandro!  Ano bang ginagawa mo?! "

"S-shannon,please listen to me.  Alam kong magiging makasarili ako pero ipaglaban mo ko kahit ngayon lang. " Natigilan siya lalo na at nang mag-angat ng paningin si Zandro ay kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito.

"A-ano bang sinasabi mo? " Hindi na rin niya napigilan ang maiyak habang kaharap si Zandro na ngayon ay mahigpit ang kapit sa mga kamay niya.

"S-shannon, hindi ko siya mahal!  Ikaw ang mahal ko,  kaya sabihin mo lang na mahal mo ko at tatanggapin mo lang ako. " Mas lalo lang siya nakaramdam ng kirot sa puso niya.

"G-gusto mo kong gawing kabet? " Parang may malaking harang sa lalamunan na tanong niya.

"Hindi!  Hindi ko gagawin sayo yun Shannon. Mahal na mahal kita,  tanggapin mo lang ako at iiwan ko si Veron pero hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko sa magiging anak ko,  kaya sabihin mo lang Shannon,  gagawin ko ang lahat para sayo. " Pakiramdam ni Shannon ng mga sandaling iyon ay gusto niyang maging makasarili at sabihin ang mga gustong marinig ni Zandro mula sa kanya .

"I-I want to be selfish Zandro.. " Kahit patuloy ang pagpatak ng mga luha niya ay kitang-kita niya na para bang nagkaroon ng pag-asa sa mga mata ni Zandro dahil sa sinabi niya. "But I can't,  dahil hindi ako yun Zandro,  hindi ko kakayanin na mawalan ng ama ang isang sanggol para lang maging masaya ako.  I can't be like that Zandro, at dahil mahal kita hindi na kita pahihirapan pa... " Unti-unti niyang hinatak ang mga kamay at nakita niya kung pano bumalatay ang sakit sa mga mata ni Zandro pero alam ni Shannon kung ipagpapatuloy niya pa ang relasyon nila,  hindi lang sila ang pwedeng masaktan kundi lahat ng nakapaligid sa kanila.  " Malaya ka na... "

Pagkasabi niya noon ay mabilis na niyang iniwan si Zandro habang siya ay tumakbo papaalis sa lugar na iyon.

"Shannon! No! Shannon! "

Hindi na niya nilingon ito,  at kahit malakas ang ulan ay sinugod niya iyon saka niya hinayaan na mabasa siya.

Sorry Zandro,  pero kung ipagpapatuloy natin to, hindi na pwedeng matawag na pag-ibig to. Siguro nga hindi lang talaga tayo ang para sa isa't-isa,  sana maging masaya ka na.

Hindi na lang luha ang dahilan kung bakit basa ang buong mukha niya kundi pati ang ulan na patuloy ang pagpatak. Nagcommute lang siya papunta roon,  kaya nga walang dereksyon ang pagtakbo ni Shannon dahil ang gusto lang niya ay magkalayo sa lugar na iyon, ang makalayo sa lalaking nagbibigay ng sakit sa puso niya.

Kaya naman sa pagtakbo niyang iyon ay hindi sinasadya na may mabangga siya, nakapayong ito pero hindi na niya binalingan ang mukha ng lalaking nakabangga yumuko na lamang siya para maitago ang mukha niya.

"S-sorry. " Aalis na sana siya pero sa gulat niya ay hinaltak siya ng lalaki at sa isang nakayakap na ito sa kanya kasabay ng pagkakakita niya ng pagbitaw nito sa payong na dala.  Itutulak na sana niya ito pero napasinghap siya ng magsalita ang lalaki.

"Its ok Shannon,  ako lang to.  Andito lang ako.. " Matapos niyang marinig ang boses ng lalaking hindi niya inaakala na makikita pa niya ay napayakap na siya dito ng mahigpit at kahit nasa gitna ng ulan sa gitna ng daan ay napahagulgol siya ng iyak sa dibdib ng lalaki.

"A-ang sakit, sobrang sakit.. Genesis.. "  Parang batang sumbong niya dito at saka niya naramdaman ang lalong paghigpit ng yakap nito sa kanya.

"Tell me Shannon,  where it's hurt the most?  I help you to fix it, I'm here sweety.. " Dahil sa sinabi ni Genesis ay mas napahagulgol si Shannon pero deep inside her,  she felt a warm hand that touched her heart at sa nga oras na iyon ay naramdaman ni Shannon na protektado siya sa mga bisig ni Genesis.

Thank you Genesis,  thank you..

Love at its Beginning Where stories live. Discover now