6 : The Sky of the Hell

801 35 18
                                    

Arah's POV

Idinilat ko ang aking mga mata at kasunod niyon ay ang pagsuka ko ng tubig. May isang taong pwersahan akong ipinatagilid nang higa upang hindi ako mahirapang ilabas ang tubig na pumasok sa katawan ko.

"Ayos ka na ba, Arah?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Hindi ako sumagot dahil patuloy lang ako sa pag-ubo. Bahagya naman akong natigilan nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ilang beses niyang hinalikan ang aking noo habang may binubulong na mga salitang hindi ko naman maintindihan.

Siya... Nandito siya. Ligtas na ako.

A-akala ko katapusan ko na kanina. Sa sobrang takot ko sa mga pangyayari ay hindi ko na napigilang umiyak. Hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa akin habang hinihimas niya ang aking likod.

Nang pakiramdam ko'y kalmado na ako ay inilayo ko na ang sarili ko sa kanya. Ayokong masyado kaming malapit. Baka masanay lang ulit ako. At isa pa, nararamdaman ko ring maraming tao ang nakakatitig sa amin.

Tinignan ko ang taong yumakap sa akin at hindi nga ako nagkakamali ng hinala. Si Jacob...

Pinunasan ko ang aking luha at hinawi ang aking basang buhok. Tumingin ako sa gilid at nakita sina Logan at Paige kasama ang ibang mga lalake.

"Dadalhin na kita sa clinic," sabi ni Jacob. Tumingin ako sa kanya at bakas nga ang pag-aalala niya sa akin. Ayoko na. Ayoko nang nag-aalala ulit siya sa akin. Aasa na naman ako.

Tinignan ko si Logan at pinanlakihan siya ng mga mata. Nilabi niya ang salitang 'ha?' at mas pinanlakihan ko naman siya ng mata. Mukhang nagets na niya ang nais kong ipahiwatig kaya dali dali siyang lumapit sa'kin.

"Ako na lang magdadala sa kanya doon," sabi ni Logan habang inaalalayan akong tumayo.

"Hindi. Bumalik na lang kayo sa mga kwarto niyo, ako nang bahala sa kanya," pagpupumilit ni Jacob.

"Pre ako na," seryosong sabi ni Logan habang nakatingin pa diretso sa mga mata nito kaya wala nang nagawa pa si Jacob. 

Tuluyan na akong nakahinga nang maluwag ng makalabas kami ng pool area. Dumiretso kami sa clinic ng hotel at pinahiga naman ako ng nurse sa isang kama. Inabutan rin ako ng twalya upang patuyuin ang aking sarili.

"Ano bang nangyari sayo?" tanong ni Logan. Mariin kong pinikit ang mga mata upang alalahanin ang mga nangyari.

"Nakababad lang ang mga paa ko sa pool tapos bi---"

"Where is she?"

Napadilat ako bigla nang marinig ang boses ni Mr. Lee.

Napa-'tsk' na ako ng mahina. At hindi lang si Mr. Lee ang dumating, si Ms. Darcy din pati na ang ibang mga estudyante. For sure, kalat na sa lahat na nalunod ako sa swimming pool.

The IncognitoWhere stories live. Discover now