2 : Possessor's Trifle

891 46 14
                                    

Arah's POV

"Arah, tignan mo oh," sabi ni Emerie habang nakanguso sa bandang likod ko. Lumingon naman ako doon at agad na nakita si Casey habang binubuhusan ni Almira ng juice sa ulo. Malamang na makikita ko iyon dahil halos lahat na pala ng atensyon ay nasa kanilang dalawa.

"Boba ka talaga! Dukha na nga, tatanga tanga pa. Ang kapal ng mukha mo para apakan ang ang shoes ko, ang dumi dumi na tuloy ng medyas ko," maanghang na pagkakasabi ni Almira. Gusto ko na sana makisali sa kanila kaso pinigilan ko muna ang sarili dahil gusto ko pang malaman ang susunod na mangyayari.

"H-hindi ko naman sinasadya," mangiyak ngiyak na sabi ni Casey. Namamantsahan na ang kanyang blouse ng orange juice. Kahit kailan talaga, nakakairita si Casey. Tama nga naman si Almira, dukha na nga, tatanga tanga pa.

"May gana ka pang depensahan yang sarili mo. Ugh, freak!" 

Isang malakas na sampal ang narinig sa loob ng cafeteria. Halos lahat natigilan sa ginawa ni Almira kay Casey. Sa sobrang lakas ng sampal ay nasubsob pa sa semento si Casey.

"Serves you right," nakangising sabi ni Almira habang tumatawa naman ang mga kaibigan niya sa likod nito. This time hindi na ako nakapagpigil.

"Oh, ano na namang gagawin mo?" Tanong ni Paige sa biglaan kong pagtayo sa upuan.

"Paparusahan lang ang nang-aagaw sa laruan ko," mabilis kong sagot at agad na tinungo ang pwesto ni Almira. Hinawakan ko ang braso niya at pwersahang siyang iniharap sa akin at doon ko siya sinampal ng pagkalakas lakas. Mas malakas sa ginawa niya kay Casey. Napa-'whoah' naman ang lahat ng tao.

"How...how dare you?" Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Almira. Nakahawak siya sa pisngi na sinampal ko. Pasalamat siya, hawak ko siya sa braso kung hindi baka tumilapon na siya sa labas ng cafeteria.

"Ayoko lang kasing may ibang gumagalaw sa pagmamay-ari ko, kaya ikaw... matuto kang lumugar," pagbabanta ko sa kanya. Alam ng buong school kung gaano kagago ang barkada namin kaya walang nangangahas na kumalaban sa amin. At alam din ng lahat na ayaw na ayaw kong may gumagalaw kay Casey dahil ako lang ang may karapatang manakit sa kanya. Ako lang ang bully niya. Sabi ko naman kasi, siya ang pinakapaborito ko sa lahat.

"Damn you Arah! Fucking damn you!" She cussed. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko.

"Shhh... baka may makarinig sayong teacher. Sige ka ikaw din. Student council president ka pa naman, dapat maging huwaran ka sa lahat," sarcastic kong sabi habang malungkot kuno ang ekspresyon ng aking mukha. Lalong namula ang kanyang mukha sa galit. 

"The heck I care? Magsama kayo ng tangang yan. Mga losers!" Huling sambit niya bago nag-walk out.

"Tss, that bitch is nakakainis talaga. Masyadong pabida," narinig kong sabi ni Demi.

Naglakad ako palapit kay Casey na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin sa semento. Bahagya akong lumuhod para mapantayan siya.

The IncognitoWhere stories live. Discover now