8 : Pandemonium

318 12 8
                                    

ISANG MALAKAS na sigaw ang narinig naming lahat. Nagkatinginan kami nina Emerie, Demi, at Casey na kasalukuyang naghahanda na sa pagtulog.


"Gosh, ano yun?" tanong ni Demi at nagmadaling sumilip sa labas ng pinto. Lumapit naman kaming tatlo at nakitang nagsisitakbuhan ang iba patungo sa kwarto nina Jacob.


Lumabas na rin kami at nakipagsiksikan sa pagpasok sa loob ng kwarto. Tumingin ako sa paligid at nakitang nagsisiiyakan ang ibang babae at ang iba pa'y nagsusuka't nagiging hysterical.


"Guys, you need to calm down! Get out of this room and calm down!" narinig kong sigaw ni Ms. Darcy sa mga estudyante habang pinilipilit ng ibang mga teachers na palabasin kami sa loob. Nagmatigas ako at tinungo ang cr na pinagkakaguluhan ng lahat.


"F-fuck!" nasambit ko nang makita ang katawan ni Pierce na nakahandusay sa loob habang duguan.


"Arah!" may tumawag sa pangalan ko ngunit hindi ko magawang lingunin ito dahil masyado akong nanlamig sa bangkay ni Pierce. Dugo... punong puno ng dugo. Nanghina ang aking mga tuhod at mabuti na lang ay may nakasalo sa akin bago pa ako bumagsak sa tiles na pinapalunuran ng dugo.


"Arah, lumabas muna tayo, di maganda na nakikita mo to," sabi sa akin ni Jacob. Umiiling iling ako habang di inaalis ang tingin kay Pierce. "S-si Pierce... Jacob si Pierce!" nanginginig kong saad.


"Alam ko. Lumabas muna Arah, please." Hindi na ako nakapagsalita pa at hinayaan na si Jacob na alalayan ako palabas sa kwarto nila. Tumungo kami sa kwarto namin at nadatnang wala doon ang mga kaibigan ko.


"Okay ka lang? Gusto mo tubig?" alok niya sa akin. Umiling lamang ako habang damang dama ang panginginig ng aking kamay.


"Dugo..." bulong ko sa aking sarili. Parang kanina lang kasama ko pa si Pierce tapos ngayon. Paano nangyari to?


Humarap ako kay Jacob at nagtanong, "Jacob alam mo ba kung bakit siya namatay? Room mate mo si Pierce diba? Sinong gumawa sa kanya noon?"


"Hindi ko alam. Ngayon ko lang din nalaman ang nangyari sa kanya. I was out for a while pero pagbalik ko, nagkakagulo na ang lahat," sagot niya at mahina pang napamura. Napakagat ako ng labi at nanahimik sandali.


And then I remembered what happened to me.


"Saan ka ppupunta?" tanong niya nang madali kong tinungo ang pinto.


"Pierce was killed. Sigurado ako, hindi naman ganun ang mangyayari sa kanya kung suicide lang ang lahat. And I think connected ito sa nangyari sa akin sa pool," sagot ko na bigla namang kinakunot ng noo niya.


"Nangyari sayo sa pool? Hindi ba aksidente iyon?"


Shit! Hindi na lang ako sumagot at diretso na lang na lumabas. Walang dapat na makaalam na may gustong pumatay sa akin. Not now. Lalo na ngayong may namatay na sa amin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The IncognitoWhere stories live. Discover now