Introduction: I Love You Best friend, But You Love Our Best Friend

7K 107 15
                                    

^Dedicated to Her kasi natuwa talaga ako nung nilagay niya ako sa about me niya sa profile (>///<) Hehe. Salamat po! :D 

SHORT STORY LANG PO ITO :D 

-Introduction: I Love You Best friend, But You Love Our Best Friend-

"Ma.. M-mahal kita!" pagkasabi ko nun sakanya, kaagad kong pinikit yung mga mata ko na halatang kinakabahan. 

Napamulat nalang ako nung narinig kong nagsalita siya. "S-seryoso ka ba?" 

Gusto kong maiyak ng dahil sa reaction niya sa sinabi ko.. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot.. at pagkadismaya.

I knew it.. Kahit aminin ko sakanya ang totoong nararamdaman ko, hindi pa rin siya mapapasaakin.. Hindi pa rin niya ako magagawang mahalin... 

Yumuko ako at tumango ng dahan-dahan.

"I-I'm s-sorry..." bakas sa boses niya yung lungkot. 

"O-okay lang yun..G-gusto ko lang naman sabihin sayo yung totoong nararamdaman ko eh.." I tried my best para pigilan yung panginginig ng boses ko. 

Pinipigilan ko din ang umiyak sa harap niya. 

 

"Sorry talaga... P-pero.. K-kilala mo naman kung sino ang g-gusto ko diba? Bestfriend kita kaya alam kong nahahalata mo yun."

Bestfriend. 

Ang saya sa pakiramdam kapag may nagsasabi sayo na 'Bestfriend' ka nung isang tao. 

Pero nagiging MASAKLAP na kapag ang taong mahal mo na ang tumawag sayo ng salitang 'Bestfriend'. 

"S-si... Charissa diba?" Inangat ko na ang ulo ko at nilakasan ko yung loob ko na tingnan siya sa mga mata. "Mahal mo siya diba?" 

Tumango siya ng dahan-dahan. Alam kong nahihirapan siya sa situation namin ngayon. Maling desisyon nga talaga yung aminin ko sakanya yung totoong nararamdaman ko. 

Ngumiti ako sakanya kahit sumisikip na yung dibdib ko. "Ligawan mo na kasi siya.. Sigurado naman ako na mahal ka din niya eh." 

 

Tears.. Please wag kang bubuhos.. not now.. 

Bigla nalang niya akong niyakap. Feel ko tuyong-tuyo na yung lalamunan ko dahil sa sunod-sunod na paglunok ko... Ayokong makita niyang umiiyak ako.. 

Kikiligin na sana ako eh dahil niyayakap niya ako. 

Pero.. paano naman ako kikiligin? Kung friendly at sorry hug lang ito? 

 

"I'm really sorry Claudia..." pagkatapos niyang sabihin yun, binitawan na niya ako at tumakbo papaalis. 

Ng dahil mag-isa nalang ako dito sa rooftop, pumunta ako dun sa pinakasulok at hinayaan na bumuhos yung mga luha ko. 

Ang sakit.. Ang sakit talaga sa pakiramdam.. 

Akala ko may chance pa kami kung aaminin ko na yung totoong nararamdaman ko sakanya. 

Akala ko imagination ko lang yung nakikita kong kislap sa mga mata niya kapag nakikita niya yung isa pa naming Bestfriend. 

Bakit hindi nalang ako ang minahal mo Tyler? 

Hay. Malamang. Di naman matuturuan yung puso! 

Pagkatapos kong umiyak nang umiyak dun, kinalma ko muna yung sarili ko. Pinunasan ko na yung mga luha ko. 

Hingang Malalim. Kaya mo to Claudia. 

Bumalik na ako ng classroom at nakita ko na yung isa ko pang bestfriend. Si Charissa. 

Lumapit ako sakanya. 

"BFF! Saan ka galing?" 

"Sa.. c-canteen. M-may binili lang." 

What a liar Claudia. 

"Okay. Tara, upo ka dito." 

Umupo din ako sa tabi niya. Si Charissa. My Bestfriend. Our Bestfriend. 

Mag Be-bestfriend kaming tatlo. Ayos noh? Mahal ko si Tyler. Pero si Tyler Mahal si Charissa. Si Charissa naman mahal din si Tyler. Sinabi na niya saakin yun dati pa. Ako naman, di ko inamin sakanya na mahal ko din si Tyler. 

Hay. Panggulo lang talaga ako sa picture! 

Hinanap ko si Tyler sa classroom pero wala siya. Hay. Ang awkward na namin niyan! Claudia naman kasi! Bat ka pa nagconfess?! 

Eto ang buhay pag-ibig ko. 

I'm Claudia Salvador. And this is my sad love story. 

Kung Ako Nalang Sana [Completed]Where stories live. Discover now