Hindi ko maiwasan ang pag ngiti dahil may nabubuo ng ideya sa aking isipan at ilang hakbang na lang ay malalaman ko na ang katotohanan.

---

Matagal kong tinitigan ang mga  larawan nasa aking harapan. Unti-unti nang namuo ang mga ngisi sa aking labi. Tama nga ang aking hinala na may kinalaman ang pamilyang Legaspi sa pagpapalakad ng paaralan.

Hindi ko maiwasan ang mapahanga kay Travis dahil mabilis siyang nakakuha ng mga impormasyon na aking hiningi. Tama nga lang ang naging desisyon nila na panatilihin ang Inspector sa headquarters dahil marami itong maitutulong sa amin.
Mag-uumpisa na ako sa pagpapaplano at nasisiguro kong hindi ako magagapi.

Bumalik lang ako sa realidad ng mag ring ang aking telepono. Nakita ko ang pangalan ng aking kaibigan.

“Hello Aliah, bakit ka napatawag?”

“ALEXIS RYZZY VALDEMOR NABALITAAN KONG NAG-AARAL KA ULIT SA ***** UNIVERSITY. ENGINEERING PA TALAGA ANG COURSE MO EH AYAW MO NGA SA MATH. EXPLAIN” sunod-sunod nitong saad at napaka lakas ng boses ng kausap sa kabilang linya.

Nailayo ko na lang ang kaniyang tenga. Akala niya ay kakamustahin lang siya nito kaya ito napatawag.  Paano ka nito nalaman. Siguradong hindi siya tatantanan ng kaibigan kapag hindi siya nagsabi ng katotohanan.

“Sino namang makating dila ang nagsabi sayo?”

“SI AWA KAYA HUWAG KA MAGSISINUNGALING! ALAM BA YAN NI TITA?”paninigaw ulit nito. Naipikit na lang niya ang kaniyang mata sa inis sa madaldal niya kasamahan.

Napakadaldal mo talaga Awa nakakainis.

“Ano kasi best ----,”pinutol nito ang kaniyang sinasabi. “Don't best best me ,tell me the truth” diniinan pa nito ang pagkakabigkas sa salitang truth.

Naghanap ako ng ligtas na lugar upang kausapin si Aliah.

Napabuntong hininga na lang ako at nagkwento na sinabi ko lang dito ang ibang maliliit na detalye at pinagkakatiwalaan ko naman ito at ipinaintinding isa ito mahalagang misyon. Hindi ko maaaring sabihin dito ang iba pang detalye dahil baka ikapahamak lang niya ito.

Nang maibaba na ni Aliah ang tawag agad kong hinanap ang kasamahan kong may makating dila at natagpuan ko naman siya sa loob ng cafeteria.

Nang makita ako nito ay agad ak nitong kinawayan at inanyaya sa lamesa habang kasama nito si Storm na nakatingin lang sa pagkain sa kaniyang harapan. Pagkalapit ko pa lang kay Awa ay agad niya itong ginawaran ng malakas na batok.

“Bakit nanaman?”nababakas ang gulat sa mukha nito habang hinihimas ang nasaktang batok.

“Naiinis ako sa makating dila mo,” bulong niya sa kasamahan na biglang namutla.

Umupo siya sa tabi nito at binalingan naman ng tingin ang isa pa. “Hey Storm! How are you?” masiglang bati niya sa babae.

Tinignan lang ako nito ng masama at ibinalik ang tingin sa pagkain hindi naman nito ginagalaw.

Napailing na lang ako dahil hindi pa rin nagbabago ang babae. Maldita pa rin.

Bumulong naman sa akin si Awa.“ Inspector ganiyan ba talaga siya? Kanina niya pa tinitignan lang ang pagkain niya,”

Natawa naman ako sa sinabi nito. Napagtanto ko na ngayon pa nga lang pala makakasama ni Awa si Storm kaya nanibago ito sa ugali ng babae.

“Kumakain na siya niyan,”pabawi niyang bulong sa kasamahan. Nanlaki naman ang mata nito sa kaniyang tinuran.

“KUMAKAIN NA SIYA NIYAN!”napasigaw na saad nito. Pinigilan niya naman ang tawa ng makita ang gulat na gulat na mukha ng kasamahan. Nakita rin niya ang madilim na mukha ng isa pa nilang kasama.

Malakas na binatukan ni Storm ang lalaking sumigaw. Pinagtinginan kasi sila ng mga tao sa cafeteria.

“Baliw hindi ako kumakain, diba nakikita mo naman?”pinanlakihan pa nito ng mata si Awa.

“Bakit kasi kanina ka pa nakatitig diyan?” pasigaw ulit na pagbawi ni Awa.

“Pake mo ba?”pagtataray naman ng isa.

“Mukha ka kasing tanga,”

“Ano? Ayaw ko lang kasing tumaba,”pag-amin ng babae at medyo hininaan ang kaniyang tinig.

“Sus! Yun lang pala eh, kahit naman tumaba ka maganda ka pa rin,”banat ng binata na ikinapula ng mukha nito.

“Hep...hep...hep! Naglalandian ba kayo sa harapan ko?”pag singit ko naman sa usapan.

Sinamaan naman nila ako ng tingin “No way!” sabay pa nitong saad.

Nanahimik na lang kami at kumain na ng aming tanghalian. Hindi ko inaasahan na ang mga ito pala ang makakasama sa misyong ito.







Itutuloy...

------

Pasensiya na po sa mga wrong grammar at typographical errors. Edit ko na lang kapag napublished ko na lahat ng chapters.

Comment niyo yung mga saloobin niyo tungkol sa story na ituuu.

Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon