Chapter 46

516 19 3
                                    

Hindi siya lumabas ng recess at lunch, nagpabili lang siya kina Kaylee at Mary dahil baka makita na naman niya si Enryl, ayaw niyang maissue sila kahit wala namang ganap sa pagitan nila.

"Bakit ba ayaw mo lumabas?"
Tanong ni Mary ng maibigay ang lunch na pinabili ni Jelai.

"Baka makita ko na naman si Enryl. Ayokong maissue."
Sagot niya at sinimulan na ang pagkain ng tanghalian niya.

"By the way, thanks guys for buying me foods."
Pasalamat niya sa dalawang kaibigan sabay ngiti.

"Always welcome."
Ani ni Mary.

"Alangang hindi ka ibili eh di nagutom ka dyan. Pasalamat ka love ka namin."
Untag Kaylee

"Eww, cheesy mo girl."
Asar nilang dalawa ni Mary at nagtawanan sila.

Nagkwentuhan lang sila sa classroom nila hanggang matapos ang lunch break nila at magklase na ulit.

After class naghiwalay-hiwalay na silang tatlo dahil may lakad pa ang dalawa niyang kaibigan samantalang siya ay diretso uwi na.

Tahimik at maayos na sana ang maghapon niya kaso ng malapit na siya sa gate biglang may bumusina sa likod niya habang tinatawag niya.

Boses pa lang nito alam na niya kung sino kaya hindi niya nililingon at kunyaring hindi naririnig.

"Ms. Navarro! Jelai! Jelai!"
Tuloy-tuloy na tawag ni Enryl sa na nakasakay sa sasakyan nito.

Hindi pa din niya ito nililingon kahit nasa gilid na niya ang sasakyan ng binata.

"Uy? Jelai!"
Paulit-ulit ito kaya hinarap na niya ng may inis na muka.

"What!? Stop following me, okay? You're annoying."
Inis na untag nito.

"Bakit ba ang sungit mo ha?"
Tanong pabalik ni Enryl.

"Wala kang pake."
Mataray na sagot nito sabay irap sa binata at nagpatuloy sa paglalakad.

"Period mo ba?"
Natigilan siya sa tanong ng binata pero agad siyang nakabawi at nagpatuloy sa paglalakad.

"Period mo no? Ms. Sungit."
Natatawang pang-aasar ni Enryl.

"Ms. sungit! Ms. sungit! Ms. sungit!"
Paulit-ulit ng binata sa kanya.

"Oo na period ko kaya wag kang makulit, okay? Your voice annoys me at masakit sa ulo."
Mataray pa ring untag niya sa binata na natahimik.

"Get in, I'll drive you home."
Yaya ng binata pagkatapos ng ilang minuto na kinatahimik nito.

"No thanks."
Tanggi nito at tuloy-tuloy sa paglalakad.

"No, I'll drive you home. Baka mapano ka pa at mas mabilis kang makakauw-"
Hindi na nito natapos ang sinasabi ng dali-dali ng sumakay si Jelai sa sasakyan ng binata.

Alam ng dalaga na hindi siya titigilan ng binata kaya sumakay na siya kaysa makipagtalo pa sa binata at gusto na din niyang maka-uwi dahil masakit ang ulo't puson niya.

"You okay? Gusto mo bili muna tayong gamot bago dumiretso sa bahay niyo."
Umiling lang ang dalaga at pumikit dahil matatraffic pa sila. What do you expect nasa Pilipinas siya at madaming road widening.

Tahimik si Enryl buong byahe habang si Jelai ay nakapikit lang.  Nang dahil nga sa mga road widening after 1 hour pa tsaka nakarating sila sa bahay niya kahit na malapit lang naman ang village nila sa school niya

"Thanks for the ride."
Ani niya at dire-diretso kahit na tinatawag siya ng binata.

Sinara niya agad ang gate nila para di na siya habulin ng binata dahil gusto niya lang talaga matulog.

"Manang, padala po akong hot compress at gamot sa sakit ng ulo sa kwarto ko."
Untag niya sa katulong na nakita sa salas nila.

"Sige, dadalhan na din kitang pagkain dahil masamang uminom ng gamot ng walang kinakain."
Tumango lang siya at dire-diretso na sa kwarto niya.

Hindi na siya nakapagbihis dahil pagkahiga niya ay nakatulog na agad siya. Nagising lang siya ng makaramdam ng lamig, may nagbukas ng aircon niya sa kwarto.

Dali-dali niyang binalot ang sarili sa comforter at gamit ang remote ng aircon hininaan niya ang hangin na nilalabas nito ngunit kahit anong balot at siksik sa sarili sa mga unan niya ay nilalamig pa din siya. Nangangatal na siya sa lamig kaya ginawa niyang lahat maabot lang ang cellphone niyang nagriring.

Nang naabot niya na ito ay sinagot niya agad at hindi pa nagsasalita ang nasa kabilang linya, nagsalita agad siya.

"He-help..."
Mahina niyang untag ngunit walang nagsalita sa kabilang linya.

"He-help me ple-please. I'm co-cold. Ple-please."
Pagmamakaawa niya ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya.

"Please..."
Tahimik pa din ang kabilang linya.

"My he-head hurts a-alot and I'm in.. uhmm.. co-cold. Ca-can you come o-over? Please."
Ganun pa din tahimik pa din, naiiyak na siya sa sakit ng ulo kasabay ng dysmenorrhea niya at pangangatal.

"I beg you. Ple-please speak-up."
Naiiyak na siya at nahikbi dahil wala ata itong balak tulungan siya. Bago mamatay ang tawag nakarinig siya ng hikbi sa kabilang linya at may mahinang boses siyang narinig.

"Sorry babe."
Yun ang narinig niya  at namatay na ang tawag.

Pinatay na niya ang aircon ng tuluyan ngunit malamig pa din. She really need help. Hindi siya sanay na nagkakasakit, naiyak siya pag nagkakasakit kahit malaki na siya lalo na't pag di niya kayang i-handle ang sarili.

"Helppp..."
Paulit-ulit na bulong niya na parang may nakakarinig sa kanya.

Then suddenly her door open at ang Kuya niya ang iniluwa nito.

"Kuya,"
Pabulong na tawag niya sa Kuya niya pagkalapit nito at hinawakan niya agad ang kamay ng Kuya niya.

"Jelai what happened?"
Tanong agad ng Kuya niya na halata ang pag-aalala sa muka.

"I'm cold and my head hurts."
Dinampo agad ni James ang kamay sa noo ng kapatid at naramdamang mainit iyon kaya kumuha agad siya ng thermometer para matignan ang temperature ng kapatid.

After few minutes, nag-beep na ang thermometer at nakalagay na 38.9 ang temperature ng kapatid kaya dali-dali niyang ginising ang mga katulong para matulungan si Jelai dahil walang alam si James pagdating sa gantong situation.

"James,"
Tawag sa kanya ng head ng mga katulong nila pagkatapos niyang tawagan ang mga magulang.

"Nilalagnat lang si Jelai kaya nilalamig. Ayaw niyang kainin ang pagkaing dinala sa kanya kaya nagpaluto akong soap para sa kanya  papadala ko na lang dito pagkaluto."

"Sige po, salamat."
Tumango lang ang head ng katulong nila tsaka lumabas na ng kwarto ni Jelai. Wala na din sa kwarto ang iba pa nilang katulong kaya pumasok na ulit siya at nilapitan ang kapatid.

"You'll drink your medicine later, okay?"
Tumango si Jelai sa sinabi ng Kuya niya.

"Ho-how did you kn-know that I ne-need help?"
Tanong niya sa Kuya.

"Wag mo ng isipin yun, basta ang mahalaga magagamot ka na."
Tumango lang ulit si Jelai at nanahimik na dahil nangangatal pa din siya sa lamig.

---
Sorry for not being active again. Just a family matter, btw hope you enjoy this chapter.

Who do you think the mystery caller? At pano nalaman ni James? Hmmm... haha

Ano nga ba tayo?Where stories live. Discover now