Chapter 9

1.5K 45 2
                                    

Hindi na ako nagugulat ng napapatingin na lalo samin ang mga tao. Umiiwas nga ako dahil kilala si Marco ng mga tao ngunit dahil sa couple shirt ay wala na akong nagawa. Naririnig ko ang iba na ang cute and sweet daw namin. Hindi nila alam na hindi naman kami in relationship na dalawa.

I don't know what gotten to me but I think we just click. Hindi ko nga din magets bakit couple shirt ang suot namin ngayon.

"Mas gwapo ka talaga sa personal kaysa sa tv." Ani nuong isang babae na nag papicture sa kanya. Lumayo ako ng kaunti para hindi mahagip sa picture or mapansin man lang.


Nang makaalis iyong mga nag papicture ay napansin na naman ni Marco na nakalayo ako kaya hinila na naman niya ako papalapit sa kanya. "Why do you always keeping your distance?"


"Syempre may nag papapicture sayo. Nakakahiya."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kinahihiya mo ba ako?"

Napakunot noo naman ako. "No. Magkaklase tayo pero hindi tayo lovers. Ayokong makakuha sila ng ibang meaning dahil magkasama tayo at sa damit."


Hindi na niya ako tinignang muli ngunit nakikita ko ang pag igting ng mga panga sa bawat tingin ko. Ano na namang nagawa ko.

Naglalakad na lamang kami dahil niyaya ko na siya umuwi ngunit nang napadaan kami sa cinema at showing yung movie na inaabangan ko last month pa.

"Oh myy!" Ani ko sa saya nuong nakita ang poster.
"You want to watch that?" Mabilis akong tumango sa kanya. Sa sobrang excited ko ay hindi ako mapakali nuong lumapit na kami sa counter para bumili ng ticket. 


"I'm sorry, Sir but our card reader just broke. Do you have cash?" Ani nuong babae ng naglabas ng black card si Marco. 

Napatingin ako sa kanya nang luminga linga siya. Mukang hinahanap niya ang bodyguard niya. "I'll take care of this. Ikaw na ang nag babayad kanina pa so let me, okay?" Kinukuha ko na ang wallet ko nuong pinigilan niya ako at may lumapit sa aming lalaki na naka all black. 


"I don't let girls pay." Natigilan ako sa kanya. 

Lumayo silang dalawa ng konti sakin. Nginitian ko naman iyong babae sa counter. "Magkano po ba ang dalawang ticket?" Sinabi niya ang amount bago ko binayaran. Kaya nuong makabalik si Marco sa akin ay inabot ko na lamang ang ticket niya.


"Let's go." Kumunot ang noo niya sakin.

"I pay for it. Ayokong malate wag ka ng maarte dyan." Hinila ko na siya papasok. Nakita kong may sinenyas siya duon sa kausap niya kanina bago ako tumigil at ibigay ang ticket ko sa nag babantay.

"Send me your acocunt. I'll pay you." Tumango na lamang ako para matigil siya.

Nang napansin niyang hindi ko na siya papansinin ay nagulat ako ng hawakan niya ako sa baba para lumingon sa kanya. "What?" Ani ko sa gulat.


"You will give me your account. I don't like the idea of you paying for this movie, Haylee Jelai." Gusto ko pa sana siyang sagutin na ako naman ang may gusto nito ngunit ramdam kong hindi naman ako mananalo sa kanya. Pumayag na lamang ako, siguro naman malilimutan na niya din iyon mamaya.

And did he just call me by my name? This is the first time he calls me by my name. I am shocked. His saying my name sends me a shiver down my spine. Oh gosh!

Mag eend na naman ang month kaya mabibigyan na ulit ako ng bagong allowance so hindi ko na kailangan mamoblema. Plus hindi naman ganun kalakihan ang binayad ko sa ticket.

 Bawal daw ang food sa loob pero okay lang kasi di naman ako nagugutom.

Pag pasok pa lang mangha na ako sa ayos ng cinehan. Hindi ito gaya nuong mga ordinary na cinema. Ang nanduduon ay inclined chairs at may mga small table sa tabi. Ibang iba sa madalas na cinehan. Nakapasok na ako sa mga magagandang cinema ngunit hindi ganito ka comfortable at kaganda.


"Sobrang ganda ng movie. Hindi ko kinakaya." Sabi ko sa kanya nuong palabas na kami.

"Sakto lang." Napalingon ako sa kanya. 


Anong sakto lang eh inintay ko yun for a month. "Maganda kaya." Iyon na lamang ang sinabi ko para di na kami mag talo pa.

"May gusto ka pa bang gawin?" Tanong niya ngunit lumapit ang body guard niya at may binulong sa kanya. 

"Later." Iyon lamang ang sagot niya.

"Pero Sir. Baka kami ang masisante ng mommy mo-" Hindi ko na narinig pa ng ayos dahil hinila na ni Marco ang bodyguard niya palayo.


Hinahanap na ba siya? Sabagay artista nga pala siya.

Mas dumami ang nakakilala sa kanya duon dahil madaming tao ang naglabasan galing cinema. Madaming nagpapicture ngunit napigilan ng mga body guards na niya biglaang naglapitan ang mga iyon. 

"Kailangan na po nating umalis, Sir." Ani nuong lagi niyang kabulungan. Feel ko yun ang head ng mga bodyguards niya.


Nakasunod lamang ako sa kanila. Hindi naman ako ganun ka kilala kaya hindi nila ako pinapansin. Muntikan pa akong maiwan nuong hinila ako ng isang body guard niya para maprotektahan din dahil sa dami ng naglapitan. 

I tried my best na takluban ang damit ko para hindi nila makita ganun din ang aking muka. Wala naman sigurong makakapansin nuon. 


"Jelai," He said nuong nakitang hawak ako ng isang body guard. Hinila niya ako palayo sa body guard na iyon ngunit wala siyang nagawa dahil nag sisisiksikan na kami.


Nang makadating sa parking lot kung saan wala ng masyadong tao ay hinarap niya ako sa kanya. "Are you okay?" Tinignan niya ako na parang masusugatan ako duon. 

"Yeah. I'm fine," 

He opens the door for me again. No one dare to speak when we are on our way to our house. Sa ibang sasakyan naman ang mga bodyguard niya na hindi ko napansin kanina. When we reach home, he gets out to open the door for me.

"So," I started to have a little conversation. I point the gate. "I hope you had fun today." Aniya.

I smile then nodded. "So much. Salamat sa pag sama. Busy ka pa yata?"

"It's my pleasure to be with you. Hindi naman, sakto lang." He gave me again another smile. Damn boy!


Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero hinalikan ko siya sa pisnge bago mabilis na pumasok sa loob ng gate. Tatakbo na ako papasok at alam kong namumula ako. Pag pasok ko ng bahay ay naabutan ko si kuya James kasama ang mga kaibigan niya sa sala. Nag lalaro sila.

"Saan ka galing?" tanong ni kuya.

"Sa mall lang." Nag hi na din ako sa mga friends niya bago tatakbo pataas.

Sumilip ako sa may bintana ko kung saan kita ang labas ng gate ngunit wala na siya duon. Nakita kong pumasok siya sa sasakyan niya. Hindi kaagad iyon umandar ngunit kalaunan ay umalis din. Ngayon ko lamang naramdaman ang hiya sa nangyari. Paano pag pumasok na siya sa lunes. Parang ayoko siyang makita.

I bury my face at my pillow and start screaming. Nakakahiya ka self!

Ano nga ba tayo?Where stories live. Discover now