Chapter 42

522 14 2
                                    

"Wag na po kayong masyadong mag-alala Sir sa girlfriend niy--"
Pinutol niya agad ang nurse.

"Hindi ko siya girlfriend"
Napakamot ng ulo yung nurse sa sinabi niya.

"Sorry po, sir.. Mababa lang po ang sugar ni Mam. Kaya siya nakakaramdam ng hilo at panlalambot."
Ani ng nurse.

Kaya nakahinga ng maluwag si Jelai dahil kung nabuntis man siya hindi niya alam kung pano niya haharapin ang mga magulang niya pati ang Kuya niya lalo na ngayon at wala na si Marco sa school.

"Anong dapat naming gagawin?"
Tanong ni Enryl.

"Bilhin niyo na lang po ito tas balik po kayo after one week."
Ani nang nurse. Tumango sila at nag pasalamat tsaka umalis.

Nang nakaalis sila Jelai at Enryl ng hospital dun lang siya nagkaroon ng pagkakataong magtanong kay Enryl.

"Anong connect mo sa school at sa hospital na yan?"
Panimula ni Jelai

"You don't know me?"
Tanong ni Enryl kay Jelai.

"Tatanungin ba kita kung kilala kita, ha?"
Medyo mataray na ani ni Jelai. Nasusura siya dito dahil malamang hindi niya to kilala kaya nagtatanong, mayabang din ang dating, pa bad boy. Tss.

Tinawanan lang ni Enryl ang sinabi ni Jelai.

"Ang taray mo naman pala."
Anito ng tumatawa pa din.

"Stop laughing."
Untag ni Jelai at pinagcross ang kamay sa dibdib at tumingin na lang sa dinadaanan nila.

"Your different,"
Napatingin agad si Jelai kay Enryl ng sinabi niya iyon.

"What!? Me?"
Naiinis na si Jelai at the same time curious.

"Di pa kasi tapos ang sentence ko."
Napa 'tss' na lang siya Jelai sa sinabi ng binata. Pabitin pa eh.

"Your different in a good way. Siguro kung ibang babae ang kasama ko ngayon mga nagpapacute na yung mga yun. Kaya nga nagulat ko nung wala ka manlang reaction nung magkasama na tayo."
Natatawang sabi nito.

"Anong akala mo sakin, ganung babae? No way. At isa pa di kita type,duhh."
Natawang sabi niya sabay irap kay Enryl.

"Will see about that."
Ani ni Enryl kay Jelai at pumunta na sila kung san bibilhin yung mga sinabi sa kanila.

"San ba bahay niyo?"
Tanong ni Enryl

"At bakit?"
Mataray na ani ni Jelai.

"Taray mo talaga. Syempre hahatid na kita."
Natatawang untag ni Jelai.

"Ah. Ayoko din pumasok eh kaya sige..."
Nang nasabi na ni Jelai ang address nila hinatid na agad siya ni Enryl duon.

"Nice house."
Compliment ni Enryl sa bahay nila ng nasa may gate na sila.

"Thank you,"
Sagot niya naman.

"Tara pasok ka."
Dagdag ni Jelai at tumango lang si Enryl.

"Asan parents mo?"
Tanong ni Enryl ng napansing puro katulong lang ang nasa bahay nila Jelai.

"You know business."
Simpleng sagot ni Jelai.  Sanay na siyang tinatanong kung nasaan ang parents niya dahil simula pagkabata niya yun ang laging tanong sa kanya.

"I see. Ganun din si Dad."
Sang ayon ni Enryl

"School and Hospital right? How about your mom?"
Tanong ni Jelai.

"For the first question, yup and for the second question, in heaven I think."
Halata ang gulat sa muka ni Jelai.

"I'm sorry about your Mom."

"It's alright its been two years na din."

After ng topic na yun natahimik na sila. Nabasag lang ang katahimikan nila ng dumating ang katulong nila Jelai sa salas dala ang pagkain nilang dalawa.

"Thank you, Manang."
Ngumiti lang ang katulong nila at umalis na.

"So, sino lang kasama mo dito?"
Basag naman ni Enryl sa katahimikan ng natahimik ulit sila habang kumakain.

"Si kuya lang. Bukod sa maids."
Simpleng sagot nito.

"Ikaw sa bahay niyo, sinong kasama mo?"
Tanong pabalik ni Jelai kay Enryl.

"Just me."
Napa 'woah' lang si Jelai sa narinig.

"Maybe may katulong siya sa bahay nila pero iba pa din pag may nakakakwentuhan at nakakasama kang family mo"
Ani ni Jelai sa utak niya.

"Kaya mong mag-isa?"
Tanong ni Jelai, out of curiosity.

"Of course, sanay na ako."
Untag nito at tinapos na ang kinakain.

"I need to go. See you at school, Ms. Taray."
Tumatawa itong tumakbo palabas ng bahay nila Jelai dahil babatuhin na siya ni Jelai ng hawak nitong unan kaya umalis na agad siya.

"Loko-lokong tao yun tawagin ba daw akong Ms. Taray."
Ani ni Jelai sa sarili ng nakaalis na si Enryl.

Tinext na niya sila Kaylee at Mary na hindi na siya papasok at nasa bahay na siya. At ang sabi ng dalawang kaibigan ay pupuntahan na lang nila ulit si Jelai sa bahay nila.

Sa sobrang bored ni Jelai binuksan niya ang tv at saktong nasa balita iyon.

"Breaking news, nandito po tayo sa harap ng NAIA  kung saan naroroon ang sikat na sikat na binata ngayon sa Asia, si Marco Vergara."
Nanlaki ang mga mata ni Jelai sa narinig at nilaksan pa ang volume ng pinapanood para mas marinig niya.

"At ngayon nakikita natin si Marco  na pababa na ng sasakyan niya... Sir.. Sir Marco."
At nilapitan agad ng mga media si Marco para mainterview.

"Sir Marco, can you tell us why are you leaving the country again?"

"For my career. I have to  focus cause someone ask for it."
Ani ni Marco.

"Can you tell us who is that 'someone'? "

"Sorry I can't... but for that 'someone' I know you know who you are, just wait for me okay?"
Yun ang huli niyang ani at umalis na sila kasama niya ang Mommy niya, Manager niya at ilang stuff na kailangan niya.

Bago tuluyang nakatalikod sa camera si Marco nagsalita pa siya na alam niyang narinig ng media iyon.

"I love you, babe."
Ani nito at tuluyan ng tumalikod sa media.

Alam niyang hindi mahilig manood si Jelai ng balita pero sana mapanood nito ang short-interview sa kanya.

Hindi man siya nagpaalam kay Jelai ng harapan may pinadala naman niya sa bahay nito na alam niyang magugustuhan ng dalaga. Si Jelai pa ba ang kalimutan niya, syempre hindi. Mahal na mahal niya ang dalaga kaya gagawin niya ito dahil ito ang hiling niya.

Babalik siya sa iba't-ibang bansa para mas makilala pa siya at para makamit na nila ang pangarap na makilala siya sa buong mundo at pag nangyari na yun babalikan na niya ang dalaga.

"She's the one for me. Only Jelai."
Ani niya sa sarili bago makaalis ng Pilipinas.

"See you soon, babe."

Ano nga ba tayo?Where stories live. Discover now