Perfect Three

39.2K 729 19
                                    

The plan of thanking her ended up blaming her.

"How did you know na may lason sa pagkain? Don't tell me ikaw ang nag-utos 'nun?"

Kumunot ang noo ng dalaga at saka napailing. Nasa pintuan sila ng condo at mukhang walang balak ang dalaga na papasukin siya.

"Narinig ko lang ang plano niya habang nasa CR ako."

"And you'll expect me to believe that?!"

"Yes, because that's the truth. I even warned her, akala ko natakot na siya sa pananakot ko pero itinuloy niya parin ang plano niya sayo." Kalmadong paliwanag nito at hindi pinapansin na sasabog na naman siya ano mang oras.

Bakit ba hindi ito natatakot sa kanya? Well, that's the disadvantage of being good, they will take advantage.

"Yeah. Pero hindi parin ako naniniwala."

Nagkibit balikat lang ito pero kalaunan ay ngumisi.

"Anyways, iyon lang ba ang dahilan kaya ka nagpunta dito? Or it's just your alibi again?" Mapang-akit na sabi ng dalaga. Pinamulahan siya ng mukha. Hindi dahil sa hiya kundi sa galit. Yes, dahil sa galit. And dogs can fly, the other side of his brain said.

"I already told you earlier na hindi na natin 'yun uulitin." Mariing sabi niya dito.

"Okay, kunwari kumbinsido ako. I really want to seduce you right now but unfortunately may bisita ako."
Bwisita kamo, bulong-bulong niya.

Pagdating nga niya sa condo nito ay may kausap na itong lalaki. Kaya siguro mainit ang ulo niya! Kanina pa talaga mainit ang ulo niya. And seeing her with other man does not included to the reason why he is mad right now. He was just mad because of the girl who tried poisoning him. Yeah. That's it.

"Just make sure that you will not let him touch you. Ayokong kapitan
sakit."

Lumawak ang pagkangisi nito. Daig pa ang nanalo sa laro.

"So, inamin mo na rin na may mangyayari ulit satin? I'm so excited!"

Pumalakpak pa ang babae sa tuwa. He was taken a back on what she said. Pero bago pa man siya makapagreact ay sinarhan na siya nito ng pinto pero bago 'nun ay kumindat muna ito sa kanya.

That's it. At the end of the day he will end up hating her more.






Agad na kumalat ang balita sa paglalason sa kanya. He doesn't know how did they know. Maybe, ipinagkalat 'yun ng babaeng kasagutan ng manlalason sa kanya.

"Mabuti na lang daw at tinapon ni Celine ang pagkain."
Narinig niyang bulong ng isang babae.

How did they know?

"Babalikan ko sana ang notebook ko sa room ng marinig ko silang nag-uusap. Nagalit pa nga si Uno, kahit ako magagalit sa ginawa ni Celine pero may rason naman si Celine. He should be thankful."

'He should be thankful.'

Yeah. And end up blaming her.

Mas lalong lumakas ang bulong-bulongan sa hallway ng may narinig silang umiiyak na babae habang papunta sa kanyang direksyon. If he's just Tres, he will slapped the crying lady. But no, he's not the Perfect Uno for nothing.

Ng umangat ang mukha ng babae ay sumalubong sa kanya ang nanlilisik na mata nito pero hindi iyon ang pinagtuunan niya ng pansin. Kundi ang pula nitong pisngi at ang sugat nito sa labi. Mukha itong binugbog.

"Kasalanan mo 'to! Look at me! Tignan mo ang ginawa sa kin ng babaeng 'yun!"

His forehead knotted.

"Girl? Who?"

Bago pa makasagot ang babae ay may isa pang boses babae ang sumulpot.

"I told you to say sorry, hindi ang sumbatan siya. Kulang pa ba ang sampal at sambunot ko sayo?"

Lahat sila nagulat sa sinabi nito.
So ito ang may kagagawan sa nangyari sa babae?

"Bakit ka ba ganyan ka umasta,ha?! Don't tell me gusto mo rin si Uno?!"
Sumbat ng babae kay Celine.

Lahat sila natahimik, tila hinihintay na sumagot si Celine habang siya ay labis labis na kaba ang narararamdaman sa mga oras na 'yun.

Paano kung tinupak ito at sasabihing 'Oo' or worse sasabihin nitong may nangyari sa kanila.

'Yun naman ang goal nito diba? Ang pabagsakin sya. Mas mabuti pang ibang tao na lang ang dahilan ng pagkabagsak nya. Just not Celine. Not his brother's girlfriend. Not his---

"What happened here?" Boses ni Tres na kasama si Dos. His curiosity rose up when Dos just look at Celine before looking at the girl who tried to poisoned him.

Is he not worried? Na may pasa rin ito sa gilid ng labi? Kaya siguro sa kanya naghahanap ng kalinga si Celine dahil baka gago ang kanyang kapatid---oh, he almost forgot. He's not Dos Cairo Benjamin 'Gago' for nothing. His exact opposite.

But damn. Hindi iyon sapat na rason para mangaliwa si Celine! Baka balak rin nitong sirain silang magkapatid?

Sa sobrang lutang niya ay hindi niya namalayang silang apat nalang ang naiwan sa hallway habang ang mga studyante ay kanya-kanya ng pasok sa classroom.

"I already kicked her out."
Sabi sa kanya ni Tres.

"You shouldn't have done that----"

"At ano? Lalasunin ka na naman nya? Hindi ka narin natuto, ano?" Singit ni Celine na halata ang pagkairita sa boses nito.

Ano bang pinapahiwatig nito? Baka nakalimutan nitong nandito si Dos, baka malaman pa nitong sinusulot nya ang girlfriend nito.

"And I already told the girls to stop giving you foods baka maulit na naman ang nanyari." Sabi pa ni Tres. Tumunog ang phone nito na sinagot rin naman.

"Hello?....He's safe. Don't worry...okay...Bye." Ibinulsa nito ulit ang phone at blanko silang tinignan.

"It's Dad. Pinapatawag ka niya sa office."

Napahilot siya sa sintido. Hindi niya alam kung sesermunan siya ng Daddy niya o ano.

"Don't worry, man. Never pa namang nagalit si Daddy sayo." Tinapik pa ni Dos ang kanyang balikat.

"Ngayon palang." Dugtong niya. Pero kung iisiping mabuti wala naman siyang kasalanan. He's the victim.

Umalis na ang dalawa niyang kambal habang nagpaiwan naman si Celine.

"What?" Asik niya tito. Napailing na lang ito at inayos ang magulo nitong buhok.

"I will expect you in my condo tonight, Rizon."
Then she kissed him on cheek then left. Agad siyang napalinga-linga sa paligid baka may makakita sa kanila. At laking pasalamat niya ay wala.

Hindi ba nag-iisip ang babaeng 'yun? Paano kung may makakita sa kanila? Tss. She wouldn't care kasi wala naman itong pinapahalagahan na imahe. Unlike him.

Pero ngayon kailangan niya munang harapin ang kanyang ama.

Uno's Dirty Secret (4th Gen #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon