Chapter 37

2.2K 60 5
                                    

Ziah's POV:)
Pagkatapos kong makipagusap sa Section F at yung ibang mga tao na importante sa akin napag desisyonan ko na, na umuwi. Pag bukas ko ng pinto, agad kong nakita si Ruki na nanonood ng TV. Napahinga ako ng malalim. Siguro oras na para magpaalam na rin ako sa kanya.

"Ruki." Sabi ko

Tumingin naman siya sa akin ng walang emosyon sa kanyang mga mata. Bakit kaya siya palaging ganito? How could he be so cold?

"What?" Tanong niya

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa kabilang dulo ng couch. Ayokong maging awkward sa pagitan namin. Ako lang ba?

"Let's talk." Sagot ko

Tumingin ako sa kanya. Nakataas yung isa niyang kilay habang nakatingin sa akin. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Lahat siguro nang narinig ko mula sa kanya ay isang panaginip lang.

"Aren't we talking already?" Sarkastikong tanong niya

Kahit kailan talaga nakakainis pa rin siyang kausap. Parang lagi siyang may kaaway e. Sabagay. Sino ba naman ako para mag reklamo.

"You're still sarcastic. Anyways gusto ko lang naman sabihin na aalis na ko ng bansa. Gusto ko lang mag goodbye sayo. I'm giving up on you, Ruki." Sagot ko

Ngayon siguro alam niya na, na hindi ko na kayang ipaglaban pa yung nararamdaman ko para sa kanya. It's just too much for me to handle.

"What do you mean na you're giving up on me?" Tanong ni Ruki na may pagkagulat sa kanyang mga mata

Sa tingin niya ba na hindi ko talaga siya susukuan pagkatapos ng mga nangyari? Nasasaktan ako pero kailangan kong gawin to. Hindi naman siya nasaktan e dahil hindi naman ako yung mahal niya.

"Kailangan ko pa ba i-translate sayo para maintindihan mo yung sinabi ko? Fine. Sinusukuan na kita, Ruki. Paalam na." Sagot ko

Biglang napalitan ang mga emosyon niya. Marunong pala siya magkaroon ng mga ganitong emosyon. Akala ko marunong lang siya manakit ng tao e. Marunong din pala siyang makiramdam.

"You're giving up on me?" Tanong niya

Gusto ko siyang kamuhian pero hindi ko kaya. Mahal ko kasi siya e. Hate is a strong word.

"Yes." Maiksing sagot ko

Masakit sa akin na makita siyang ganito. Mahirap din sa side ko na sabihin sa kanya to pero alam kong kailangan ko.

"You can't give up on me." Sabi ni Ruki

Bakit naman hindi? Tao rin naman ako. Mabilis sumuko ang mga tao lalo na pag alam nilang wala naman talagang pagasa.

"I can, Ruki. Sana alam mo kung hanggang saan ko lang kaya. Sana naisip mo na hindi lang ikaw yung nagsa-sakripisyo para sa ating dalawa. Nagising na ko sa katotohanan noong hinalikan mo si Marielle. Wala palang tayo. Narealize ko na, ako lang yung nagmamahal sa ating dalawa. I was the one sacrificing. I think it's for me to give myself some time. Hahanapin ko muna yung sarili ko. Hahanapin ko muna yung happiness na deserve ko." Sabi ko

Magsasalita na sana siya pero nagsalita ako ulit.

"I hope that this will be the last time that I'll be sacrificing for you. Sana sa susunod na magsa-sakripisyo ako, hindi lang ako yung nagsa-sakripisyo para mag work yung relationship. Don't get me wrong. I really did become happy with you. Nararamdaman ko lang na ako lang yung nagmamahal. Yes. Umasa ako pero ngayon wala na sigurong point. Wala na sigurong point na hintayin pa kita. Napapagod din ako. Nagpapasalamat pa rin ako dahil nakilala kita. I learned a lot of things with you. I'm happy but it's time for me to let go of these things. I love you. I really do. I want you know na kahit pa nasaktan mo ko, minahal pa rin kita. Napakita ko na naman sayo kung gaano kita kamahal e. Sana sapat na yun." Dagdag ko

This is for the best. Nasasaktan man ako ng sobra ngayon pero siguro tama na yung pakawalan ko yung mga bagay na nakakasakit sa akin.

"I hope that you'll be happy with Marielle. Treat her right. Kung hindi man, yung babaeng pakakasalan mo. I'll be there, watching you getting married to the girl who will love you more than I have. I'll be happy for you. Sana maging masaya ka na in the future. Sana pag masaya na din ako, wag mo na kong guguluhin pa." Sabi ko

Siguro eto yung dahilan kung bakit ako binigyan ng isang linggo ni Damon. Alam niyang masasaktan ako ng sobra kapag kay Ruki na ako nagpaalam.

"I also hope that you will find someone, who will never give up on you just like I did. Ito na sana ang huli nating pagkikita. Kung magkita man tayo ulit, sana parehas na tayong masaya." Sabi ko

Ruki's POV:)
Aalis na si Ziah. Ang mali kong inisip ay umasa akong hihintayin niya ko hanggang sa maayos ko na ang lahat ng to pero siguro mali ako. Sinukuan niya na ko.

Sinubukan ko lang naman siyang protektahan e pero bakit parang mali ata yung desisyon na pinili ko? Dapat ba hinayaan ko na lang siya maging masaya kayla Jin at Kit noon?

I fucked up badly. I knew, I did. Hindi ko naman aakalain na ganito pala kasakit yun. Akala ko hihintayin niya ako pero hindi. She wants me out of her life.

Alam ko naman na nasaktan ko siya ng sobra sobra pero hindi niya ba maintindihan, prino-protektahan ko lang naman siya. Ayoko siyang masaktan pero wala naman na kong magagawa, nasaktan ko na siya.

Hindi ko alam kung pipigilan ko ba siya or hahayaan ko na lang siyang umalis. Wala akong kasiguraduhan na babalik pa siya. Gusto ko man siyang i-comfort ngayon pero alam kong hindi ko siya pwedeng hawakan.

Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na mananatili siya sa tabi ko pero paulit ulit ding sinasabi sa akin ng puso ko na hindi siya mananatili sa tabi ko. Minsan pala tama ang puso natin.

Gusto ko mang sabihin sa kanya na wag na lang siyang umalis at mahal na mahal ko siya pero sa tingin ko huli na ang lahat para doon. Nakapagdesisyon na siya at hindi ko na mababago yun.

Kahit sa huling pagkakataon gusto kong maipakita sa kanya na mahal ko siya pero huli na e. Hindi naman talaga ako masaya kay Marielle e. Sana alam niya yung buong kwento. Huminga ako ng malalim, bakit ko pa ipipilit yung sarili  ko kung ayaw niya na sa akin.

Ang tanging bagay na masasabi ko ng hindi iiyak ay.

"Sana maging masaya ka din. Sana wag ka nang babalik pa." Sabi ko bago naglakad palayo

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
hindi pa ito yung ending ng first book guys. i'm happy to say na may second book pa ito. i hope that you enjoyed reading this chapter.

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now