Chapter 33

2.1K 59 2
                                    

Ziah's POV:)
Iniisip ko kung ang unfair ba sa iba kong mga kaibigan kung kay Kit lang ako magpapalaam. Pagkatapos ng mahabang self reflection, napagpasyahan ko na pumunta ng Section F para magpalaam sa kanila. Hindi ko na naisipang kumatok at agad na akong pumasok sa dati kong classroom.

Noong pumasok ako, napansin kong wala si Kit sa loob pero nandoon ang iba kong mga kaklase kasama na rin si Ruki. Napatingin sila sa akin nang may pagtataka.

"Anong ginagawa mo dito, Ziah? Bawal ka na dito ah?" Tanong ni Viel

Kahit labag sa loob ko, kailangan ko nang tapusin ang lahat ng to. Malapit man sila sa loob ko dahil sa nangyari parang nalalayo na silang lahat sa akin.

"Nandito ako para tapusin ang connection nating lahat. Hindi ko na makita ang lugar ko dito. Siguro dahil hindi niyo na ko tanggap. Kailangan ko na ulit humanap ng lugar kung saan ako magiging masaya at kung saan ako tatanggapin ng mga tao." Sagot ko

Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Hindi ko na ramdam na parte ako ng Section F. Noong umalis ako para lumipat ng section, parang naging wala na ako para sa kanila.

"Yun ba ang dahilan kung bakit ka umalis?" Tanong ni Matt

Hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako umalis. Gusto ko lang naman silang protektahan kahit alam kong hindi ko naman trabaho yun. Ayokong madamay sila sa mga plano ng lolo ni Ruki.

Hindi ko pala nasabi ang plano ng lolo ni Ruki pero sinubukan ko siyang kausapin ulit. Ang sinabi niya lang sa akin ay kapag hindi ako umalis ng Section F, mapapahamak sila. So I left. For their sake.

"Yes." Pagsisinungaling ko

Biglang tumayo si Jin sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako palabas at nakita ko naman sumunod sa amin si Ruki.

"Hindi mo ba pwedeng kausapin ang lolo mo, Ruki?" Tanong ni Jin

Hindi niya naman kailangan kausapin ang lolo niya para lang manatili ako sa section na to. Alam ko namang walang pake si Ruki sa akin. Bakit niya naman gagawin para sa akin yun diba? Kinamumuhian niya ko. Mas maganda para sa kanya na umalis ako ng section na to.

"Hindi ko siya kakausapin para lang sa kanya. Bakit ko naman gagawin yun?" Tanong ni Ruki

Sobrang sakit pala no? Na ipagtulakan ka palayo ng taong gusto mo. Sobrang sakit na hindi ka importante sa kanya.

"Hindi mo naman kailangan hingin sa kanya yun, Jin. I'm willing to leave." Sabi ko

Napantingin sa akin si Jin na para bang kahit anong oras sasabog na siya sa galit. Ewan ko. Nalilito na ko sa mga inaakto niya. Noong nakaraang araw lang naman, parang wala lang ako sa kanya.

"I can't just let you leave like this, Ziah! Mahal kita. Hindi kita pwedeng hayaan ng ganito." Sabi ni Jin

Bakit kaya ganito kabait si Jin? Hindi siya palaging pwedeng maging ganito. Hindi ako pwedeng magpadala sa kanya.

"You can ignore me for days, Jin. Bakit hindi din ngayon?" Tanong ko

"Oo nga, Jin. Ano namang pake mo kung aalis na siya? You shouldn't care anymore." Sabi ni Ruki

Napahinga ako ng malalim. Gusto kong magalit kay Ruki pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya. Gustong gusto ko din siya sa saktan pero hindi ko kaya. Ang tangina bagay na magagawa ko ay ang lumayo sa kanya.

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat