Chapter 19

2.7K 83 1
                                    

Ziah's POV:)
I groggily opened my eyes to see that I was in an unfamiliar room. Napaupo ako sa kinahihigaan ko at tumingin sa paligid. It was just a plain white room with no designs hanged on the wall.

"I'm glad that you're awake." Sabi ng isang pamilyar na boses

Napatingin ako sa kung saan nanggaling yung boses at nakita si Ruki. Is this his room?

"Where am I?" Tanong ko

I looked at him to see him staring at me with his usual blank expression. Kailan ko nga ba siya nakitang ngumiti? Parang hindi pa yata. What was I expecting though? Na pag bukas ko nang mata ko bigla na lang siyang ngingiti? Kung ganon man yung mangyayari, parang bumagsak na yung langit at lupa.

"The hospital." Maikling sagot ni Ruki

Akala ko kwarto niya. Bakit naman nila ako din sa hospital? It's not like something bad happened to me. I'm completely fine. Just a few scratches.

"Why did you bring me here?" Tanong ko

Hinawakan ko yung mukha ko nang maalala kong may galos pala akong natamo dun. Naramdaman ko naman na may nakalagay na maliit na bandage.

"You got hurt and gusto rin ng kuya mo na ipa-admit ka dito sa hospital." Sagot ni Ruki

I got hurt but it's not that major. Hindi ko nga nararamdaman yung mga galos ko sa katawan ko e. Isa pa tong si kuya, napaka OA. Pwede namang magpahinga na lang ako sa bahay, kailangan talaga ipa-admit ako sa hospital? Daig ko pa yung nabugbog ng malala ah.

Nagulat naman ako nang may biglang pumasok sa kwarto ko. Nakita ko si Kuya. Nung napansin niyang gising na ako bigla siyang tumakbo papalapit sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"Ayos ka lang ba?" Natatarantang tanong ni Kuya

Gusto kong matawa sa reaksyon ngayon ni Kuya. Para namang hindi nangyari to sa akin dati. Noon kasi lagi din akong nabubugbog ng nanay ko. Nandoon naman palagi si Kuya para pigilan si mommy pero tuwing pinipigilan niya ito, siya naman ang nabubugbog. Marami na kaming pinagdaanan ni Kuya na magkasama. Buti nga medyo nag bago na si mommy e.

"Of course, I'm fine. Ang OA mo naman e. Pwede namang magpahinga na lang ako sa bahay. Hindi mo naman ako kailangang ipa-admit sa hospital." Sagot ko

Kulang na lang ipa-ICU ako neto ni Kuya. I understand na he's just worried, parang best friend ko na nga yan si Kuya e. Lahat nang naranasan ko, naranasan niya na rin. He doesn't have to act as if something major happened to me though.

"Paano naman kasi ako hindi magaalala? Pagdating mo sa bahay puro galos yang mukha mo. Putanginang Damon kasi yan e. Lakas nang tama na galusan yang maganda mong mukha." Naiiritang sabi ni Kuya

Parang ang sarap sa ears nung sinabi ni Kuya. Dati tingin niya sa akin sobrang panget ko tapos ngayong nagalusan lang yung mukha ko, biglang nagiba na yung tingin niya sa akin. Kung magpalagay kaya ako ng galos araw araw. Speaking of Damon, ano kayang ginawa sa kanya nila Ruki?

Narinig ko na nagbukas ulit yung pinto ko kaya napatingin ako sa gawing yun. Nakita ko namang pumasok sa kwarto ko lahat ng kaklase ko, kasama din nila si Z. Nandito din si Zander tsaka yung iba pa niyang mga kabarkada. Wala lang si Damon.

"Anong nangyari kay Damon? Nasan siya ngayon?" Tanong ko

"Bakit mo pa hinahanap yung isang yun?" Naiiritang taong ni Ruki

Bakit ba lagi siyang galit? Nagtatanong lang naman ako e. Ano namang masama kung hinahanap ko si Damon? Grabe ata galit netong isang to sa mundo e.

"Ano bang pake mo kung hinahanap ko siya? Concerned ako e." Sagot ko

Iniisip ko kasi na isang malaking misunderstanding lang yung nangyari sa amin. Hindi ko din naman alam yung rason kung bakit niya ginawa yun so wala akong karapatang mangjudge. Natuto na ko nung una. Pagkatapos sabihin sa akin ni Dia lahat nang nangyari kay Ruki.

"He's in room 207." Sabi ni Matt

I'm guessing na bugbog sarado siya kayla Ruki. They didn't have to do that though. Getting me out of there was enough.

"Bobo ka ba?! Bakit mo sinabi?" Naiiritang tanong ni Viel kay Matt

Matt just answered with a shrug. It's unfair though kung lahat sila pinagtulungan si Damon.

"What did you guys do to him?" Tanong ko

Alam ko namang pinagkatiwalaan siya nila Zander dahil magkaibigan sila but did they even ask him kung bakit niya ginawa sa akin yun?

"They taught him a lesson that he will never forget." Sagot ni Dia

Hindi ko siya nakita na kasama ng Section F kahapon but Viel probably told her everything she needs to know. After all, she's part of our section.

"Bibisitahin ko siya." Sabi ko

Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko pero bigla akong pinigilan ni Wayne. Ano nanamang problema netong mga to? Hindi deserve ni Damon ang ganitong treatment kahit may ginawa siyang masama. A person still deserves a second chance.

"No." Matigas na sabi ni Ruki

Ano bang problema nila? Bibisitahin ko lang naman yung tao, wala naman akong nakikitang masama dun. Para namang sasaktan ulit ako nung tao pagkatapos nung ginawa nila.

"Anong no. Pwede bang wag kang umepal? Bibisitahin ko lang naman yung tao e. Wala namang masama dun." Matigas kong sabi

Pag may sinabi akong gagawin ko, gagawin ko talaga. Labag man sa loob nilang lahat. Masyado na nilang kinawawa si Damon. Hindi na ko dadagdag dito. Hindi naman ako masyadong nagalusan ni Damon e.

"Ang tigas talaga nang ulo mo, Ziah. No nga diba." Sabi ni Jenric

Bakit ba nila ako pinagbabawalan na puntahan si Damon? I'm old enough to make my own decisions. Kahit nagawa sa akin ni Damon yun, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya.

"Bakit naman kita susundin? Boss ba kita? Hindi diba. Hahayaan niyo kong bisitahin siya o sasaktan ko sarili ko." Sabi ko bago ko kinuha yung kutsilyo sa harap ko at tinapat ito sa pulsuhan ko

"What the hell, Ziah. Bakit ba gustong gusto bisitahin siya? Why do you badly want to see him?" Tanong ni Nixon

Alam kong gusto nilang lumapit sa akin ngayon para kuhanin yung patalim pero tuwing hahakbang sila papalapit sa akin, mas lalo kong nilalapit yung patalim sa pulsuhan ko. Kung alam lang nila na hindi ko talaga kayang saktan sarili ko.

"He's still my friend." Sagot ko

Alam ko namang mukha akong tanga ngayon dahil sa ginagawa ko pero hindi ko naman masisisi yung tao. Hindi ko naman alam yung dahilan kung bakit niya nagawa sa akin yun e.

"After what he did?" Tanong ni Jett

"It doesn't matter. Hindi niya naman talaga ako nasaktan e and you don't even know the reason, why he did it. You're just too quick to judge." Sagot ko

I'm stubborn, I know. I just really want to know, how he's doing. A quick checkup wouldn't do any harm.

"Fine. I'll let you visit Damon but Kit will come with you." Pagpayag ni Ruki

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now