Chapter 18

2.7K 88 1
                                    

Ziah's POV:)
Ilang minuto na ang nakakalipas, hindi parin dumadating sila Ruki. Ayaw na ata akong pauwiin ng mga yun.

"Asan na ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Damon

Bobo ba siya? Mukha bang alam ko? Kung hindi siguro ako nakatali dito ngayon, sana alam ko kung nasaan sila diba? Anong klaseng katangahan kaya meron tong isang to.

"Mukha bang alam ko? Ikaw magtanong. May cellphone ka diba?" Sarkastiko kong sagot

Nagulat ako nung bigla niya akong sinampal. Napakagat ako sa labi ko dahil sa sakit. Naramdaman ko ding may tumulo mula dito, siguro konting dugo.

Tinignan ako nang masama ni Damon, bago niya nilabas yung cellphone niya mula sa bulsa niya. Agad niya naman itong pinasok pagkatapos niyang basahin yung text message na natanggap niya. Nandito na siguro sila.

"Nandito na sila." Sabi ni Damon

Bigla kong nakita na naglalakad papalapit sa amin lahat ng mga ka-section ko. Nagulat naman ako nung may biglang tinapat si Damon na blade sa leeg ko. Isang lunok ko lang patay na ko dito.

Pinigilan kong hindi lumunok dahil sobrang lapit talaga sa akin nung patalim na hawak ni Damon. Medyo nararamdaman ko na, na nagkakasugat na ko sa leeg.

"Ziah! Anong nangyari dyan sa mukha mo?" Tanong nung isa kong kaklase

Nararamdaman ko yung pagmamanhid ng pisngi ko.

"Tanong mo kay Damon. Medyo malakas tama sa ulo e. Ako pa napagtripan. Ano nga ulit name mo?" Sagot ko

"Duke Castro." Sabi niya

Sa totoo lang gusto ko na lang matulog ngayon. Kanina pa ko nakaupo dito dahil sa sobrang tagal nilang dumating.

"Dami niyong sabi, maglaban na lang tayo." Paghahamon ni Damon

Lakas naman pala talaga nang tama niya sa ulo. Siya nga kanina pa dumadaldal dito e. Pag hindi ko talaga napigilan sarili ko, wala na akong pake kung magilitan ako sa leeg. Masasapak ko tong lalaking to.

"Put the knife down." Paguutos ni Ruki

"Why would I? Takot ka ba na baka mapatay ko siya?" Tanong ni Damon

Ako mamatay? Kung siya kaya patayin ko.

"She's not going to die. Not today." Sabi ni Kit

Sweet na sana siya e kaso dinagdagan niya pa ng not today. Medyo inusog ko yung silya ko patalikod at hindi naman napansin ito ni Damon dahil nakatingin siya kayla Ruki.

Dahan dahan kong tinaas yung paa ko para sipain yung kamay niya na may hawak ng kutsilyo. Medyo nadaplisan yung mukha ko pero hindi ko na ito pinansin.

Tumayo ako pero nakatali pa rin ako sa silya. Lumapit ako kay Damon at pinalo ko siya gamit yung likod ng silya. Nung natumba na siya, mabagal akong nakatakbo papalapit kayla Ruki.

Nung nakalapit na ko sa kanila, dahan dahan nilang tinanggal yung pagkakatali ko sa silya. Nagulat ako nang biglang lumuhod si Kit sa harap ko pero nakatalikod siya sa akin.

"Sakay na, alam kong pagod ka." Sabi ni Kit

Pagkatapos niyang sabihin yun, agad akong sumakay sa likod niya at pinatong yung ulo ko sa balikat niya. Tama siya. Pagod na ako. Gustong gusto ko nang ipikit ang mga mata ko.

"Hintayin niyo na lang kami sa labas." Utos ni Ruki

Tumango na lang si Kit bilang tugon at naglakad na palabas. Napansin ko na nasa isang bodega pala kami. Hindi ko yun napansin nung nasa loob kami. Nung tuluyan na kaming nakalabas mula sa bodega, napansin ko na may nakapark na van sa labas. Mabagal na naglakad si Kit papunta sa van na iyon.

Nung nakarating naman kami dito, agad naman akong inalalayan nung iba kong mga kaklase na naghihintay sa loob ng van.

"Hi Ziah! Ako nga pala si Bailey Jones. Ako yung kapatid ni Eunice." Pagpapakilala nung isa kong kaklase na nasa drivers seat

Tumango na lang ako bilang tugon at umupo na sa may harap na silya. Tumingin ako sa labas at sinandal yung ulo ko sa bintana. Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko, kaya napalingon ako dito.

Nagkasalubong yung tingin naming dalawa ni Kit. Nakatingin siya sa akin nang may pagaalala sa kanyang mga mata. Ang hindi niya lang alam, sanay na sanay na kong makaramdam nang ganitong sakit dahil sinanay ako nang mga magulang ko.

"Are you okay?" Tanong ni Kit

Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya at sinarado ang mga mata ko. Ramdam ko yung kaba niya dahil bigla siyang umupo nang diretso.

"Yes, I'm fine." Sagot ko

Nararamdaman ko na parang hindi na humihinga si Kit ngayon. Siguro akala tulog na ko at ayaw niya kong magising. Hindi pa ko handang matulog, kailangan ko munang masigurado na ligtas silang lahat.

"Natakot ako. Natakot ako dahil baka saktan ka niya. Nung nakita kong nagalusan ka niya, gustong gusto ko siyang suntukin. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kita. I just do. I like you so much to the point where, I can't stop caring about you. Hindi ko magawang sabihin sayo dahil ayokong masira pagkakaibigan natin. I don't know why I can't stop liking you but know this, I'll always be here for you. I'll even do everything for you." Sabi ni Kit

Kaya siguro siya nagkaroon nang lakas sabihin to dahil akala niya tulog na ako. He just confessed his feelings to me. Siguro kung gusto ko pa siya, kikiligin ako pero right now, I feel sad. Hindi ko siya kayang pasayahin katulad nang ginagawa niya para sa akin. Gusto ko siya noon dahil sobrang bait niya. Siya pa nga yung unang taong lumapit sa akin nung bago pa lang ako sa section namin pero ngayon hanggang sa mag best friends na lang yung kaya kong ibigay sa kanya.

Nararamdaman ko na unti unting tumutulo yung luha mula sa mga mata ko. Shit. Baka malaman niyang gising ako. Hindi din naman ako pwedeng gumalaw para punasan yung luha ko dahil malalaman niyang gising talaga ako. I don't want it to get awkward between the two of us.

Nagulat ako nung may bigla akong naramdaman na mainit na kamay na nagpupunas sa luha ko. Nasasaktan ako kasi nalaman kong nasasaktan ko din ang best friend ko.

"It looks like you're having a bad dream. Wag ka nang umiyak. Nandito lang ako para sayo kahit anong mangyari." Sabi ni Kit

Kung kaya ko lang ma-control feelings ko, sana nasuklian ko na yung nararamdam niya para sa akin. Ang dami ko nang nasaktan, ayoko na siyang dumagdag pa dun.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
here's another update for you. i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon