Kabanata 42

72.6K 1.5K 56
                                    

"Carly!" Napalingon si Carly sa kanyang gilid ng marinig ang nagaalalang boses ng mga kaibigan.

Nanghihinang napatayo siya mula sa upuan na nasa tabi lamang ng operating room kung nasaan ang asawa niya ngayon at critical ang lagay.

Agad siyang binalot ng yakap ni Annisa at hindi niya mapigilan ang muling mapaiyak. Hanggang ngayon ay hindi parin tuluyang pumapasok sa isip niya ang nangyari. She feels like it never happened.

"Kamusta si Chance? I heard what happened, Oh my God." Nagaalalang wika ni Annisa sa kanya. Kasama nito si Duke, Leo, Alora, Hunter and Nika. Si Chase ay nasa loob rin ng ER habang ang mga magulang ni Chance na nasa Europe ay pauwi narin ng Pilipinas.

Habang ang anak nila ay dinala niya muna sa bahay ng mommy niya dahil ayaw niyang makita ng anak ang nangyari sa papa nito. Chester's heart will break.

"I-I don't know, Annisa. Hindi.. Hindi parin sila lumalabas sa OR." Naiiyak na wika niya.

"Where the fvck is Ann?" Mapanganib na tanong ni Hunter.

Umiling siya sapat na upang malaman ng mga kaibigan niya ang nangyari. Ann declared as DOA. While Chance was luckily brought to the hospital at agad na dinala sa OR.

"What the fvck is happening. Last time, si Leo ang nasa loob ng OR at na coma ng ilang buwan! Ngayon naman si Chance? The hell?" Duke hissed habang napahilamos sa mukha nito.

Ilang oras pa sila naghintay bago lumabas ang doktor na nag operate rito kasama si Chase.

Mabilis silang lumapit sa mga ito.

"K-kamusta ang asawa ko? He-he's okay right?" Nanginginig na wika niya sa doktor nito. Hindi niya alam kung kakayanin niya ba kung may mangyari sa kanyang asawa. It would kill her.

The doctor sighed heavily as he remove his mask. Ganoon din ang ginawa ni Chase na walang emosyon at nakatulala lamang.

"We already remove the bullet." Nakahinga siya ng maluwag ngunit ang sunod na sinabi ng doktor ang nagpalambot sa kanya.

"But Mr McLenan is still in danger. Sobrang lapit ng bala na iyon sa puso niya and we should thank God because it didn't damage his heart. Sa ngayon ay naka respirator ang asawa niyo upang tulungan siya sa paghinga and we are still waiting for him to wake up. Sa ngayon ay ililipat namin siya sa ICU upang masuri ng maayos."

"But he will b-be fine right?" She asked in hopeful voice.

The doctor sadly looked at her. "I'm not going to flatter you Mrs McLenan. Ayoko kayong paasahin sa bagay na hindi ako sigurado. Let's just pray for him to wake up and everything would be okay."

The doctor excuse his self habang siya ay muling napaupo sa upuan dahil sa panghihina. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling mawala si Chance. Hindi pa nga sila nakakapagsimula ng panibagong buhay kasama ang anak ay ito naman ang nangyari.

Naramdaman niya ang pagyakap ng kaibigan. "Everything will be alright, Carly. Gagaling si Chance at magiging maayos siya." Alora tried to assured her ngunit wala siyang naging sagot.
Hindi siya mapapanatag hanggat hindi si Chance ang magsasabi nito sa kanya.

Ilang minuto pa at inilipat na si Chance sa ICU habang sila ay nasa labas lamang nito at tanaw lamang nila so Chance mula sa malaking salamin na nakapagitan sa kwarto at labas. Halos manlumo siya ng makita ang asawa na walang malay at iba't-ibang tubo ang nakakabit sa katawan nito.

Dahil hindi niya kayang makita ang kalagayan nito ay umalis siya at nagtungo sa chapel. Umupo siya roon at nagdasal. She feels like she's very hopeless now and only God can help her so she pray hard for his safety.

She nevel blamed God on everything happened to her. Noong minaltrato siya ng ama o nung lumayas siya at nagtago ay hindi niya kailanman sinini ang panginoon sa mga nangyari sa kanya. Instead, she asked helped for him at ngayon ay iyon nanaman ang gagawin niya.

She can't loss him. Lalo pa at may anak na sila at nagsisimula na sila ng bagong buhay. they even plan to get married again.

Makalipas ang isang oras ay muli siyang bumalik sa kwarto ng asawa. Wala na ang mga kaibigan niya ngunit naroon ang mga kanyang tito kasama ang pinsan niya na si Jared. Mabilis siyang lumapit sa mga ito at yumakap sa kanyang tito na agad din siyang binalot ng yakap.

"How are you, Carly?" Her tito asked her.

Naiiyak na tumango siya. "B-but Chance is not okay tito... He's in danger and I don't know what to do." Naiiyak na wika rito.

"He will be okay, Carly. Don't think too much and just wait for him to wake up. Kailangan ay nasa tabi ka niya kapag nagising siya." Paalala nito sa kanya.

Si Jared naman ay tinapik siya sa balikat. Malungkot na nilingon niya ito. "I don't like him but... I hope we will be fine." Seryosong wika nito. Kahit papaano ay napangiti siya sa sinabi ng pinsan.

"How's CL? Okay lang ba siya?" She asked.

"He's with your Mom. He's okay but he is looking for you and Chance." Saad ng kanyang tito.

Tumango siya at muling napaluha. Her poor son doesn't know anything about what happened and sheseokay with it.

Kinabukasan ay dumating ang mga magulang ni Chance. They both look scared. Ang Mommy nito ay naluluha habang nakatanaw sa anak na hanggang ngayon ay walang malay habang ang Daddy naman ni Chance ay kausap ang mga doctor nito upang makibalita sa kalagayan ni ng Anak.

"I didn't know Ann can do this to him." Naluluhang wika ng ginang.

Hinaplos niya ang braso nito upang pakalmahin.

"How can she do this? Thank God she's dead because if not, ako ang papatay sa kanya." She hissed.

Hindi na lamang siya nagsalita. Alam niyang galit ito lalo pa at anak nito ang nasa kama na iyon at walang malay. Kahit siya naman ay hindi ipagkakaila na nagpapasalamat siya na napatay si Ann dahil baka siya rin ang gumawa ng dahilan upang mawala ito.

Maya-maya pa ay dumating na ang daddy ni Chance.

"How's your son, Chris? Magigising na ba siya?" Mrs McLenan asked her husband.

Napabuntong hinimga ito at umiling. "No one can tell kung kailan magigising si Chance but he's alright. Maayos ang vital signs niya ay maayos narin at ang sugat na natamo niya sa dibdib. We just need to wait for him to be awake."

Sa tingin niya ay medyo nakahinga na siya ng maluwag dahil sa sinabi ng kanyang father-in-law. Ang gusto na lamang niya ngayon ay magising ito at maging maayos.

Isang linggo matapos ang nangyari ay abala siya sa pagpupunas ng mga kamay at binti ng asawa. Hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising at isang linggo narin itong hinahanap ng kanilang anak. Hindi niya pa kailanman nadala si Chester dito dahil ayaw niya na makita ng anak ang ganitong kalagayan ng daddy nito. She just prayed na sana ay magising na ito upang makita na ito ng anak dahil alam niya na miss na miss na ito ni Chester.

She was about to finish her job when she heard a long machine sound. Gulat siyang napalingon sa life support machine nito at halos takasan siya ng ulirat ng makita niya ang unti-unting pag flat line nito. Mabilis na pinindot niya ang emercy button sa gilid ng kama.

"Chance! Don't do this to me, baby!" She cried habang hawak ang kamay nito.

Ilang segundo pa lamang ay humahangos na dumating ang mga doktor at nurse upang asikasuhin ang kanyang asawa. Isa sa mga nurse at inilayo sa asawa habang nirerevive ito ng mga doktor.

She was shaking terribly habang naririnig ang matinis na tunog ng machine at ang mga sigawam ng mga doktor. She was about to fall when she felt a grip arm around her shoulder. Sa lumuluhang mata ay nilingon niya ang sumalo sa kanya.

"Pierre." She cried out habang yumayakap sa kaibigan. "Pierre... Do something." Umiiyak na wika niya rito.

Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanyang kung mawala si Chance. Hindi niya kakayanin ito.

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon