Kabanata 29

71.3K 1.9K 297
                                    

"K-kailan ka babalik?" Nakangiting wika ina ni Carly habang nasa sala sila.

Ngumiti siya at hinalikan ang kamay ng ina. "Soon... Uuwi lang po ako upang sabihin ang dalawang masayang balita sa kanya." Nakangiting wika niya.

Nakita niya ang purong kaligayahan sa mga mata ng ina. Sa dalawang linggo nilang pagsasama ay mas naging maayos at malakas ito. Medyo maayos narin ang pananalita nito at mas lalong sumisigla.

Sa loob kasi ng dalawang linggo ay halos dito na tumira ang kanyang Tito upang alagaan ang nakababatang kapatid. Pati si Jared ay nagtungo narin dito upang makilala ang tiyahin.

"Babalik po ako kaagad at dadalhin ko na po ang asawa ko para makilala niyo."

Tumawa ang ina. "I like that... And I hope so, he will be surprised with your n-news." Magiliw na wika nito. Tumawa siya at tumango sa ina. 

Ilang minuto pa at dumating na si Jared. Sabay silang uuwi ng pilipinas. Nagpaalam siya sa ina at agad silang nagtungo sa airport.

"Natawagan mo na ba?" Tanong sa kanya ng pinsan.

Malungkot na napabuntong hininga siya at umiling. Isang linggo na kasing hindi tumatawag ang asawa niya sa kanya. Noong tinawagan niya ang sekretarya nito ay sinabing abala sa kompanya kaya hindi na siya nagpumilit. Hindi niya alam kung magtampo ba ito dahil nag extend pa siya ng isang linggo rito dahil na kagustuhan ng ina.

"Well, maybe he's busy? After all, unti-unti nang bumabangon ang kompanya niya." Wika ni Jared. Tumango na lamang siya.

Matapos ang halos kalahating araw na byahe ay nakarating narin sila sa pilipinas. Hindi niya sinabi sa asawa na uuwi siya dahil gusto niya itong surprisahin. Pinahatid siya ng pinsan sa driver nito patungo sa bahay nila ng asawa. Alas sais pa lamang ng umaga kaya tiyak niyang nasa bahay pa ito.

Excited na umakyat siya sa itaas. Binalak niyang buksan ang pinto ngunit mali ang password. Napakunot siya ng noo at inulit ito ngunit invalid parin. Naisip niya na pinalitan ng asawa ang password kaya wala siyang nagawa kung hindi mag doorbell.

Halos dalawang minuto siyang nag door bell bago bumukas ang pinto. She smiled widely at handa na sanang sunggaban ang asawa kung hindi lamang siya natigilan sa nakita.

"Oh! It's you." Bored na wika ni Ann sa kanya habang nakangisi.

Nanlambot siya sa nakita. Nakatapis lamang kasi ito ng kumot sa katawan at halatang galing sa kama.

Nakaramdam siya ng kaba ngunit mas nangibabaw ang galit. "What are you doing here?" She asked flatly.

"Ikaw? Anong ginawa mo rito?"

Tila napantig and teynga niya sa narinig. "This is our home." Matigas na wika niya.

Ann laugh sarcastically. "Your home? I don't think so. Dahil sa pag kakaalam ko, pinalayas kana ni Chance... Are you not informed? Chance threw all of your belongings here." Mapang-asar na wika nito.

Sa galit niya ay tinabig niya ito at pumasok sa loob. Rinig niya pa ang pag angal nito at pagtawag sa kanya. Hindi siya naniniwala rito! Ngunit halos nanlambot siya sa nakita. Wala na ang mga picture frames na nasa pader. Wala narin roon ang mga litratong kinuhanan niya.

Nagtungo siya sa kanilang kwarto at kahit nanlalambot ay nagawa niyang tumingin sa paligid. She sucked a deep painful breath when she notice the room. Their room.

Wala na roon ang mga personal na gamit niya. Binuksan niya ang cabinet at nakitang wala na ni isang damit o gamit niya roon at tuluyan na siyang napaluha ng hindi niya makita ang malaking larawan nila ni Chance noong nasa Cavite sila at sinorpresa siya. Wala na ang lahat.

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon