Kabanata 28

64.4K 1.5K 19
                                    

"We're here." Anunsyo sa kanya si Pierre. Tinanggal nito ang seatbelt at lumingon sa kanya.

Napakurap siya at napatingin sa labas ng sasakyan. Sa harap niya ay isang modernong house.

"You okay?" Tanong sa kanya ni Pierre.

Napalunok siya. Ngayon niya naramdaman ang matinding kaba. Finally, after 25 years of existing and 16 hours of waiting, she will finally see her mother.

"Y-yeah..."

Tumango si Pierre at lumabas ng sasakyan. Agad siyang sumunod rito. Sa bukana ng pintuan ay nakatayo ang isang sopistikadang babae na nasa mid 50's wearing a elegant white dress. Ang mabait at malambing na ngiti nito ang sumalobong sa kanila.

"My, son...." Teary eyed na lumapit ang ginang sa binata at hinalikan ang magkabilang pisngi nito. "I miss you." Madramang wika nito.

Kung hindi lamang siya kinakabahan ah baka natawa na siya. Mukha kasing naiilang ang binata sa ginagawa ng ina nito.

"M-mom..." Marahan na inilayo ni Pierre ang ina at itinuro siya.

The woman smiled warmly at her. "You must be Carlinda." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang kamay niya. "Finally, I'm happy to meet you, dear." Masayang bati nito.

Ngumiti siya rito. "I-i'm happy to meet you too, Madam-"

"Just call me Tita Lyka."

Tumango siya. "Tita Lyka."

"You want to take a rest? Or you want to finally meet your mom? She's upstairs and taking her rest."

Muli siyang nakaramdam ng kaba.

"I-i want to meet here." Nauutal na wika niya. She think she looks pale and uncertain.

"Okay.." Lumingon ito sa anak. "Dalhin mo siya sa mama niya." Utos nito sa anak. Gusto niya sanang punain ang pagtatagalog nito but she's too preoccupied.

Hinawakan ni Pierre ang kamay niya at iginaya sa itaas ng bahay.

"Sa dulong pinto na may puting kulay ang kwarto ng mama mo. You want to me accompany you?" Marahan na tanong nito. 

Umiling siya. She want to do this on her own. Pierre sighed. "Okay... Good luck and please... Be gentle to her."

Tumango siya at lumapit sa sinasabing pinto nito. Ilang minuto siyang tumitig sa door knob, nag da-dalawang isip kung pipihitin niya ba Ito. Ngunit bago pa siya makapag desisyon ay bumakas na ito at lumabas ang isang banyagang babae na nakaputing damit. It must be her mother's nurse.

The lady smiled at her. "Good afternoon..." Bati nito.

She smiled and nodded her head. "G-good afternoon..."

"She's awake... You can see her if you want." Masayang saad nito at niluwagan ang pinto.

Napalunok siya. Mukha atang alam nadin ng nurse kung sino siya. Ilang segundo pa at nagpaalam na ito na aalis leaving the door, wide open.

Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa loob. Nakita niya ang maaliwalas na puting kwarto. Sa gitna ay isang Queen size bed na kulay beige at sa tabi nito ay isang cabinet na puro medical supply. Napaamang siya ng makita ang litrato niya noong kasal niya kay Chance. Sa larawan ay nakangiti siya na nakaharap sa Tito niya at kay Jared..

"C-carly."

Napalingon siya sa kanyang likuran ng marinig niya ang isang mahinang boses ng babae.

Sa balcony ay naroon ang isang babae na tingin niya ay nasa 50's na ang edad ngunit hindi mapagkakaila ang gandang taglay nito. Ang itim na itim na buhok nito ay nakatirintas sa gilid nito. Nakaupo ito sa isang wheelchair habang lumuluhang nakatitig sa kanya. Iniangat nito ang isang kamay like she was trying to reach her.

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon