Kabanata 23

71.2K 1.7K 49
                                    

WARNING!! MATURED CONTENT! READ ON YOUR OWN RISK!!!

Carly woke up when she felt something tickling her neck. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. 

Akmang babangon siya ng may matigas na kamay ang nakadagan sa kanyang tiyan. Napatingin siya sa katabi at bumungad sa kanyang harapan ang nakapikit na mata ng asawa.

Sinubukan niyang alisin ang kamay nito ngunit hindi man lamang ito natinag. Alam niyang gising na ito. "Chance... I need to get up." Wika niya.

He moaned and nuzzled her neck. "Five more minutes.... It's too early." Dahilan nito.

"Chance... Babalik na tayo sa Manila.." Mahinahon na wika niya.

He groaned bago siya binitawan at walang buhay na bumangon. Napailing na lamang siya at tumayo upang yakapin ito mula sa likuran. "Good morning, my cold fish husband." She whispered and kissed his cheek.

Napangisi ito at humarap sa kanya. He kissed her lips fully. Napansin siya. "Chance nga! Kakagising ko lang!" She hissed.

Ngumisi ito. "Good morning too, my baby." He said. Pinamulahan siya. Hanggang ngayon ay naninibago parin siya rito.

"M-mag ayos na nga ko!" Nahihiyang wika niya bago tumakbo patungo sa kanilang banyo.

Nang makalabas siya ay wala na ang asawa sa kwarto. Agad din siyang bumaba upang mag-agahan. Mamayang hapon sila b-byahe patungo sa Manila.

Nang makarating sa hapag ay narinig niya na agad ang hagikhikan ng mga bata. Napangiti siya. Naabutan niya ang mag asawang Clive at Olivia na Masayang nakikipag laro sa mga anak nila. Si Chance naman ay tahimik na nakamasid lamang. She wonder if they can experience being a parent.

Nang mapansin siya ng mga ito ay ngumiti siya at lumapit sa mga ito. She greeted Clive and Olivia habang hinalikan naman niya sa pisngi ang mga bata.

"So, uuwi na kayo?" Olivia asked sadly.

Napatango siya. "Yes.. Marami kaming naiwan na mga trabaho."

"Sayang naman. Halos two weeks lamang kayo dito." Malungkot na wika nito.

Siya rin naman ay nalulungkot. Kung pwede lamang na dito na sila tumira ngunit naroon sa manila ang trabaho at pamilya nila. It would be hard for them to transfer here. Sa loob kasi ng dalawang linggo nilang pamamalagi rito ay napamahal na siya sa islang ito. Lalo na ang mga tao na narito na ubod ng bait and most especially the kids.

"Don't worry. Babalik kami ulit dito. You know... I love this place na." She said to assure her. Naging close sila ni Aura sa loob ng dalawang linggo. Napakabait nito at masaya kausap. She suddenly missed her two best friend in Manila. Siguradong magkakasundo din ang mga ito at si Olivia.

Noong matapos sila ay bumalik siya sa kwarto upang mag-ayos ng mga gamit. Sa bahay nila Clive sila kakain ng tanghalian at tutulong siya kay Olivia sa pagluluto kaya kailangan niyang ayusin ang mga gamit nila ng maaga.

Nasa gitna siya ng pagtutupi ng kanilang mga damit ng pumasok ang asawa. Wala na ang benda nito sa kamay at sa talampakan. Nagtungo sila sa bayan upang ipatingin ang sugat nito noong nakaraang araw. Okay na daw at naghilom na ang mga sugat nito.

Umupo ito sa tabi niya at yumakap sa kanya. "I don't want to go home." Reklamo nito.

Napangiti siya. "Hindi pwede. The firm needs you. And I need to help Paul to our event next week."

Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito. "First name basis huh?" He mocked.

"Selos ka naman? He's just my friend and business partner, Chance... He's a nice guy also."

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon