" You know Dad Ate, alam mong hindi niya malalagpasin ito, he's strict and stern pero alam mong ayaw na ayaw niyang nasasaktan tayo. Hindi ko din sinabi sayo dahil ayoko ng bigyan ka ng problema at alalahanin, maayos kana, finally masaya kana at ayokong sirain yon. I want to do this fight alone pero one day Tita Choleen came at nagpapasalamat ako dahil tinulungan niya ako. This will be over soon. I'm sorry." ayokong isipin ni Ate na hindi ko siya pinagkakatiwalaan.

" I'll leave you two alone. Wag kayong mag away." lumabas si Tita.

" Just make sure you won't put yourself in danger Isabelle and end up in jail. You could have told Dad about this, ayokong ipinapahamak mo ang sarili mo." alam kong nagaalala lang siya.

" I didn't do anything illegal Ate, I know better, this people need to pay for what they did to me. " I told her about the plan.

" Dapat nereport mo nalang ang mga yon sa Pulis, we have the best Lawyers at sigurado akong maipakukulong sila." mabuti nalang talaga hindi niya agad nalaman ang tungkol dito.

" That's way to easy Ate, bailable ang slander. Wag ka ng magworry, this will be over after the Party." natahimik ito.

" Mama told me about the Company, anong balak mo? Ipapasara mo ba?" umiling ako.

" No Ate, maraming tao ang umaasa sa kompanyang yon at may mga kaibigan akong nagtatrabaho doon. Pagkatapos ng Party, I'll talk to Dad about it, pwede naman nating palitan ang pangalan nito and put under RGC." para bukod sa Advertising, Exports, Real Estates Developing at RGC Hotels and Resorts, may Mall narin.

" Bakit kasi hindi mo nalang sinabi kung sino ka talaga?, in that way malalaman ng iba na mali ang mga naging paratang nila sayo. Wala silang karapatang saktan ka pero dapat hindi mo sila hinayaan." sadyang masama lang talaga ang budhi lalo na ng Dragona.

" Ayoko namang tanggapin nila ako dahil nagkataong mayaman pala ako Ate. I'm planning to tell Lorenzo the truth pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Hinusgahan ako ng unang lalaking minahal ko Ate. Hindi niya manlang nagawang pakinggan, ang mga paliwanag ko." bumabalik na naman ang sakit na pilit kong ibinabaon.

I blinked my eyes para iwasang maiyak. Hindi na ulit ako iiyak dahil sa kanya. Pero tuluyan lang pumatak ang mga luha ko ng yakapin ako ni Ate.

" I'm sorry Isabelle, hindi nangyari ang lahat ng ito kung hindi dahil sakin. Umalis noon dahil sakin, ako ang dahilan kung bakit pinili mong lumayo. " umiling ako.

" Wala kang kasalanan Ate, desisyon ko na umalis. Nakatulong din naman sakin ng malaki ang mga nangyari. Kalimutan na natin yon. Wag ka ng magalala, hindi naman ako papatay ng tao." biro ko. Pinahid ko narin ang mga luha ko. She's crying too..

" I can't wait to meet this people lalo na yong Lorenzo, malay mo pagkatapos ng lahat ng ito, magkaayos pa kayo." aniya. I rolled my eyes.

Para siyang si Mommy. Sinabi ko na nga na sinaktan at lahat ako ni Leviste, interesado parin silang makilala siya.

" Hindi mangyayari yang sinasabi mo Ate." hindi naman kasi nila alam ang panglalapastangan sakin ni Lorenzo.
" I'm hungry.." pagiiba ko sa usapan.

" Let's go home, for sure naghanda si Mommy ng tanghalian at umuwi ka." kinuha niya ang bag at hinila ako palabas. " I miss you Isabelle.." pinangigilan ni Ate ang pisngi ko.

" Ewww, laway Ate.." pinahiran ko ang pisngi ko gamit ang palad ko. Pero namiss ko din siya. Minsan mas masarap nalang maging bata gaya ng dati, magkakasama lang kaming naglalaro at walang inaalala sa buhay.

Paguwi namin ay amoy ko na agad ang mga pagkain mula sa sala. Iniwan ko si Ate at mabilis na tinungo ang dinning area.

" Wow Fiesta!" lalo akong ginutom sa mga inihanda ni Mommy na nakaayos na sa lamesa. " OMG Sinigang! Let's eat!" hinagilap ko ang hand sanitizer sa bag ko at naglagay saka mabilis na umupo sa dating pwesto ko.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon