Chapter 17

1.4K 83 2
                                    

One week before Christmas ball, abala ang lahat sa paghahanda. After the ball christmas vacation na nila. Matagal ng sinabi sa kanila ng class adviser nila yong about sa Christmas ball. But until now, hindi pa rin siya nakakapag decide kung a-attend ba siya.

First, she needs a date. But the thing is, walang nagkakamaling alokin siyang ka date sa ball ni isa man sa mga classmates niya. Napailing na lang siya ng maalala yong sinabi sa kanya nila Alyssa na sinang-ayunan naman ng iba pa nilang mga kaibigan.

Yes you're incridibly beautiful. No question about it but look Ash, you're too intimidating, kaya naalangan ang mga classmates nating guys na ayain ka. At napakadalang mong ngumiti. Akala tuloy nila suplada ka.

Okay let me rephrase it, you smiled a lot when no one's around us. Yong tayo-tayo lang, sa harap nila Miguel at Lorraine. And hey! Kahit kay Dean rin. Pero kapag sa harap ng iba, napaka stiff mo.

Eh, ano naman ang magagawa niya kung ganito na talaga siya. Ah, she'd been living like this for almost two years now. She'd been living like a walking zombie. And she had to admit that she was kinda used to it.

She sighed. Pupunta ba ako o hindi?

She started to walked na walang solidong pagpapasya kung pupunta ba siya o hindi sa ball. Bahala na nga.

She's now heading their club when she stopped. Hindi siya mapakaniwala sa nakikita niyang taong naglalakad palapit sa kanya ngayon. She felt numb. Part of her telling her to move but it's no use dahil hindi niya na magawang gumalaw pa.

Hanggang sa makalapit ang taong ni sa hinagap makikita niya pa at mas lalong ayaw niya ng makita sana. Pero agad niya ring naisip na hindi bahang buhay na maiiwasan niya ang pagkakataong ganito.

Kasing linaw ng tubig na bigla na lang umagos sa balintataw niya ang mga masasakit na ala-ala. Bigla niyang iniiwas ang paningin dito ng tuluyan na itong makalapit sa kanya.

Of all people, si Justin ang taong never niyang inaasahan na magtatravel pa ng napakalayo para lang puntahan siya. Ito na mismo ang tumapos sa matagal na pananahimik nilang dalawa. She never expected to feel the pain again.

"Ashley."

"What the hell are you doing here?"

"Can we talk?"

"We're talking already."

"I mean, privately."

"What for? The last time I checked we're through. So, I don't think--"

"Please. Let me explain, at least. And hear my side first."

"Yeah right. I believe I deserve an explanation after what you did to me. I'm giving you fifteen minutes to talk and explain."

Hindi niya naiwasang maging sarcastic dito ng sabihin iyon. Wala kasi siyang napaglabasan ng sama ng loob ng mangyari iyon dahil namatay ang mama niya. Hindi niya na nagawang magsabi rito o kahit kanino kaya sinarili niya na lang.

"Ash."

"Your time is running, so you better start talking now."

Pinakinggan niya lahat ng sinabi nito, pero ni wala yata siyang naintindihan sa dami ng sinabi nito. Isa lang ang malinaw sa kanya nagsinungaling ito sa kanya.

Ano nga ulit ang sinabi nito? Pinagpustahan lang siya ng mga kaibigan nito kung mapapasagot siya nito. Isa siyang malaking challenged para dito dahil ni isang lalake walang nakaporma sa kanya.

Na kaya ito naririto ngayon sa Pilipinas at nasa harapan niya upang humingi ng kapatawaran. Napagtanto raw nitong mali ang ginawa nito. At sa huli nag backfire dito ang ginawa sa kanya dahil minahal din siya nito.

Taming Miss Ice Princess's Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon