Chapter 10

1.6K 109 0
                                    

Sobrang nababagot si Ashley kaya naman pumunta na lang siya sa dati niyang tinatambayan. Sa library niya sana balak magpalipas ng oras kaya lang medyo maraming tao sa loob.

Irregular class for the whole week dahil sa Intramurals kaya andito siya ngayon sa likod ng Botany room. Ang sabi ng teacher nila kanina bago sila i-dismiss, sumali daw sila sa club ng school at dapat daw lahat sila magpaparticipate. 

''Saang club naman kaya ako sasali?"

Akala niya pa naman hindi required. Kinuha niya na lang ang sketch pad niya at nagsimulang mag sketch. Katatapos niya pa lang ng may maramdaman siyang papalapit na mga yabag. Hindi siya nag-abalang tingnan kung sino ito dahil alam niyang si Lorraine iyon.

"Hi!"

Napaangat ng tingin si Ashley mula sa pagkakayuko niya upang mapagsino ang nagsalita mula sa kaniyang tagiliran. Si Lorraine ang inaasahan niyang dumating at hindi ang taong nandito ngayon. Si Dean.

"What are you doing here?"

Instead na sagutin ang pagbati nito sa kaniya, iyon ang namutawing salita sa bibig niya.

"Ha? Ahm.. Ano.. Ano, kuwan kasi.."

"What?"

Nakakunot na ang noong tanong ni Ashley kay Dean. Hindi niya lang kasi lubos maisip kung ano ang kailangan nito sa kaniya gayong una sa lahat hindi naman sila close. They aren't even friends.

"Kasi--"

"Hey, guys!"

Hindi na naituloy pa ni Dean ang sasabihin niya dahil dumating sila Lorraine at Miguel. Pabor din sa kaniya para hindi niya na kailangang sagutin si Ashley kung bakit siya naririto.

"Kanina pa namin kayo hinahanap, andito lang pala kayo."

Bagamat nakangiti si Miguel ng sanihin iyon, alam ni Dean na may ibig pa itong ipakahugunan. Mapanudyo kasi ang ibinibigay nitong tingin sa kaniya.

Tinitigan niya tuloy ito ng masama sabay sulyap sa gawi nila Lorraine at Ashley. Mukhang wala namang napansin ang mga ito sa makahulugang palitan nila ng tingin ni Miguel.

"Ash, saan club mo balak sumali?"

"I'm not sure yet."

"Sa drama club ka na lang sumali para magkasama tayo at sasamahan pa kitang magpalista."

"I'll think about it."

Nakikinig lang sila Dean at Miguel sa usapan ng dalawa. Hindi tuloy maiwasan ni Dean na mapatingin sa mga ito.

Kung hindi siya nagkakamali ng obserbasiyon, hindi interesadong sumali si Ashley sa kahit na anong club.

Sabay-sabay pa silang apat na napatingin sa dumating. Ayos na sama kung hindi lang dumating si Trixie, mukhang masisira na ang araw niya.

"Hi, Dean!"

Maarte nitong bati at todo poise na naglakad palapit sa kinauupuan nilang apat.

Bigla siyang napatingin kay Lorraine ng makita itong sumimangot. Alam niyang magkaaway ito at si Trixie. Kaya tiningnan niya si Miguel para balaan sa maaaring mangyari na agad din namang lumapit kay Lorraine.

"Hi!"

Labas sa ilong na bati niya rin dito. Maarte itong naupo sa tabi niya at sabay pa-cute at papungay ng mga mata.

Gusto niya tuloy humagalpak ng tawa sa ginawa nito. Imbes na kiligin siya, nanindig pa ang mga balahibo niya sa katawan.

Akala ba talaga nito papatulan niya ito. Kahit pa sabihin ng lahat na  nandirito ngayon sa school nila na ito ang pinaka hot at Campus Queen sa High School Department, wala pa rin itong appeal sa kaniya.

Hindi ito kagaya ni Ashley, kahit hindi mag ayos stand out pa rin ang ganda nito. Napangiti siya ng pamansing parang wala itong pakialam sa paligid.

"Ahm, Dean pwede bang ikaw na lang kunin kong escort?"

Napabalik ang tingin ni Dean kay Trixie ng magsalita ito.

"Sorry, but I'm busy. Siya nga pala Migs, may practice pa tayo di ba? Tara na baka ma-late pa tayo."

Hindi pa man nakakatugon si Miguel tumalikod na siya. Para makalayo na agad siya kay Trixie. Si Miguel naman hinila si Lorraine, kaya hinila din ni Lorraine si Ashley.

Ang siste para silang naglalarong tatlo ng tug of war. Napasunod na lang tuloy si Ashley. Pangalawang beses na itong napapasama sa mga ito ng laging ganun ang eksena.

Napahinto sa paglalakad si Ashley ng madaanan nila ang pinaka malapit na comfort room kaya hinila niya na ang sariling kamay mula sa pagkakahawak ni Lorraine.

"You go ahead guys, magsi-C.R lang muna ako."

Ang totoo niyan, nag dahilan lang siya na magsi-C.R. Hindi naman talaga niya kailangan yon. Gusto niya lang humiwalay sa dalawa.

Napailing na lang siya sa ginawa kanina ni Lorraine. Pati ba naman siya hinila din nito. Paano na lang kung may makakita pala sa kanilang ibang mga estudyante?

Baka isipin pa ng ibang umeeksina pa siya sa dalawa gayong halata namang may namamagitan na sa mga ito. A romantic one.

Three is a crowd. Kaya nagkunwari siyang pupunta dito sa C.R. dahil alam niyang kalabisan na siya dun.

Papunta na sana siya sa gym para sundan sina Lorraine ng tumunog ang cellphone niya kaya tumigil siya sa paglalakad para sagutin ang tawag.

"Yes, hello?"

"Where are you?"

Napakunot siya ng noo at tiningnan ang cellphone niya kung sino ang caller niya. Though she have an idea who's that. At hindi nga siya nagkamali. Ang kaniyang papa.

"Why?"

"Come home early. We have a visitor."

"V.I.P ba at kailangan pang nandiyan ako? Hindi naman na siguro kailangan ang presence ko ng bisita niyo."

"I'll hang up now. Hihintayin ka namin. Bye."

Damn! You don't have any right para utusan at sabihin kung anong gagawin ko!

Maghintay ka sa wala papa, para maramdaman mo din ang naramdaman namin ng mama sa paghihitay saiyo noon.

Ang mag hintay ng walang kasiguradohan kung darating ka pa ba ito o hindi na.

Napakurap siya ng maramdaman ang mainit na likidong bumalong sa kaniyang pisngi. Lahat ng kinikimkim niyang galit para sa ama ay biglang lumabas.

Imbes na umuwi gaya ng bilin ng kaniyang ama. Bumalik na lang siya sa pinanggalingan nila kanina at doon pinalipas ang mga oras.

Pinanuod ang paglubog ng araw. Dati rati, iyon ang pinaka-magandang tanawin para sa kaniya.

Dahil naniniwala siyang maganda ang isinisimbolo nito. Na sa bawat pag lubog nito, may aasahan siyang magandang bukas sa muli nitong pagsikat kinabukasan.

Lakas na kaniyang pinanghuhugutan at ng kaniyang ina. Na kahit anong mangyari hindi siya mawawalan ng pag-asa na darating ang panahon, muling mabubo ang kaniyang pamilya.

Subalit ngayon, habang tinitingnan niya ito at pinapanuod para na lang itong ordinaryong tanawin. Nawala na ang dating kinang na kaniyang kinahumalingan.

Dahil huli na ang lahat para sa kaniyang pamilya. Wala na ang kaniyang mommy. Kahit kailan, hinding hindi na ito makababalik pa kahit buong buhay niya pang panuorin ang pag lubog ng araw at hintayin ang mga araw ng pag sikat nito.

Purong kalungkutan na lang ang nananahan sa kaniyang puso. Puot at galit para sa kaniyang ama. Dito niya isinisisi ang lahat. Kung bakit wala na ang mommy niya at kung bakit wasak ang kaniyang pamilya.

Tumayo na siya dahil madilim na kailangan niya ng umalis baka mapagsarhan pa siya sa loob ng school.

Taming Miss Ice Princess's Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon