Chapter 4

2.4K 117 2
                                    

Kadarating lang ni Dean sa school, na late sya sa pag pasok buti na lang wala silang teacher sa first subject. Pakiramdam niya tuloy swerte siya sa araw na to.

Hindi niya alam kung bakit naisipan nyang dumaan sa may likod ng Botany room papuntang class room nila gayong mas mapapalayo pa sya kung tutuusin. Medyo maaga pa naman para sa next class kaya ayos lang. Isa pa maiiwasan nya ang mga babaeng nag-aabang doon sakanya.

Teka si Ashley yon ah. What is she doing here?

Napakunot noo siya at nagtataka kung bakit nandun si Ashley sa may ilalim ng malaking puno at pasandal na nakaupo.

Ngayon lang siya nakakita ng babaeng mas gusto pang doon magbabad at magpalipas ng oras kaysa sa canteen o kaya nsman sa mga pwedeng tambayan ng mga studyante kung saan maraming boys para magpapansin.

She's kinda weird, sa totoo lang. Natatandaan nya pa last two weeks ago, nag-ayang mag merienda si Melvin pero tumanggi itong sumama sa kanila. Since then ngayon niya na lang ulit ito nakita.

Nalaman nila ni Melvin mula kay Lorraine na transferee pala ito. Bakit nakaligtas sa matalas nyang mga mata ang kagaya nito lalo pa at napaka ganda pala nito. Kahit hindi mag-ayos litaw pa rin ang taglay nitong natural na kagandahan.

Kaya lang may pagka suplada. He noticed that she's reading a book. Kaya lumapit pa siya ng konti para mas mapag masdan pa ito.

"Wala bang nakapag sabi sayo na impolite ang tumitig sa isang tao lalo na at hindi naman kayo close?"

Napapitlag si Dean ng marinig niyang mag salita si Ashley. Pano nito nalaman na nandoon siya at tinititigan ito? Napangiti na lang tuloy siya para maitago ang pagkamangha.

"Hi! Sorry pero absent yata ako ng itinuro yon"

"What do you want?"

"Ahm..wala naman. I just passed by and saw you here."

Hindi maiwasang mapangiti ni Dean. Naaamuse kasi sya sa babae. Ni hindi yata nito alam kung pano ngumiti. Ibang klaseng babae.

Kung iba-iba lang siguro hinimatay na sa kilig sa kanya. Hindi naman sa pag mamayabang, heart throb kasi siya sa campus nila.

Hindi niya maiwasang mapangiti ng maalala ito nung nanonood last week ng practice game nila sa Basketball. Ito lang yata ang nanonood na walang pakialam. Tila bagot na bagot ito. Halatang hindi interedasong manuod.

At ng hindi makatiis sa pagkabagot umalis ito at ng maisipa n namang bumalik tapos na ang laro.

At saka niya lang nakilala, kaibigan pala ito ng pinupormahan ng best friend niyang si Melvin na si Lorraine. Hindi rin sumama sa kanila ng mag-ayang mag merienda.

Since that day, nakuha na nito ang interes nya. Napaka mysterious ng dating nito. Pakiramdam niya ang dami nitong itinatagong secreto.

Interesting. You made my day.

"Kung wala ka naman pa lang kailangan, as you can see I'm busy. So, if you'll excuse me maaari bang iwan mo na ako?"

He just smirk. Ibang klaseng babae talaga ito. Imbes na matuwa, mukhang ikinairita pa yata nito na nandoon siya at maharil isang storbo ang tingin sa kanya.

Ngayon lang siya nakatagpo ng kagaya nito. Masyado siyang nasanay sa atensyong ibinibigay sa kanya ng mga tao around him. Ito ang kagaya ng babaeng tipo niya, iyong nagpapakipot, pinahihirapan siya, para naman may thrill.

Mag-sasalita pa sana siya kaya lang napansin nyang tumayo na ito at inililigpit ang mga gamit sa bag at hindi naglipat sandali ay nagsimula na itong humakbang. Nakalagpas na ito sa kanyang kinatatayuan ng magawa nyang magsalita.

"Hey, wait!"

"What?!"

Nakakunot na ang noo nito, marahil naiinip na sa sasabihin niya. Kahit siya hindi niya rin alam kung anong dapat sabihin. Out of impulse lang kaya natawag na ito.

Wala kasi talaga siyang maisip sabihin dito. Basta niya na lang tinawag ng makita niyang nadaanan na siya nito sa kanyang kinatatayuan.

"Mr., kung wala ka ng ibang sasabihin, I'll go ahead. I'm in a hurry, you know."

Iyon lang at tuluyan ng tumalikod ito. Napailing na lang siya dito. May pagkasuplada pala talaga ito. Hay, kung bakit ba naman kasi kung kailan niya kailangan ang pagiging matinik sa babae hindi niya nagawa kanina. This is the first time na tila natorpe siya sa isang babae.

Halata kasing wala itong kainte-interes sa kanya. Well, let's see kung hanggang saan nya ako kayang deadmahin.

Umalis na din siya para pumasok sa next class niya. Hindi pa nag-iinit ang pwet niya sa pagkakaupo ng dumating ang kanilang guro. Kung nagtagal pa pala siya doon, muntik na siyang ma late.

That girl. Hindi niya ba talaga ako natatandaan? Bakit niya ako tinawag na Mr.?

Nagsisimula na ang klase at nasa kalagitnaan na ng pagle-lecture ang kanilang guro pero si Dean abala pa din sa kakaisip kay Ashley. Hanggang sa natapos ang klase, lutang ang pakiramdam nya.

Wala yatang natutunan ng araw na yon si Dean. Malayo ang nalakbay ng kanyang isip sa isang partikular na tao.

Narating niya na't lahat ang gym at nakapag palit na ng damit para mag practice ng Basketball pero wala pa din doin ang buong atensyon niya.

Taming Miss Ice Princess's Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon