Chapter 19.2

17.2K 508 12
                                    

Chapter 19.2

Napabalikwas ng bangon si Nathan ng walang tigil sa pag-iingay ang smart phone ni Maureen na nakapatong sa bedside table ngunit mas lalo siyang nagising ng mamalayan niya na wala sa kanyang tabi ang asawa. Nagmamadali niyang dinampot ang telepono ng asawa at agad na lumabas ng kuwarto.


"Loleng, nakita mo ba ang ma'am Maureen mo?" Tanong niya sa kasambahay na nasalubong sa dulo ng hagdan.


"Good morning, sir. Nasa breakfast room po kasama ang inyong mommy." Magalang na tugon nito.


Nakahinga siya ng maluwag ng masigurong nasa mansion pa rin ang asawa. May kakaibang kaba siyang naramdaman kaninang paggising ng wala ito sa tabi niya.


"Parang seryoso ang pinag-uusapan ninyo." Bungad ni Nathan ng mabutan ang ina na hawak ang mga kamay ni Maureen.


Sabay na napalingon ang dalawa sa direksiyon ni Nathan.


"Good morning anak. Ang aga mo yatang nagising?" Masiglang tugon ni Marian bago tinapunan ng makahulugang tingin si Maureen.


"Good morning, my." Lumapit siya sa ina at ginawaran niya ito ng halik sa kanang pisngi bago binalingan si Maureen.


"Someone is calling you." Sabay abot niya sa hawak na telepono.

Mabilis naman na tiningnan ni Maureen ang call register sa kanyang telepono at nagmamadaling humingi ng paumanhin sa dalawa ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Kailangan niyang mag return call sa mga magulang dahil alam niyang nag-aalala na ang mga ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakauwi sa Palawan.


"I don't like her." Walang kangiti-ngiting turan ni Marian sa anak ng makalayo si Maureen sa kanila.


"Mommy? Asawa ko na si Maureen." Nakakunot ang noo ni Nathan habang hinihila ang upuan sa tapat ng ina.


"Yes, I know asawa mo na siya dahil binili mo siya. Don't try to hide the truth Nathaniel. Nagtapat na sa akin si Maureen." Mababakas sa boses ng ginang ang galit.


"Lahat naman ng babae ayaw mo para sa akin. Ngayon pinakasalan ko ang isang disenteng babae ayaw mo pa rin. I don't get you mom."


"For God sake, Nathaniel! You bought your wife! Walang patutunguhan ang relasyon ninyo. Hiwalayan mo si Maureen o ako ang gagawa ng paraan na hiwalayan ka niya. Mamili ka." May pagbabantang pahayag ni Marian.


"Don't waste your time, mommy. Hindi ko hihiwalayan ang asawa ko. And you cannot manipulate my life." Matigas din na turan ni Nathan.


Natahimik si Marian sa narinig. Hindi niya inaasahan na ipaglalaban ng anak ang asawa. "Okay, kung iyan ang desisyon mo wala akong magagawa pero huwag na huwag ka ng makikipagkita kay Farrah dahil alam mong kaya kong lasunin ang isip ni Maureen para hiwalayan ka."


"Huli na itong pagkikita namin ni Farrah mamayang gabi. Aayusin ko ang lahat ng issues namin at haharapin namin ang magulang niya para ipagtapat ang totoo. "


"Nathan, alam mo bang kinakabahan ako. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, halos buong magdamag hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip tungkol diyan sa pakikipagkita mo sa babaeng iyun."


"Mommy, just calm down. Walang kang dapat na ikakaba. Pagkatapos nito aayusin ko naman ang sa amin ni Maureen. "


"Kasasabi ko lang na ayoko kay Maureen. Maghanap ka ng babaeng mamahalin mo iyung walang involve na pera." Habang nagsasalita siya ay inoobserbahan niya ang facial expression ng anak.


Naiiling si Nathan. Kung hindi lamang niya ina ang kaharap ay baka nasigawan na niya ito. "You don't need to like her. Ako ang pinakasalan niya at hindi kayo. I will start a family with Maureen and I don't want to hear anything from you about my wife " Sabay taas niya sa dalawang kamay.


Napatuwid sa pagkakaupo si Marian. Gusto niyang sumigaw sa tuwa ng marinig ang huling sinabi ng anak. "D-Do you love her?" Halos mabulol siya sa pagtatanong dahil sa excitement na nararamdaman ng mga sandaling iyun.


"I don't know. Pero ayokong maghiwalay kami." Matapat na tugon ni Nathan.

Napatango si Marian sa narinig bago muling nagsalita. "Nathan, siguraduhin mo kung ano talaga ang nararamdaman mo kay Maureen. Kaya mas makakabuti kung huwag ka ng tumuloy mamaya sa charity event na iyun." Pangungumbinsi niya sa anak.


"Mommy, naguguluhan ako sa inyo. Few minutes ago sabi mo ayaw mo kay Maureen ngayon naman gusto mong siguraduhin ko kung mahal ko siya. I think you really need sleep, just go back to your room then later we'll talk again." Sabay tayo ni Nathan upang alamin kung sino ang tumawag sa asawa.


Samantala ng mga oras na iyun ay nasa patio si Maureen, panay ang buntong hininga niya habang nagpapaliwanag sa kanyang ina na nasa kabilang linya.


"Mama, I will see tita Fely today. I promise."


"Tell me how will you do that? Hindi ka pa nga nakakabili ng plane ticket mo going to Palawan. Maureen, hindi ako matatahimik dito hangga't hindi umuuwi sa tita mo. Baka naman gusto mo pang ako ang sumundo sa'yo diyan sa Manila at iuwi ka ng Palawan?"


Nahalata na ni Maureen ang pagkairita sa boses ng ina. "After this call, magbobook na po ako ng ticket ko. You don't need to worry, may mga pinaayos lang po ang boss ko bago niya tinanggap ang resignation letter ko." Pagsisinungaling niya sa ina.


"Okay, take care of yourself anak. Ikaw na ang tumawag sa tita mo sabihan mo siya na ngayon ang dating mo." Bilin ni Frances bago binaba ang telepono. 

_____________________


Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon