Chapter 64: Not The Sort

8.1K 251 24
                                    

"Tyumempo kami na nasa labas at busy si Montgomery then saka kami pumasok sa office niya at kinalkal ang mga files niya. Then tada! We found it!" Trina exclaimed at basta na lang ihinagis ang may lagpas lima atang folders sa mesa.

Blaise and I reached for it and we started scanning its contents. Like what I expected, these are the documents that we need.

Halos punitin ko ang folder when the last one I opened is the file of that asshole na nakasagutan ko. Apparently, his name is Miguel Enriquez. Damn, even by the looks of him on this picture ay mukha talaga siyang hindi gagawa nang maganda. Sa paraan pa lang ng pag ngiti niya ay masasabi mong mayabang siya kahit hindi mo siya kilala.

Nanggigigil man ako ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng file niya. If I will declare a fight with him and his errand boys then I should somewhat know things about him. That's how you win against an enemy. Sometimes it's not just all about who punches harder.

"Kaya naman pala mayayabang ang mga ito.. mga sikat ang pamilya eh" sabi ni Russel kung kaya't tinapunan ko siya ng tingin. Gaya rin namin ni Blaise ay nakikiusisa rin pala siya sa mga folders while Trina is on his side at tinitingnan siya. Kung iba lang ang sitwasyon ngayon I could've teased her already dahil mukhang bumigay na siya kay Russel.

I resumed reading Miguel's file. I tsked as I read about his parents' job. I see.. this is not going to be easy.

Kaya naman pala saksakan ng yabang ang walanghiyang yun ay dahil tatay lang naman niya ang kasalukuyang Minister of Education. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit pinosasan ang mga kaklase namin ng ganun na lang. More likely, they have used their influence on the law and tampered with the evidences already.

At dahil dyan.. mas uminit ang ulo ko.

"This isn't going to be easy, babe" Blaise said. I nodded at that.

"I know. That's why we have to be careful. We need a fail proof plan" I said

He carefully returned the folders he's holding on the table at ganun din kami ni Russel. Nandito ang Hunter Fourteen pero nakamasid lang sila. Siguro ay nasabihan na sila ni Blaise na ipaubaya sa'kin to kung kaya't hindi na sila nangangailam. Yet I think I need their help..

"Yung mga kaklase mo na naka kulong ngayon ay more likely, hindi tutulungan ng mga magulang even though they can. You said na ipaubaya namin sa'yo to so may I know your plan?" Russel asked

I entwined my fingers on my lap then racked my brain for ideas.

Ano nga ba ang magandang gawin? Kung bubugbugin ko naman sila ay masyado ng predictable. And more likely nag-iingat na ang mga yun because they know that we're coming for them.

"May bodyguards na ang mga yan especially si Miguel. Nakita rin namin kanina na dumalaw sa school ang tatay niya to ensure his safety" Trina said confirming my thoughts.

I tsked at that "Mas natatakot siya para sa kaligtasan ng anak niya? Wow naman" I shook my head because it's just stupidly amusing.

"Involved ang anak niya so you have to understand. More likely hindi niya alam ang katotohanan because his son thwarted the facts already o kung alam man niya, pinagtatakpan naman niya because of his reputation. You're in the upper circle kaya alam mo yan" Blaise said

He's right about that. Though actually hindi lang naman ang mga magulang na nasa upper circle ang may habit na pagtakpan ang mga anak nila na may ginagawang katarantaduhan. I think almost everyone does that. Maraming magulang ang kayang itikom ang mga bibig nila sa mga kasalanan ng anak nila. Sometimes they even help them escape justice.

Ang mga magulang ay poprotektahan ang mga anak nila kahit na minsan ay mali na ito and they justify it as their way of showing love.

"What if.." I started "What if I talk to the minister?"

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon