Chapter 7: Rules of The Game

15.1K 457 55
                                    

Kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Maoi nang pormal na akong ipakilala sa kanya ni Blaise. At mas lalong nakadagdag sa kabiglaan niya when Blaise slid his arm to my hands then entwined them together.

Hindi ako tanga. For whatever reason he has, alam kong sinasadya niya na ipakita sa ex niya ang sweetness namin dalawa. So kahit naiirita na ako sa kanya hinayaan ko na lang. Anyway, this is my punishment sa ginawa kong sobrang pagtitiwala sa ex ko. I should just think of it this way. Isa pa, isang buwan lang naman to at siguradong hindi naman kami araw-araw na magkikita.

"Do you want anything?" he asked sweetly to me and we even read the menu together.

Umorder ako ng isang slice ng blueberry cheesecake at ganun din siya. Mataman lang na nakatingin sa amin si Maoi so I smiled at her.

"So, kailan pa naging kayo? Quite fast huh, Blaise" Maoi started. Blaise just smirked slightly at that.

"Sinagot niya na ako kahapon" he then said. Noong una pinagtakhan ko pa ang sinabi niya until it hit me. Oo nga pala, kahapon ko nalaman na niloloko ako ni Maven so technically kahapon nga nag start ang relationship namin.

What a good start..

"Blaise here told me a lot of things about you, Arya" baling naman sa akin ni Maoi. Sasagot sana ako but just on time dumating ang order namin ni Blaise kaya yun muna ang inasikaso ko.

"Well.. I wonder what are they?" tanong ko. Though I am curious kung ano ang mga bagay na yun.

"He said.. nagustuhan ka raw niya when he has watched you playing volleyball"

Napatingin ako kay Blaise. Alam kong hindi totoo yun yet I don't know why I feel.. bizaarely happy at that. Nakapanood na ba talaga siya ng game namin or he just used the fact that I am a volleyball player for his benefit?

"Ah haha. Oo nga yan din ang sabi niya sa akin nun." sabi ko na lang getting back at the game.

"Maybe sometime, we can play?" she asked afterwards. Napataas ang kilay ko doon.

"Oh you play too?" curious na tanong ko at pilit inaalala kung nakita ko na ba siya somewhere na player ng ibang school.

She shook her head. "Uhm no. but I have friends who do. Maybe we can meet you there and Blaise"

I looked at Blaise again whose face is just neutral. Hindi ako magaling manghula ng mood ng tao but certainly, alam kong hindi niya nagugustuhan ang takbo ngss usapan.

"Well.. I think you should ask Blaise here about that. Ito kasing boyfriend ko na to medyo may pagka-territorial sa atensyon ko. Nung nanliligaw pa nga lang siya sa akin gusto niya na kapag ine-entertain ko siya, dapat siya lang" sabi ko na lang, playing it safe.

"Thanks for that, Maoi. Maybe we can compromise one of these days. Wag lang sa mga susunod na araw dahil gusto ko sana na kami lang dalawa muna" Blaise said with authority. Inakbayan niya na ako ulit then he kissed me on the cheek.

Maoi plastered a fake smile on her face. "Okay.."

---

"You're rude" sabi ko nung kaming dalawa na lang. Nagpaalam na si Maoi na aalis dahil may biglaan siyang lakad yet I know otherwise. I know she just can't take seeing me and Blaise together. Somewhat I can see myself on her nung mahuli ko si Maven kahapon. The face of hurt.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon