Chapter 22: Trial by Combat

11.5K 354 17
                                    

Today is the day na papasok ako sa Herondale High. Actually, muntik ko pa makalimutan yun kahapon until Trina called to say na dumating na yung uniform ko sa kanila na dalawang set. Mabuti na nga lang at nagkusa na siya na pumunta rito dahil kung sakali na magkikita pa kami sa ibang lugar, for sure hindi ako papayagan na lumabas na ng mga kuya ko. Mabuti na nga lang hindi nila napansin na inihatid ako ni Blaise rito sa bahay kagabi.

Ang problema ko na lang ngayon ay ang driver namin. Damn, paano ko kaya siya matatakasan? Kapag ihinahatid niya ako sa school, ipinapasok niya ang sasakyan sa loob ng school premises. Hindi siya umaalis kaagad hanggang sa matanaw niya ako na nakapasok na sa loob ng building.

"Ma'am, may plano po ba kayo na pumasok ngayon?" tanong sa'kin nung maid namin at doon lang naputol ang pag-iisip ko. Damn, anong oras na pala. Panigurado mala-late ako sa klase ko sa Herondale.

"Ah, oo. Tatapusin ko lang tong pagkain ko" ipinagpatuloy ko na lang ang pag kain at binilisan. Bahala na. Gagawa na lang ako ng paraan mamaya.

---

Nasa sasakyan na ako ngayon at ka chat ang mga kaibigan ko. Pare-pareho kami na nag-iisip ng paraan sa kung paano ko malulusotan ang pinasok ko na to. Ayoko naman din kasi gumawa ng isang bagay na pwedeng makapagpahamak kay Kuya Edgar – ang driver namin.

Trina: Magpanggap ka na lang na masama ang pakiramdam. Bumalik kayo sa bahay niyo tapos magkulong ka kunwari sa kwarto then sneak out

Napaisip ako sa suggestion na yun ni Trina. It's a brilliant idea. Kaya ko naman dumaan sa bintana hanggang sa makababa sa front yard namin. Yet alam kong imposible yun dahil kapag umuwi ako at sinabi kong masama ang pakiramdam ko, tatawagan ng maid namin sila kuya and before I knew it nandyan na pala sila.

"Mamaya na ako pupunta. Hahabol na lang ako. Ihahatid ko lang tong amo kong babae sa eskwelahan" dinig kong sabi ni Kuya Edgar. May kausap siya sa phone.

"Wala naman akong magagawa, mahal. Kailangan ko muna gawin ang trabaho ko. Susunod naman ako. Videohan mo na lang muna ang sayaw nila" then he hanged up.

Hindi muna ako nagsalita. Inobserbahan ko muna si Kuya Edgar and it seems that he's upset about something.

"Kuya may problema po ba?" tanong ko. He looked at me then smiled.

"Wala po ma'am. Tumawag lang po yung asawa ko para sabihin na mag-uumpisa na yung program doon sa school ng anak ko" he said

Sa sinabi niyang yun bigla akong nagkaroon ng idea. This is perfect.

"Eh hindi ba kuya dapat nandun ka? Base kasi sa narinig ko parang inaasahan ka ng anak mo doon" sabi ko

"Oo nga po. Nakapangako kasi ako na manonood ng sayaw niya eh kaya lang kailangan ko po kayo ihatid muna kaya sigurado na hindi na ako makakapanood"

Despite of my plan, hindi ko mapigilan na makaramdam ng lungkot sa sinabi niya. Somewhat, nakaka relate ako doon sa anak niya. Naaalala ko dati si daddy hindi rin siya nakakapanood ng performance ko kapag may program dahil abala siya sa business. Palaging ang mga kuya ko lang ang nanonood.

"Kuya, pwede ka naman manood. Wag mo na po ako ihatid sa school"

He looked at me with widened eyes "Naku ma'am hindi po pwede! Mapapagalitan po ako ng daddy mo at ng mga kuya mo kapag hindi kita ihinatid" he defensed right away na inaasahan ko naman na.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon