Nang makapasok ako ng tuluyan, nakita ko ang lamesa sa dulo kung saan may upuan na nakatingin sa may salamin.

"Sit." Utos nito sa akin. Parang pamilyar ang boses na ito. Hindi na ako nagatubila pang tumungo sa upuan na sinasabi niya at umupo ko roon. Ilang minuto lang ganoon ang sitwasyon namin. Nakaupo akong habang pinagmamatyagan ang likod ng kanyang upuan habang siya ay nakatingin sa may bintana.

"Hm, Sir should we start now?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Shaya." Nangtaas ang lahat ng balahibo ko sa aking katawan ng marinig ko ang boses na ito. Boses nang taong nagpahirap sa akin sa mahabang panahon. "Please don't leave me hanging."Dagdag pa nito at sabay harap sa akin. Nagulat ako sa mga nakita ko.

Doon bumalik ang unang pagkakataon na nakilala ko siya.

---flashback---

"Hey what are you doing in my garden?" Tanong ng isang batang lalaki mula sa aking likuran alam kong lalaki ito dahil sa baritong boses nito. Napatalon naman ako sa kanyang sinabi kaya naman hindi ko ito tinignan at binitawan ang paghawak sa isa sa mga bulaklak na nandito.

"I said what are you doing?!" Malakas na pagsigaw nito sa akin dahilan para mapatalon ako.

"Pasensya na..." natatakot akong tumingin sa kanya at nagulat ako nang makita ko ang magandang mukha nito. Napakunot ang kanyang noo nang makita niya ako at maya't maya pa ay ang pagngiti nito sa akin na may halong pagkakaloko.

"It's okay. Pasalamat ka maganda ka." Tugon nito sa akin kasabay noon ang paglapit niya sa aking direksyon kaya naman napaatras ako. "Simula ngayon, you're my girl now." Mas nanlaki ang aking mata nang sabihin niya iyun. Nababaliw na ba siya?! Ang bata pa namin para doon. Pero imbis na sagutin ko siya napagdesisyunan kong tumakbo papalayo sa kanya dahil dahandahan itong nalapit sa akin. Pero hindi ako nakaalis dahil sa mabilis na paghawak nito sa aking braso.

"Don't leave me hanging." Anya nito sa akin habang magkasalubong ang aming mga mata. Nanghina kaagad ang aking tuhod sa kanyang sinabi.

Iyun ang unang beses ko siyang nakita. Bigla nalamang bumuhos ang aking luha nang maalala ko lahat ng magagandang pinagsamahan namin. Simula noong highschool hanggang sa oras na nag-propose siya sa akin. Hindi ko inaakalang malayo ang mararating ni James. Ang laki rin ng pinagbago niya.

Pero isa lang ang napansin ko sa kanya. Ang mga mata niyang malungkot. Ramdam ko ang pighati sa kanyang mata mula sa kanyang puso. Itong mga mata na ito, na nagpakita sa akin kung ano ba ang tunay na pagmamahal.

"James..." nauutal kong banggit sa kanyang pangalan. Hindi nito pinansin ang pagtawag ko sa kanyang pangalan pero imbis na lumapit ito sa aking direksyon. Napako ka agad ako sa aking kinauupuan. After all this years ganito pa rin siya.

Lumapit sa akin ito, at nang makalapit siya sa aking posisyon, agad na kinorner niya ako gamit ang kanyang kamay sa aking magkabilang gilid.

"Shaya." Tawag nito sa aking pangalan at ang pagsalubong ng aming mga labi. Mas lalo akong naiyak sa kanyang ginawa lalo na't nung maalala ko kung papaano niya ako halikan. Naiiyak ako dahil bigla nalang bumalik lahat nang aking alaala dahil lang sa munting halik na ito. James, you'll very know how to make my heartbeat fast.

Parang natigil ang aming mundo nang magdapo ang aming mga labi.

At sa isang iglap ay natigil na ito sa paghalik sa akin.

"You're sweet as ever. Pinapatawad na kita, Shaya. ---Don't cry." Pagpapatahan nito sa akin na pinanglambutan ng aking puso.

"James--"

"Shh-- It's okay. " Gusto ko kasing ipaliwanag lahat sa kanya.

Matapos ang ilang taon, ganito pala ang hahantungan ko, ay ang makihalubilo sa mapaglarong tadhana. Sa haba nang panahon na hindi kami nagkita, ay ang di inaasahang pangyayari na magkrus muli ang aming landas. Sa hinaba haba ng panahon na hindi kami makasama ay ang isang halik na magpapatibok muli ng aking tulog na puso, isang halik na magpapabago muli ng aming damdamin. I will never stop loving this guy until the last breath of my life.

At the end narealize ko na siya at siya parin pala magpapakumpleto saken....
Yung pagmamahal na hinahanap ko siya lang naman talaga magpupuno at masyado ako nabulagan sa realidad na hindi kami para sa isa't-isa. I may have failed him many times choosing over the right for him who never even fight for him but still he always show me that... that I'm his priority over anything else and still andyan parin siya para unawain ako over and over again.

Pinaniwala ko sarili ko na I will still meet "THE ONE" who will be there for me through thick and thin pero mali ako. Dahil hindi ko man lang naisip na na siya na ang "THE ONE".

Sometimes in the time of worst, the best always comes within, you only need to have patience. To be happy again.



•The end•



Ayoko na habaan ang story na ito, basta yan na ang ending. Kung hindi niyo nagustuhan its okay, support niyo nalang ako haha labyu guys!

Finally I completed this story in just half a month! It's really a big achievement for me, lalo na sa isang busy na nilalang na kagaya ko, na never nakatapos ng story. Wohooo! Kung mamimiss niyo ang istoryang Shaya and James, re-read niyo nalang ulit haha

Please read my other story, entitled "Desirable Moments" and "Payback: The Obsession Of Calix"

P.S. mahal ko kayong lahat *beautyqueenwave

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now