7. He gets what he wants

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumawa siya ng malakas. Yumogyog pa ang magkabila niyang balikat na imposible ang lapad at ganda ng pagkakahulma. "Kasama ba ako sa case study mo sa project na ito? Ang dami mong opinyon tungkol sa akin ah. But just to add something to your brilliant observation, women with an IQ of two digits and beyond are crossed-out! I'm not fond of brainy women with sharp opinions and nagging tongue that doesn't stop. Makes my bigger head throb with pain." aniyang dinikit ang hintuturo sa ulo.

Brainy. Check. Voluptuous. Check. Alright, I crossed myself out from his list.

Nang makarating kami sa location. The site had been cleared already. It was in a middle of a busy city. Napapalibutan ng mga condominiums at commercial buildings. Nakahanda na ang lahat para sa excavation, may mga tent na din ang mga construction workers sa paligid at may barekada na sa buong lugar. Pinagmasdan ko si Cole sa malayo habang iniinspeksyon niya ang location. His bad boy suit fitted the environment, para akong nasa loob ng isang pelikula na siya ang bida at ako naman ang dakilang extra, na malapit nang tumulo ang laway kakatitig sa bawat himaymay ng muscle na gumagalaw sa katawan niya sa tuwing kikilos siya.

Kausap niya ang mga trabahador at foreman, marami siyang tanong at sa isang iglap lang malapit na ang loob ng mga ito sa kanya . Palatawa si Cole at palaging maaliwalas ang mukha (except doon sa part na binasag ko ang screen ng cellphone niya). Magaan itong kausap kaya naman lahat ng tao sa paligid nito kaagad na nahuhulog sa bitag.

Mayaman si Cole, gwapo, magandang pumorma, matalino at magaling makisama sa tao. I bet he never had to put an effort to everything he does. Walang kahirap-hirap na nakukuha nito ang mga bagay na buong buhay kong pinangarap at hanggang ngayon ay pinaghihirapan.

Madilim na ng matapos kami ni Cole sa site. Tinawagan ko si Nathan kung pwede niya akong sunduin dahil rush hour, wala akong makuhang taxi at hindi rin ako makapagbook. Nang makareceive ako ng txt mula sa bofriend ko na nasa probinsya ito, napakamot nalang ako sa noo. HInagilap ng mata ko si Cole.

Nakita kong pumarada sa harap niya ang isang pulang convertible. Lumabas mula doon ang isang matangkad at payat na babae na ang katawan ay kagaya ng mga hanger na supermodel sa TV. Nakasuot ito ng makinang na damit na halos wala nang tinakpan sa katawan. Napaawang ang labi ko nang pumulupot ang babae kay Cole ay hinalikan siya na parang sila lang ang tao sa paligid.

Napaka-imoral talaga ng lalaking ito. Ang lakas ng loob na nakawan ako ng halik sa opisina eh may girlfriend naman pala! Taksil! Siya talaga ang kabaliktaran ng lahat ng katangian ng lalaking pinangarap ko! Seryoso, kahit na panlabas niyang anyo ayoko. Gusto ko ng lalaking presentable hindi ng lalaking may mukha at katawan na magca-cause ng traffic at aksidente sa kalye.

Nang lumingon siya sa gawi ko, tumalikod ako. Naglakad ako palayo sa kanila pero hinabol niya ako.

"We're done here. Sa'n ka nakatira? Ihahatid na kita."

Tinaasan ko siya ng kilay. Ano gusto niyang magthreesome kami sa kotse niya? No way! Alright, that came out wrong. Maybe I should get a hold of myself and stop looking at him like a mouth-watering dish intended for everyone's consumption. "Parating na ang grab ko." pagsisinungaling ko.

"Give me the plate number then."

"Why should I?"

"You're my Architect. I take care of my people."

"I'm off duty. I'm not your Architect until 8am tomorrow."

"Plate number."

Inirapan ko siya. Tumama ang tingin ko sa babae sa likuran niya na halatang naiinip na, nakahalukipkip na ito at masama ang tingin sa akin.

"No plate number?"

"No." irap ko. "Maglalakad ako papunta sa paradahan ng jeep, magjijeep ako."

"Ng nakaheels na ganyan, nakapalda na malapit ng mapunit sa pwetan at damit na malapit nang iwanan ng mga butones sa sikip? Ihahatid kita."

Sumabog ang ugat sa gitna ng utak ko. Nagpupuyos na bumaba ang tingin ko sa damit ko na literal niyang sinabing parang suman sa sikip! Alam kong hindi ako payat, pero hindi rin naman ako mataba! Pero sa paraan ng pagkakasabi niya parang nadagdagan ng sampung kilo ang bigat ko.

Bago ko pa man siya masapak ng pinong-pino, binalikan niya ang babaeng kausap. Sinabihang mauna na sa penthouse. And who knows kung ano ang binabalak nilang gawin sa lugar na iyon! Matapos akong pasadahan ng nakakalasong tingin, pumapadyak na bumalik sa convertible ang babae at humarurot paalis ng lugar.

"Let's go!" hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila papasok ng kotse niya.

"No!" Walang silbi kahit anong protesta ko. He's all powerful aura clearly suggested that he gets what he wants, always.


Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon