022

78 8 1
                                    

— Jeon Jungkook's

Dumiretso agad ako sa court sa kung saan ako dinala ni Apricot kahapon at hindi nga ako nagkakamaling nandito siya.

Nakatalikod siya saakin, nakaluhod sa gitna ng court, at nakayuko.

Teka, umiiyak ba siya?

Tumakbo agad ako papunta sakanya at huminto sa harap niya. Umiiyak nga siya. Sumikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

"Apricot?" agad ko siyang inalo. Hinayaan ko siyang iiyak ang lahat sa dibdib ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang unti unti siyang tumahan. Yumuko ako para makita ang mukha niya and damn it, maganda pa rin siya kahit umiiyak.

My heart is too...weak for this.

"Magaling nga akong sumayaw, palpak naman sa boses," she blurted out of the blue. Pait at lungkot ay maririnig sakanya.

Hinayaan ko lang siya hanggang sa siya na ang magyayang lumabas ng court. Para gumaan ang pakiramdam niya, niyaya ko siyang magcutting since wala naman na kaming next subject.

Akala ko tatanggi siya pero nagulat ako nang agad siyang pumayag at sinabing gusto niya ng ice cream.

So, I treated her an ice cream that made her smile again, I think?

apricot | 전정국Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon