Kabanata XXIV

4.2K 76 5
                                    



 

Natatakot

 

 

 

 

Napailing ako sa pagtataboy ng tatlo sakin. Nasa harapan ako ng bahay namin at ayaw ko pang pumasok sa loob. Ano na lang sasabihin ni Yaya? Magugulat kaya si Zake? Andyan kaya si Daddy.

"Huy! Natutulala na 'to! Shoo." Sumenyas pa si Noreen na parang nagtataboy lang ng aso. -_- samantalang tumawa lang yung dalawa. "Dali! Pumasok ka na. Aalis na kami. Basta yung binili nating damit suotin mo. Humanda ka sakin kapag di pumasa sa taste ko ang pinili mo---"

 

 

 

 

"Ehh. Wala naman akong kaalam-alam sa fashion-fashion na yan!"

 

"Aisssh! Basta bukas! Bye!" sabay bagsak ng pintuan ng kotse ni Sykie. Binuksan ni Kristine yung bintana at saka kumaway sakin.

Umani naman ng masamang tingin si Noreen. "Huy! Wag mo namang mabagsak-bagsak yang pinto." Sita ni Sykie.

"Tss. Whatever." Walang pakialam na sabi ni Noreen.

"Bye! Zephy!" ngumiti lang ako sa kaniya. Tumango lang si Sykie sakin. Nangiti naman ako sa asal niya. Magugulat kaya si Zake ung malaman niyang kaibigan ko ang ex niya? I can't help to feel excited sa reaksyon ng kambal ko.

Pumasok na ako sa Gate. Di sana ako makikilala ni Manong Guard kung di niya nakita yung skateboard na nasa likod ko. Ngumiti lang ako sa kaniya at naiwan naman siyang nagkakamot ng ulo. Di siguro makapaniwala. Ganun ba talaga ka big deal ang pagbabago ng itsura ko?

"Yaya!!! Zake!!!" Sumigaw ako. Bakit parang walang tao? Napakatahimik naman. Kadalasan kasi si Yaya ang maingay dito at kung nandito man si Zake, panigurado magpapatugtog yun. Pumunta akong sala at nilagay muna ang bagpack ko dun.

 

"Yaya? Zake??!" Wala sa kusina. Wala rin sa likod ng bahay. Babalik ako sa salas pero di pa man ako nakakapaglakad ng may magsalita.

"Sino ka?" Napatigil ako. Kilala ko ang boses niya. Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito. Shit lang! Anong gagawin ko? Nanlamig ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit.

Humakbang siya at alam kong malapit lang siya. "Ang sabi ko, sino ka?" Humawak siya sa balikat ko kaya biglang naghurumentado ang puso ko sa kaba. Hinawi ko ang kamay niya at unti-unting humarap. Tumitig siya sakin at nangunot ang noo niya.

Nakita kong gumalaw ang panga niya na parang naiinis. "Bakit nandito ka?" tanong niya. Teka! Bahay namin 'to ah? Dapat siya ang tinatanong ko kung bakit nandito siya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil parang hihiwain na ako ng mga ito. "Ano bang pakialam mo?" Parang mas lalong nagalit siya sa sinabi ko. Ano bang problema niya sakin? Bakit lagi ako ang iniinis niya?

Lumayo siya ng bahagya at tumingin muli sakin. "Bakit mo ginagawa 'to?" sabi niya ng puno ng pang-uuyam. Hindi ko siya maintindihan pero base sa pagsasalita niya alam kong nakakapikong ang gusto niyang iparating.

Umiling ako. "Ayoko makipag-away sayo." Tumalikod ako sa kaniya pero nagulat ako ng bigla niya kong hilahin at pilit na ipaharap sa kaniya.

"Ano ba!" sigaw ko pero mukhang ayaw niyang bumitaw dahil mas humigpit pa ang hawak niya sakin.

Nag-aalab ang tingin niya. "Wag mo kong tatalikuran!" sigaw niya.

"Ano bang pakialam mo? Bitawan mo nga ako! A-aray!" Nagitla siya dahil sa daing ko. Kumakabog ang puso ko dahil sa galit, kaba at hindi ko alam na emosyon. Ayoko ng ganito siya. Hindi ako sanay sa galit na Gray. Sanay ako sa nakangising Gray.

 

Biglang lumuwag ang kapit niya sa braso at pakiramdam ko magmamarka yun. Napalunok siya at hindi ko alam kung kasunod ba ng huli niyang sinabi ang sumunod na binanggit niya. Basta ang tangi ko lang naramdaman ay mabilis na tibok ng puso ko at parang nagugustuhan ko pa ito.

 

"Dahil natatakot ako sa pakiramdam na 'yon."





To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon