Kabanata XVIII

4.5K 89 5
                                    


 

 

Girlfriend

 

 

 

 

Kinabukasan hindi ko na naman naabutan si Zake. Kahit kahapon di ko siya nakita, tapos ngayon wala na naman siya. Naiinis na talaga ako sa ugali ng mokong na yun. Ako ba talaga ang tinataguan niya? O mahalaga lang talaga yung pinupuntahan niya?

 

 

“Ya! Ako po ang magluluto mamayang lunch ah?”Sabi ko sakaniya. Tumingin naman siya ng nagtataka. Maaga ako nagising kahit mamaya pang ala-dos  ang pasok ko. “Pagdadala ko din po si Zake ng lunch.” Pagpapatuloy ko. Nakakamiss kasing gawin. Mamaya lumayas na naman yung unggoy na yun, di ko manlang napagluto ng paborito niya.

 

“Sige. Sige. Mukhang di na kumakain yang Kuya mo ah. Ano bang problema niya?” Nag-isip si Yaya kaya pati ako napaisip na din dahil kakaiba talaga si Zake. “Baka naman may girlfriend na kaya di na kumakain dito. Baka pinagluluto na o kaya sabay sila. Sa tingin mo?” nanlalaking matang hula ni Yaya. Pwede din! Pero bakit wala saking sinasabi yun? Grr. Dumadami na ang kasalanan niya sakin ah.

 

 

“Tama ka Yaya. Baka nga may girlfriend na siya. Hmp! Humanda sakin yun.” Lumapit na ako sa Ref at tumingin ng pwedeng iluto. Kainis! Sarap lasunin ni Zake!

Yaya, wala na tayong cauliflower?” tanong ko. Paborito pa naman ni Zake ang chopseuy, kaya dapat yung ang lutuin ko.

“Wala na ba? Sige bibili ako, tutal naman talagang mamalengke na din ako.” Sabi niya at pupunta na dapat sa kwarto niya ng pigilan ko siya.

“Ya! Wait! Ako na lang bibili. Titingin na din ako ng pwede ko pang bilin at para maluto ko na din. Gusto ko sanang bigyan na ang buong Team. Nakakahiya kasi kung si Zake lang ang bibigyan ko, tapos makikita pa nila.”

Ngumiti lang si Yaya. “Sige kung yan ang gusto mo.”

 

To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon