Kabanata XXVII

4.6K 86 5
                                    



House



Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayong kasama ko 'tong kumag na 'to. Hindi ako pwedeng pumunta sa bahay dahil panigurado magtataka siya. Kanila Noreen kaya? Kanila Sykie? O kay Kristen? Malayo ang address ng mga 'yon. Wala pa naman akong kadala-dala.



"Pst." Narinig kong may sumitsit. Hindi ko pinansin baka hindi ako ang tinatawag.



"Pst. Pst." Nakakairita naman. Kahit hindi ako ang tinatawag pakiramdam ko gusto kong lumingon.



"Kulit. Tss." Sabi ng kasunod kong unggoy. Bahala ka jan kumag! "Hey woman! San ka ba pupunta?" biglang sabi niya. Sinong woman? Wala namang ibang taong naglalakad sa kalsada bukod samin.



Ako ba? Hindi woman ang pangalan ko. May sarili akong pangalan. "Tss. woman!"



Nanggigigil akong tinignan siya. Shit! Ako nga dahil sakin siya nakatingin. Nakapamulsa pa ang mokong! Akala mo gwapo. Tss.



Naningkit ang mga mata kong tumingin sakaniya. "Ano? Zeph pangalan ko! Hindi woman!" sigaw ko sabay lakad ng mas mabilis.



"Don't care. Mas bagay mo 'yon." Panunukso niya kaya mas lalo kong nainis. Bwisit! Bakit ba kasama ko 'to? Bakit ba siya sunod ng sunod?





"Hey woman! Bakit may kwarto ka sa bahay ni Chandler? Are you living with him?" Sigaw niya ng medyo napalayo ako sakaniya. Tss. Bahala kang magsalita jan. Ayokong sumagot dahil ayoko ng magsinungaling. "So, wala na ba kong pag-asa?"





Kumalabog nang husto ang puso. Medyo mahina man 'yon pero parang dumagundong sa tenga ko. Shit! Itong Gray na 'to! "Tigilan mo nga ko!" sigaw ko pabalik.





Hindi ko siya narinig na sumagot.Tumigil na ba siya? Huminto ako at lumingon sakaniya. "Why would I?" Nakangisi niyang tanong na nasa harapan ko na pala.





Pinantay niya ang taas namin na para bang alam niyang lilingon talaga ako sakaniya. Conceited!





Pero di ko inasahan na nasa harap ko siya kaya medyo napaatras ako. Nang mabunggo ako sa poste ng ilaw na di ko napansing nasa likod ko na pala. Ngumisi pa siya ng nakakaloko sabay lapit pa ng mukha niya. "Why did you change yourself? You have your boyfriend now. So, bakit?" Nanatili pa rin ang ngiti niya sa labi.







Nailang ako sa posisyon namin. Bigla kpng nakagat ang ibaba ng labi ko sa sinunod niyang ginawa. He tried to lean forward like he's going to kiss me! Lagi niya 'yong ginagawa sakin! "L-Lumayo ka nga."





Ngunit nanatili lang siya na parang tinutukso ako. Shit! For god's sake nasa public place kami! Gusto kong ibaling ang ulo ko kaso kapag ginawa ko 'yon ay alam kong may mangyayari. Mahahalikan ko siya!





Hinuhuli niya ang tingin ko. Hindi pa rin nawawala sa kaniya ang ngisi. "Okay. I know the truth." sabi niya nang may makumpirma.





Hindi ko alam kung ano pero nanatiling ganito pa rin ang posisyon namin. Nag-init ang magkabila kong pisngi nang hindi ko mapigilang mapatingin sa labi niya. Naamoy ko din ang mabango niyang hininga. Oh my! Earth to you, Zeph. Tinutukso ka lang niyan! Natutukso ka naman!







Malakas na malakas ang kabog ng puso ko. "'Y-Yong ano?" hindi ko na matuwid ang salita ko. Galit ako sakaniya pero bakit hinahalukay ang isang bahagi ng tiyan ko ng kung ano. Ano bang nangyayari sa katawan ko?





Pakiramdam ko lumambot ng kusa ang tuhod ko ng tinagilid niya ang kaniyang ulo para makalapit sa kanang tenga ko at bumulong d'on. "He's not your boyfriend, right? Hmm. And I will going to find out what's your relationship with that Chandler."





Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Alam kong hindi 'yon hula. Alam kong kumpirmado niya na 'yon simula pa lang. Base na din sa lakas ng loob na pagsabi niya n'on. He is so confident!





Ngumisi pa siya lalo dahil na rin sa naging reaksyon ko. "Shit! I'm so right!" mura niya at lumayo sakin. Nakahinga ako ng maluwag nang lumaki ang distansya sa pagitan. Hindi ako makahinga ng maayos kapag malapit siya.







Tumikhim lang ako bago nagsalita. "I-I don't know kung anong gagawin mo. But kung ano meron samin ni Zake. That's the truth."







"Don't try to fool me. You're face just shouted it. You and Chandler are pretending. And I don't know why." Ngumisi pa muli siya. "Just don't try to run away from me..because I'll catch you. Surely."







Sinubukan kong lumayo pa lalo sa kaniya dahil kinabahan ako sa sinabi niya. Tiwala akong may mangyayari. Di lang ako tiwala sa kung anong gagawin ko sa oras na 'yon.





"Let's go. Ihahatid na kita." Seryoso niyang sabi na parang walang nangyari. "H-Hindi na. B-Babalik ako kay Zake." nauutal kong sabi nang subukan niyang abutin ang palapulsuhan ko.







Inilayo ko ang kamay ko. Kitang kita ko kung paano umigting ang panga niya kasabay ng pagkakunot ng kaniyang noo. "What the fuck? Do you have a house?" Mariin niyang sabi na halatang nagpipigil lang. Mas nadepina kung ga'no kaganda ang perpekto niyang panga. Gwapo nga 'tong kumag na 'to!







Gone with the naughty, Gray. "M-Meron." sa bahay nga namin ni Zake. Gusto kong ituloy pero panigurado'y maghihinala na naman si Gray.





"Then we'll go there. Not to your fucking fake boyfriend. Not anywhere. To your house. Or you will go with me." sabi niya sabay hila na sakin.



To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon