Kabanata XIV

4.8K 99 4
                                    



Sabi niya

Lumabas ako ng room namin dahil kakatapos lang ng klase. Tumango na lang ako sa sinasabi ni Sykie. Alam kong masaya siya sa desisyon ko dahil sa pagngisi niya kanina. Natutuwa ako dahil totoong may mga kaibigan na ako. Di pa rin ako makapaniwala.

Hapon na dahil sa huli ko na itong klase. Kakaunti na lamang ang mga estudyanteng naglalakad sa Hallway. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako. Alam kong lagi namang ganito ang nararamdaman ko tuwing papauwi ako dahil kay Papa, kaso parang may iba ngayon. May iba talaga---

"Ahh!" natumba ako dahil sa biglaang pagsalpok ko sa isang pader. Nahulog lahat ng gamit ko dahil sa pagbagsak ko. Hinanap ko ang aking salamin dahil ang medyo malabo ang paningin ko.

"Tss!" may narinig ako. Nang tumingin ako, may nakalahad sa harapan ko. "Tumingin ka kasi sa dinadaan mo." At may binigay siya sakin. Hinawakan ko ito at ito ang salamin ko. Umalis na siya, kaya napadako ang tingin ko sa likod niya. May isang malabong nakatayo dun. Parang sa tayo niya halatang lalaki siya. Nearsighted kasi ako.

Lumapit siya at tama nga ako lalaki siya."Ah!" awkward na ngumiti siya. "Pasensya ka na dun. Let me help you." Nilahad niya ang kamay niya pero tumanggi ako. Di ako sanay sa ganitong lalaki pwera kay Zake. Tinulungan niya na lang ako na ayusin ang gamit ko.

"Ah! I forgot. I'm Luke. Luke John Villafuerte, by the way." Inabot ko ang kamay niya. It's totally gonna be rude kapag di ko inabot yun. "Zeph. Zephyrrielle Ch-Ah! De Vera. Zephyrrielle Bliss De Vera." Munitk ko ng masabi ang Chandler. Tumitig lang siya sakin. Bakit? Anong problema? Binitiwan ko ang kamay niya.

"A-ahm a-anong problema?" parang nagulat naman siya sakin at napalingon sa paligid. Ano bang meron dito? "Ah! Haha W-wala. Wala naman." Natatawang sabi niya sabay kamot sa batok niya. Sinuot ko ang salamin ko at tumingin sa kaniya. Parang pamilyar siya eh. San ko nga ba siya nakita?

Umiwas siya ng tingin. "Ahm-P-Pasensiya ka na sa kasama ko kanina ah?" Kasama niya pala yun. Ngumiti lang ako. "Wala yun." Napatingin siya ulit sakin. Ang weird ng lalaking 'to.

"Ahm-Zeph. Sa tingin mo. Ah-h P-pamilyar ba a-ko sayo?" napalingon na ako sa kaniya. "Medyo." Sagot ko. Nagsimula na akong maglakad. Pero nagtataka ako kung bakit sumusunod siya.

"Pamilyar ako?" nanlalaking matang sabi niya. Tumango lang ako. Napalunok siya at halatang pinagpapawisan. "Anong nangyayari sayo?" Lumapit ako sa kaniya pero umatras lang siya. Luminga siya paligid at umatras pa.

Tumigil ako. "Naaalala mo pa ba kung san mo ko n-nakita?" umiling ako kaya parang nabunutan siya ng malaking tinik.

"Ihahatid na kita sainyo." Biglang sabi niya. Napatigil naman ako. "Bakit? I-I mean. Di pwede. M-may gagawin pa kasi ako." Tumalikod na ako pero pinigilan niya ako. Napatingin naman ako sa kamay niyang nasa braso ko. Para naman siyang napaso kaya napatanggal siya sa kamay niya. Luminga ulit siya sa paligid. Ano bang meron at lilinga linga siya? Tumuloy na ako sa paglalakad at nakarating na ako labas. Kinuha ko ang skateboard ko sa bag.

"Nag-s-skate-board ka?" Mangha na sabi niya. Nakasunod pa rin siya? Napakulit naman nito.

"Bakit nakasunod ka pa rin?" tanong ko.

"Ahm W-wala k-kasi. Ihatid daw kita." Napataas ang kilay ko. Pahatid? Daw? Sino naman may pakana nito? Si Zake kaya? Nakagat niya ang labi niya na parang may nasabi siyang hindi dapat sabihin. Umalis ako sa pagkakaapak sa skateboard ko.

"Ano? Ihatid daw ako? Sino naman nagsabi sayo?" umiwas siya ng tingin pero alam kong parang di niya kayang di sabihin.

"I'm so sorry Zeph. Naalala mo ba yung kahapon?" bigla niyang sabi. Ha? Anong kinalaman ng kahapon dito? Kumunot lang ang noo ko. At alam kong alam niyang di ko maintindihan.

"A-ako k-kasi ang n-nakatama sayo." Yumuko lang siya na parang nahihiya.

Ilang minuto ang nakalipas walang nagsalita. Kaya nag-angat siya ng tingin. "Nagtataka lang ako kung bakit sumusunod ka sakin? Pwede ka naman mag-sorry lang?" napaawang ang bibig niya? Bakit?

"H-hindi ka galit?" natutuwang banggit niya. "Bakit naman ako magagalit? Di naman yung sadya diba?" ngumiti lang ako. Nakakatuwa siya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Thanks Zeph. I'm so happy. Thank you talaga. Ang bait mo pala." Abot-tenga ang ngiti niya pero napawi yun ng lumingon siya sa likod ko.

"Teka! Si Zake ba yan?" Lilingon na sana ako ngunit hinawakan niya ako sa balikat kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

"A-ah Sige Zeph." Lumingon ulit siya at nagpatuloy. "Salamat talaga. Kung alam mo lang. Pero dahil gusto ko gumanti dahil tapos na ang paghihirap ko..." ngumiti lang siya ng nakakaloko. Lumapit pa siya sakin. Nanlaki naman ang mata ko ng niyakap niya ako at bumulong sa tainga ko.

"...next time ko nalang ik-kwento. Pero sabi niya, mag-sorry daw ako sayo. Dahil kung hindi? Tsk! Siguradong malilintikan ako." Kumindat lang siya sakin at bumitaw na. Naiwan naman akong tulala.

Teka! Sinong Siya?




To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon