Sixtyseven Chapter

427 14 1
                                    

Chaelyn POV

Napamulat na lang ako ng dumampi sa mukha ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa malaking glass window ng unit ni Baekhyun. Napatuon ang tingin ko sa sofa at wala na dun si Baekhyun. He decided last night na matulog sa sofa at ako naman ang pinatulog niya sa kama niya.

Napabangon na lang ako at nagtungo muna sa c.r upang mag hilamos at mag mumog. Pag balik ko sa kwarto ay napatingin ako sa phone ko ng mag ring ito. Nakita kong tumatawag ang apat kong pinsan sa group chat namin kaya sinagot ko ito at naupo ulit sa kama.

"Hi. Goodmorning." Bati ko sa kanila at napangiti na lang.

"Goodmorning cho! Okay ka na ba?" Tanong sakin ni Alexa habang nasa likuran niya si Sam na panay ang pacute kaya napailing na lang ako at bahagyang napangisi.

"Okay na ako kaya wag na kayong mag alala pa."

"Pano namang hindi kami mag aalala? Kinuwento samin ni Baekhyun ang lahat kagabi habang tulog ka." Saad naman ni Max kaya sandali akong natigilan.

Hasyt! Si Baekhyun talaga.

"Your eyes are swollen Chae. You look pale." Tugon naman ni Diane kaya pilit akong napangiti sa kanila.

"Diane, Alexa, Hailey, Max. I'm okay. No need to worry about me..."

"Alam kong busy kayong apat kaya huwag niyo na kong alalahanin pa. Nakuha ko na ang sagot na matagal ko ng gustong makuha mula kay Stefan, kaya i'm already happy." Pagsisinungaling ko at pilit na ngumiti upang hindi na sila mag alala pa.

"You're really happy nga ba? Kasi sa nakikita namin ngayon sa mga mata mo iba eh." Tugon naman ni Max kaya napangisi na lang ako.

"Okay nga lang ako..."

"Magiging okay ako..."

"And by the way. Maybe mamayang hapon na ang balik ko ng London pag naayos ko na ang mga dapat kong ayusin dito. Alam niyo namang malaki ang opportunity na naghihintay sakin dun." Nakangiti kong saad sakanila kaya napakunot noo naman sila.

"Hindi ba ang pinsan namin ang dahilan kung bakit ka babalik ng London Chae?" Singit naman ni Julean kaya napailing ako.

"Maybe he's one of the reason pero babalik naman talaga ako ng London to negotiate..." Sagot ko naman.

"And don't bother na ihatid pa ko sa airport dahil alam kong yan ang sasabihin niyo sakin..." Dugtong ko na lang.

"I'll end this call na. Tatawag na lang ulit ako mamaya pag nasa airport na ako." Paalam ko sa kanila kaya napangiti naman sila.

"Fine. Mag iingat ka. We love you." Tugon naman nila kaya napangiti na lang ako at binaba na ang tawag.

Kahit papaano napagaan nila ang loob ko.

Napatayo nako ng kama at nagtungo sa sala upang hagilapin si Baekhyun pero wala siya dun kaya nagtungo naman ako sa kusina at dun ko siya naabutan na busy sa pagluluto kaya napangiti na lang ako at dahan-dahang napaupo sa dining table upang hindi siya maistorbo. Ilang segundo ko rin siyang nakangiting tinitigan bago mag salita.

"Mukhang ang sarap ng niluluto mo huh?" Saad ko dahilan para mapaharap siya sakin at mapangiti.

"Kanina ka pa ba diyan?"

"Hindi naman."

"I'm doing my best just to make you a perfect food for breakfast pero mukhang hindi ko yata talaga porte ang pagluluto." Tugon niya kaya napatawa na lang ako at nilapitan siya.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Where stories live. Discover now